Her Last Heartache

2 0 1
                                    


...Sabi nila kung nasa tabi mo ang taong mahal mo, makakaya mong lampasan lahat ng problema. Kaya't mas pinili kong manatili sa tabi nya kahit masakit, kahit mahirap. Hindi naman ako ganto noon. Ngunit may mga bagay talaga na sadyang mahirap pigilan.. Mahal ko sya, yung lang ang alam ko.
---
Xyla's POV

Nagising nalang ako sa isang kwarto na halos puti ang kulay. Hindi ito ang kwarto ko ngunit alam ko kung asan ako.

Unti-unti akong bumangon. Nanghihina pa rin ako ngunit kailangan ko ng umuwi. Baka hinahanap na ako ni Shaun. Inalis ko ang aparatong nakakabit sa katawan ko.

"ah mam bawal pa po kayong tumayo. Mahina pa po ang katawan nyo. Tsaka hindi pa lumalabas yung test results." ani ng isang babae

"hindi. Ok na ako ms. Nahilo lang siguro ako kanina dahil sa sobrang init. Kelangan ko nang umuwi. Allergic kasi ako sa ospital eh." pabirong sagot ko rito.

Lumabas na ako sa kwarto. Ayaw ko nang magtagal pa dito. Ayoko sa mga ospital..

*Bahay

Pagkapasok na pagkapasok ko, sinalubong agad ako ng maid.

"ah mam nagugutom po ba kayo? Ipaghahanda ko na po kayo."

"salamat nalang ho pero busog pa po ako ate Lot."

"dun na muna tayo mam sa sala.. mamasahihin ko na po kayo. mukahang pagod kayo" ate Lot

"wag na po kayong mas abala.. aakyat na lang ako sa kwarto para mag pahinga.. magpahinga na rin po kayo at gabi na."

umakyat na lamang ako.. kita ko ang pag aalala sa mukha nya. halatang pinipigilan nya akong magtungo sa kwarto.

malapit na ako sa kwarto ng may marinig akong nagsalita. boses babae.. nanikip ang dibdib ko. hanggang ngayon ba ganito pa rin? kailan ba sya titigil?

sabay ng pagbukas ko ng pinto ang pagpatak ng aking luha. palagi ko naman syang nahuhuli, gabi-gabi.. dapat sana'y na ako diba? dapatr balewala nalang to saakin. pero bakit parang ang sakit? ang sakit sakit..

dahil ba sa mismong kwarto namin nya iyon ginawa o dahil nakikita kong nasisiyahan sya? nag- eenjoy syang kasiping ang babaeng iyon? o pareho?

Shaun bakit? bat mo ko sianasaktan ng ganto?

tuloy tuloy lang ang pagpatak ng luha ko. tila napako na rin ako sa kinatatayuan ko. mas masakit pa to kesa malaman ang katotohanang may tan---

"babe sino ang babaeng yan?"

natigil ako sa pag iisip ng tumingin sakin ang babae at nagsalita. hinintay ko ang sagot ni Shaun. hinintay kong sabihin nya na ako ang asawa nya... na mag asawa kami.

"wag mo syang pansinin babe. hindi ko sya kilala. bagong katulong ata" malamig na tugon ni Shaun

katulong? bat di nya sinabi ang totoo? kulang pa ba ang mga ginagawa mong pagtataksil sa harapan ko Shaun? bakit kailangan mo akong saktan ng ganto? bakit?

hindi ko magawang mgsalita. ang dami kong gusto sabihin pero mukhang umatras ang dila ko..

"ano pang tinatayo tayo mo jan? katulong ka lang pala! istorbo! alis na tonta!" pangtataboy sakin ng babae

"ano ba?! hindi ka pa ba aalis? labas!"

nagulat ako ng sumigaw si Shaun. ngayon lang sya sumigaw. lagi naman kasi hindi nya ako pinapansin kahit na nasa iisang bahay lang kami.. na parang hindi ako nag eexist.

dali dali akong tumakbo pababa ng hagdan, palabas ng bahay. lalong nanikip ang dibdib ko. nahihirapan na akong huminga. gabi na, hindi ko alam kung san ako upunta.. basta't ang alam ko, nasasaktan ako. takbo lang ako ng takbo. lumalabo na ang paningin ko kakaiyak. hanggang sa may nakita akong nakakasilaw na ilaw papalapit sa akin.

bigla ko nalang naramdaman ang pagbangga nito sa aking katawan. sobrang lakas dahilan upang tumilapon ako.
----------
halo-halong emosyon ang nararamdaman ko... sakitv dahil sa nangyari kanina. pangamba dahil baka hindi na ako umabot . hindi na ba ako aabot sa itinakdang oras ng doktor ko?

lungkot dahil hindi ko man lang makikita ang mga mahal ko sa buhay, hindi ko na makikita ang anak ko...

gusto ko pang lumaban.. para kay Shaun.. para kay Jayne... pero sumusuko na ang katawan ko.

may naririnig akong sigawan, ramdam ko rin ang komosyon sa paligid.. tila natatakot sila sa maaring mangyari sa akin, naaawa.

ngunit alam ko, ramdam ko na sa oras na pagpikit ng mata ko, matatapos na rin ang hirap na nararamdaman ko. mawawala na rin ang sakit ko...---
_________________________________________________

*END

Leave Me NotWhere stories live. Discover now