CHAPTER 38-LET GO

6.7K 132 4
                                    



It's been one week nung simulan koang panliligaw sa kanya, ewan ko lang kung naapreciate niya all I know is that I want to win his heart again.




Sa one week nay un lagi ko siyang dinadalhan ng pagkain araw-araw, di ko naman kasi alam kung ano ang pwedeng ibigay sa lalaki eh. di mo naman sila pwedeng bigyan ng flowers o kaya teddy bears just like what they do when they courting a girl.




Ngayon nagluto lang ako ng chicken adobo, one of his favorite. Nilagay ko sa kulay blue na lunch box tapos may rice tsaka binalot ko lang sa blue na tela. Di naman ako mahilig sa blue diba...haha




Iiwan ko na lang sa ibabaw ng table niya, the last time kasi na nag abot ako sa kanya ng pagkain dinedma niya lang.




Flashback

Nagluto ako ngayon ng pinakbet paborito niya rin 'to. Pag dating ko sa office dumeretso agad ako sa opisina ni boss.




"lalalalalala.." ayan maganda ang gising ko, kumakanta-kanta pa ako ha..hehehe




Malapit na ako sa pinto ng opisina niya ng bigla itong bumukas at inuluwa ang pinaka gwapong lalaki sa balat ng lupa. Pti na sa buong universe, kung may mr. universe nga lang baka panalo na ang boss ko eh.




Gwapo, matalino, maganda magdala ng damit, at professional. Almost perfect. Almost lang kasi may kulang pa sa kanya at ako yun hihihihi




Pagtapat ko sa kanya iniabot ko yung lunch box na ginawa ko. "s-sir pa-para sayo po." Aist bakit ba ako nauutal?.nakyuko lang ako, kinakabahan parin kasi ako tuwing nakikita siya eh. ilang minuto na ang nakalipas wala pa ring umaabot nung lunchbox na hawak ko. Pagangat ko ng ulo ko wala na siya sa harap ko, hinanap ko ang lalaking nagpapabilis ng tibok ng puso ko...aist corny ba? Who cares, ganyan din naman kayo pag inlove eh kaya tabla-tabla lang.




Paglingon ko sa likod ko andun na siya sa loob ng elevator.




"urghhhh....pasalamat ka mahal kita!!!!" sigaw ko di nanaman niya maririnig kasi nakababa na yung elevator. Pumasok na lang ako sa opisina niya at ipinatong yung lunchbox kong dala sa ibabaw ng table niya.

Girlfriend Ako Ng Boss Ko?? (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon