CHAPTER 12: Padlocks

67 5 2
                                    

Bumalik ako sa bench na inuupuan ko kanina. Nag-antay pa ako ng ilang minuto sa dalawa.

Kanina pa sila pumunta sa Swan Lake ah. Bakit hindi pa rin sila bumabalik? Mag-iisang oras na, gusto ko nang umuwi.

Itinago ko na yung susi na binili ko kanina. Nagsayang lang ako ng pera para sa wala. Pero malay ko naman, baka magkatagpo kami ng soul mate ko dahil dito.

"Huy, saan ka ba nanggaling? Kanina ka pa kaya namin hinahanap." Si Rien pala, kasama si Ceejay.

"Eh kanina ko pa kaya kayo hinihintay dito. Saan din ba kayo galing ha?" Sabay halukipkip ko, pamaldita effects. Kasi naman, naaabuso na ang pagka-mapasenyahin ko. Sa sobrang patience na meron ako, lagi nalang akong pinaghihintay.

"Charan~" Sabay ipinakita niya ang susing may yellow na lace. "Hinahanap ka namin kasi wala ka naman dito paglabas namin. Kaya nakita ko ang Love Stall, at bumili kami ni Ceejay ng susi at padlock. Ang cute 'di ba?" So, galing pala sila sa stall na 'yon. Baka nagkasalisihan kami kanina.

"Bumili ka din Ceejay?" Tanong ko. "P'wede bang Jay nalang? Jay naman ang tawag sa'yo ng mga tao sa bahay eh." Ang haba-haba ba namang bigkasin kapag Ceejay. At mas cool kayang pakinggan kapag Jay. 'Di ba?

"Pinilit kasi ako ng kaibigan mong 'to." Sabay tingin niya ng masama kay Rien.

"Hoy! Hindi ah! Hindi ko siya pinilit Cazz. Siya talaga ang bumili niyan. Tss. Sinungaling." At inirapan ni Rien si Ceejay. Tahaha. Perfect couple. In fairness, bagay silang dalawa.

"Anong kulay bang padlock ang binili mo Ceejay?" Tanong ko ulit. Nasanay na talaga ako sa Ceejay. Mahirap nang baguhin ang nakasanayan.

"Alam mo ang tungkol dito?" Ceejay asked.

"Sagutin mo muna ang tanong ko. Ako kaya ang naunang nagtanong." And I pouted.

"'Wag ka ngang magpout, mukhang pwet ng manok." Pang-aasar niya, sabay tawa, I mean halakhak. Natawa na rin si Rien. What's wrong sa pag-pout ko? Ang cute ko kaya kapag nag-p-pout ako.

"Ya! You're so bad! Cute ko kaya, noh Rien?" Nilakihan ko ng mata si Rien. Sabihin mong hindi, papatayin kita. Something like that.

"Ay oo, ang cute-cute mo," she said while pinching my face. "Dahil cute ka, tara nang umuwi sa inyo."

"Sabi ko nga uuwi na tayo. Kanina ko pa din gustong umuwi, masyado lang kayong malakwatsa talaga." Sabi ko habang tinatanggal ang pagkakurot niya sa pisngi ko.

***

Pagdating namin sa bahay, dumiretso na si Ceejay sa kanila. Kami naman ni Rien, tumambay muna sa may kubo sa likod ng bahay.

"Anong kulay ng padlock na binili ni Ceejay?" Tanong ko kay Rien. Naiintriga lang ako, baka kasi magkapareho kami ng kulay, you know.

"Bakit ka ba interesado? May gusto ka kay Ceejay noh? Pa'no na si LJ mo niyan." What?!

"Never kong ipagpapalit si LJ ko noh." Kahit na may mahal na siyang iba. "At FYI wala akong gusto kay Ceejay, we're just...we're just friends. Saka, gusto ko lang talagang malaman. Ano bang masama don?"

"Talagang nagpaliwanag ka pa ng bongga. Sige na nga. Red ang kulay na pinili ni Ceejay, kasi paborito niya daw ang kulay na 'yon. O, masaya ka na?" Huwat?! Red?! Okay, red. Red at tuldok, wala akong pakialam. Bakit ba? Ano ngayon kung magkapareho kami?

"Psst."

Maitry nga kung mabubuksan ng susi ko ang padlock niya.

"Psst."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Zealous FangirlWhere stories live. Discover now