CHAPTER 14- CONFUSED

9.7K 173 1
                                    


8:30 in the morning.....

8:30 na pero eto ako nakahiga pa rin ako sa kama ko ang aga ko nagising kanina siguro 3 am pa lang gising na ako ewan ko kung bakit pero alam mo yung feeling na parang gusto mong bumangon kasi gusto mo siyang kasama at di sapat na Makita mo lang siya sa panaginip mo...aist

Pagkagising ko kanina di na mawala yung mukha niya sa utak ko..umagang umaga ang laki ng ngiti ko nahuli pa nga ako ni mama na nakangiti at nakahawak sa labi ko nung pumasok siya para gisingin ako para magbreakfast, wala namang pasok kaya di muna ako bumangon...haha ang landi ko ba? Eh sa yung kiss niya ang pumasok sa utak ko eh...

Umupo ako sa kama ko na hindi pa rin nawawala yung ngiti ko napatingin ako dun sa painting sa dingding ko.. isa siyang painting ng dalwang bata babae nasa isang garden sila na parang enchanted garden..puno ng bulaklak at maraming butterflies, yung batang babae nakaupo dun sa swing tapos yung batang lalaki naman nasa likod nung batang babae at idinuduyan siya, pareho silang nakangiti at makikita sa mata nila na pareho silang Masaya kasama ang isa't isa... naalala ko pa nung ginawa ko yan nung time na kami pa ni Alvin iniimagine ko nun na kami yan, na ganyan kami pag magkasama di ko na yan tinanggal kasi naman ang ganda kaya sayang naman yung time ko jan kung basta ko na lang yan tatapon diba?

Ilang taon na rin pala akong di nakakapag paint parang namiss ko bigla yung mga drawing at painting ko mula kasi nung nag break kami ni Alvin kinalimutan ko na ang pag pepaint yun kasi yun lagi naming ginagawa kapag nagbobonding kaming dalawa magaling rin kasi siyang magpaint pati mag drawing..

Tumayo ako at dumeretso sa isang cabinet na walang ibang laman kundi mga art materials ko..

Kinuha ko yung scetch pad ko tapos bumalik ako sa kama ko, gusto kong idrawing yung nasa isip ko, siya. Si Prince Jacob De Larra ang boss ng buhay ko. di naman ako makakapag paint tuyo na yung paint ko kaya mag scetch na lang ako..

Umupo ako sa kama ko habang inaalala yung mga ngiti niya, ewan ko ba ganito ba ang nagagawa ng love nag mumukha ka ng buang ...haha tumayo ulit ako tapos binuksan ko yung pinto ng balcony sa kwarto ko tapos umupo ako sa may coffee table dun nakatanaw lang ako sa labas habang nakangiti, kinuha ko yung lapis ko tapos nagsimula akong magdrawing..

Di ko maiwasan mapangiti habang dinodrawing bawat parte ng mukha niya, yung mata niya na para kang malulunod,yung kilay niya, yung pilik mata niya, yung ilong niya na ang sarap pisilin tapos yung labi niya na ang sarap ikiss.....aist ano ba yan parang ang manyak ko naman ata....

Nung matapos ko yung drawing ko itinaas ko to at tinitigan ng sobrang tagal kulang na lang matunaw sa mga titig ko...haha "bakit ba mahal kita? Ano bang ginawa mo sakin?" haist noon ayoko ko ng magmahal dahil baka masaktan nanaman ako, iiwan ng basta basta, natakot ako na mag mahal ulit pero pag pala nakita mo yung tao na mamahalin mo kahit anong pilit mong iwas sa kanya at tago ng nararamdaman mo sa kanya ka pa rin babagsak kaya eto ako taking the risk bahala na kung anong mangyari sa bukas basta ang alam ko mahal ko siya at hanggat kaya ko ipaglalaban ko siya..

Maya maya may naramdaman ako na yumakap sakin mula sa likod, gusto kong lingunin pero hinigpitan niya yung yakap niya sakin,.. ommo siya ba to? Yung lalaking laman ng isip at puso ko? Yung lalaking sobrang magpatibok ng puso ko? Yung lalaking gumulo sa sistema ko?...... aist ang korni haha

Pero bakit parang wala akong maramdaman na kakaiba sa mga yakap niya?

Pilit akong kumalas sa yakap niya at tiningnan ko kung sino yung lalaking nakayakap sakin...

At....

Langya.....bakit siya nandito?

Bakit siya?

Shete.......

"a-anong gi-ginagawa mo dito?" turo ko sa kanya.... "a-at sa-saka ba-bakit mo a-ako niyakap?" bakit ba ako nauutal sa harap niya? Ano ba kasing pumasok sa utak niya at nandito siya sa kwarto ko tapos bigla na lang siya mangyayakap?

"siya na ba ang mahal mo?" nakatingin siya dun sa drawing ko, Oo siya. siya lang..totoo naman di ba? "di mo na ba ako mahal" naglakad siya palapit sakin samantalang ako naman umatras palayo sa kanya..... " I'm sorry kung nasaktan man kita noon.... Pero di ko naman gustong gawin yun..." ano bang sinasabi niya? Di niya gusto? Pero nagawa niya na....nasaktan niya na ko.... Anong katangahan naman tong sinasabi niya " mahal pa rin kita.. di ba pwedeng ako na lang ulit?" tiningnan ko yung mata niya, puno ng lungkot,

bakit siya nalulungkot? Kasalanan naman niya kung bakit kami naghiwalay diba? saka sabi niya di na niya ako mahal pero bakit sinasabi niya ngayon na mahal niya pa ako? Ayaw ba niya akong maging Masaya?

Tumawa ako ng peke dahil sa loob loob ko gusto ko ng umiyak dahil sa nakikita kong sakit sa mata niya.. "ano ba yang sinasabi mo?" pinahid ko yung luha na nagbabadyang tumulo sa mata ko. "haha tama na ang joke time, lalabas na din ako." Ano ba tong nararamdaman ko bakit ang sakit matapos niyang sabihin na mahal niya pa ako dapat pa ba akong maniwala.. pero takte naman nasaktan ako matapos kung maalala yung araw na naghiwalay kami ng walang dahilan..

Lumakad na ako papasok sa kwarto ko, pero bago ko siya malagpasan hinawakan niya yung braso ko "hindi ako nagbibiro.... Alam kong di kapani paniwala pero totoo... mahal parin kita... never yun nagbago"

Pinilit kong alisin yung kamay niya tapos naglakad na ako paalis di ko pa ata kayang kausapin siya ngayon, akala ko wala na yung sakit pero mali pala ako, konting panahon pa Alvin, mahal ko si Jacob pero nasasaktan parin ako sa nangyari samin ni Alvin matagal na panahon na din ang nakalipas pero yung sakit di pa nagbabago, di pa nawawala.

Hawak ko na yung door knob papasok sa kwarto ko ng magsalita siya ulit. "please patawarin mo ko... ." hinawakan niya ulit ako sa braso "bigyan mo pa ako ng isa pang chance"

Humarap ako sa kanya " di pa siguro ngayon Alvin.." di ko na talaga mapigilan yung luha ko " gusto ko man malaman yung rason mo, pero hindi pa siguro ngayon.."

"mahal mo ba siya" deretso niyang tanong, alam ko naman kung sino yung tinutukoy niya eh, oo mahal ko siya pero bakit parang ang hirap sabihin sa harap niya, alam ko mahal ko si Jacob, pero bakit nasasaktan pa rin ako Makita ng ganito si Alvin?

"o-oo, mahal ko siya" tumingin ako sa mata niya pero umiwas siya ng tingin.

Lumakad na siya palabas at nilagpasan ako pero bago pa siya umalis nag iwan siya ng mga salitang nakapagpagulo lalo sakin.

"di pa ako sumusuko, papatunayan kong karapat dapat parin ako sayo.. I'll have you back no matter what."

Bigla nagsitayuan ang balahibo ko sa sinabi niya.... Uurrrghhh mahal ko pa ba si Alvin? Pano si Jacob? Mahal ko siya yun ang alam ko. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko kay Alvin?

NAGUGULUHAN AKO........

Girlfriend Ako Ng Boss Ko?? (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon