chapter 1-hired

38.1K 465 9
                                    

"We'll text you after we decide if we will hire you.just wait for our message. You may leave now miss Alvarez"

"Thank you sir" tumayo na ako at nakipag shake hands as kanya. Haist tatlong company na yung pinasahan ko ng resume lahat sila nainterview na ako pero lahat din sila ganyan and sinasabi. Nakakainip kasing magantay lang ng text Nila di rin naman sigurado kung makakapasa ako.ang hirap maghanap ng trabaho kelangan ko pa naman na magkaroon agad ng trabaho. May sakit kasi si mama di rin naman sapat yung sahod lang ni papa tapos si Melanie naman nagaaral pa din.

Di pa nga pala ako nagpapakilala sa inyo. Ako si reaycie Alvarez fresh grad ng accountancy kaka graduate ko lang last week pero gusto ko na talaga makahanap ng trabaho kaya nagpupursige ako may sakit kasi ang mama ko Hindi ko siya biological mother pero mahal na mahal ko siya. Oo ampon lang ako ang sabi nila ni papa nakita lang daw nila ako sa labas ng pintuan ng bahay nila. Mula nun sila na kumupkop sakin di naman nila pinaramdam na iba ako sa kanila mahal na mahal din Nila ako kaya gusto Kong makahanap ng trabaho para matulungan din sila sa gastusin lalo pa may sakit si mama. May kaya naman kami dati eh Alam niyo na yung ibig Kong sabihin kaya lang dahil sa sakit ni mama unti until din naubos yung ipon Nila ni papa kasabay pa nun natanggal si papa sa dati niyang trabaho kaya eto ako kailangan na kailangan ng trabaho. Kung tinatanong niyo kung sino si Melanie siya lang naman ang nagiisa Kong kapatid totoong anak Nina mama at papa medyo may pagkamaldita din kasi Alam Nya na siya lang ang tunay na anak Pero kahit ganun mahal na mahal ko pa din yun.

Dumeretso muna ako ng hospital bago umuwi ng bahay nakaconfine kasi dito si mama kelangan kasi lagi siyang I monitor eh.naabutan ko siya na natutulog pa kaya binaba ko muna yung bag ko sa table katabi ng bed ni mama tapos umupo ako sa upuan na nasa gilid ng bed niya pinagmasdan ko lang siya ayoko naman istorbohin ang tulog niya.Maya Maya napansin ko na nag mulat si mama ng mata niya at tuluyan na niya akong nakita.

Tinanong lang niya ako kung kumusta daw ang interview ko, kung sinungitan daw ba ako kung naginterview skin sabi ko okay lang naman saka kung sakali man na sungitan ako prepared naman ako ganun talaga pag nagaaply ng trabaho eh.

"Ma kumusta na pakiramdam mo?"

"OK lang ako anak wag mo ako masyado intndihin malakas pa ako nuh haha" halata naman na pinipilit lang niya maging masaya eh. Pero sige na nga kunwari masaya din ako ayoko lalo siya malungkot.

"Ma may pasalubong pala ako sayo" iniabot ko sa kanya yung box na dala ko. Buko pie favorite niya kasi yun kahit ata araw araw ko siya dalhan nun di siya magsasawa.

"Haha anak alam mo talaga favorite ko nuh pero mas masarap pa din yung gawa mo pero salamat dito nak I love you." Umupo siya sa kama niya hinawakan niya yung mukha ko saglit saka siya nagsimula kumain nung buko pie.pinagmasdan ko lang siya habang kumakain masaya ako kasi kahit may sakit si mama pinipilit Niya maging malakas para samin.

After niya kumain pinagpahinga ko na din si mama hinintay ko lang si papa bago ako umuwi, pagkauwi dumiretso agad ako sa kwarto at nagbihis saka ako humiga sa kama ko. Haist kapagod ng araw na to saan pa ba ko pwede mag pasa ng resume di kasi ako mapakali hanggat wala pa akong nakukuha na trabaho eh.

*bssst*
*bssst*

Naramdaman ko yung phone ko na nag vibrate kaya kinuha ko agad at tiningnan kung sino ang nagtext sana naman good news na to.

Pagbukas ko nung message kulang na lang magtatalon ako sa tuwa. Natanggap na ako sa huling company na pinagapplyan ko at pinagrereport na nila ako as soon as possible.

YEEPIE may trabaho na ko di ko na napigilan magtatalon sa kama ko at magtitili haha daig pa ang kinikilig eh..

"Pwede ba makasigaw ka Jan parang solo mo tong bahay ah!!!"inis niyang sabi " at saka baka masira yang kama kakatalon mo wala ka pang pambili niyan." Nakapamewang pa siya nung sinabi niya yan

"Mel iiieh may trabaho na ko" nakangiti pa Kong lumapit sa kanya at niyugyug ko pa siya tinanggal niya yung kamay ko sa pagkakahawak sa kanya.

"Mabuti naman kung ganun para magkaron ka naman ng silbi dito sa bahay." Sabi niya saka lumabas, padabog niyang sinara yung pinto. Di pa rin mawala yung ngiti as labi ko

"Ano kayang isusuot ko bukas?" Oo bukas agad asap daw eh kaya bukas agad di naman ako excited diba...he he sigurado matutuwa si mama Neto. Excited na talaga ako ano kayang feeling pag nagtatrabaho ka na.? Aist bukas ko na nga lang iisipin pero kinakabahan ako baka pumalpak agad ako sa first day pa lang naku naman

*inhale*
*exhale*

"AJA" kaya ko to..tomorrow is the day..haist nuh ba yan nababaliw na yata ako makatulog na nga para presentable ako pagharap ko sa boss ko.



A/N
first book ko po to sana magustuhan nyo kahit wala akong writing experience I'm also trying new din para masaya. Bago lang to para skin sana matapos ko yung story...good luck skin

Girlfriend Ako Ng Boss Ko?? (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon