The Forgotten Promise

2 0 1
                                    


Jack's POV

*bell rings*

Rinig na rinig ko ang tunog ng kampana, hudyat na dumating na ang bride. Mataman kong pinagmasdan ang pinto,hinihintay ang pagpasok nya.

Di nagtagal ay unti-unti na itong bumukas kasabay ng pagpasok ng isang anghel. Napakaganda nya talaga. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi...
----------
"hi! I'm Jilliana Santiago." pagpapakilala ng batang babae sabay lahad ng kamay nito. tsk! paki ko ba sa transferring to.

"But you can call me Yanna." ngiting ngiti ito. hindi pa ba sya aalis?

"You're John Ace Cruz Kenly right?" Hindi ba sya napapagod magsalita't ngumiti? tsaka stalker ko ba sya?

tumayo na ako para umalis. mukha kasing wala naman itong balak tumigil.

nakakailang hakbang na rin ako habang sya, ayun salita pa rin ng salita. tsk.

"Jack!" rinig kong sigaw nya. sino na naman kaya ang guguluhin ng babaeng yun.

dire-diretso lang ako sa paglalakad ng may tumamang matigas na bagay sa ulo ko. paglingon ko, sapatos na pambabae.

"hoy bat mo ko binato?" singhal ko sa madaldal na babaeng nambato sakin.

"kanina pa kasi kita nitatawag, di ka nalingon"

"mukha bang jack ang name ko?"

"jack, short for John Ace Cruz Kenly."

"nanay ba kita para bigyan mo ko ng ibang pangalan?"

"Hindi. pero kaibigan na kita kaya pwede na :)" ngiti nitong sagot.
----------
napangiti na lang ako ng maalala ko ang unang beses na nagkakilala kami. ang unang beses na naging magkaibigan kami.
----------
"hoy Jill!" lumingon lingon pa ito wari'y naghahanap ng ibang tao.

"ako?" sabay turo nito sa sarili nya.

"tsk. may iba pa bang tao dito?"

"wala. pero hindi naman Jill ang name ko eh. yanna ang name ko jack, yanna. bata ka pa makakalimutin kana." dire-diretso nitong sagot. Hindi ba sya nawawalan ng hininga? tsaka ano akala nya sakin ulyanin?

"ang pangit. di bagay sayo. masyadong pambabae."

"eh babae naman talaga ako ah. anong akala mo sakin lalaki?"

"kaw ang may sabi nyan di ako. tsaka ikaw lang ba ang pwedeng magbigay ng palayaw ha?" kita kong napasimangot sya. ang cute nya.

"ngumiti ka jack. kita ko, ngumiti ka." ang lapad ng ngiti nya. ano naman kung ngumiti ako tss.

"ngumiti si Jack. ngumiti si jack" tumatalon talon sya habang kumakanta hanggang sa...

"hahahahahaha." bigla nalang akong napatawa. nadulas kasi sya. paupo syang bumagsak at ang lakas ng impact nun.

"Hindi ko alam kung matutuwa ako na tumawa ka o maiinis dahil pinagtatawan mo ako hmmp"
----------
tinitigan ko sya habang dahan dahang naglalakad papunta sa harap ng altar.
napadako ang tingin nito sa akin. Ngumiti sya. ang mga ngiting iyon. tulad rin iyon ng...
----------
"Jack tingnan mo oh. ang ganda nitong nakuha ko." saad nya sabay abot sakin ng isang singsing. "suot mo sakin bilis " dagdag pa nito.
"tsk. bat mo pa inabot sakin kung isusuot mo lang rin naman?" tanong ko rito
"isuot mo na lang kasi. tsaka hindi naman pwedeng ikaw ang magsuot nyan kasi pambabae yan tsaka-..." tinakpan ko nga bibig nya. sigurado naman kasing hindi sya titigil eh.
"oh ayan. ang luwag nga sa daliri mo. malalaglag lang rin yan."
"Hindi. Hindi ko hahayaan na mawala to. tanda to na paglaki ko magpapakasal ako, tayo."
"so magpapakasal tay-... ANO?! magpapakasal tayo?"
"oo. magpapakasal tayo" ngiti nitong sagot
"sigurado ka bang pkakasalan kita?" maasar ko nga tong babaeng to
"ihh basta mag promise ka na paglaki natin magpapakasal tayo ah."
"yoko nga. tsaka ayaw ko sa promise kasi di naman yan natutupad eh."
"waaaahhhhh.. mag promise ka na kasi Jack. waaaahhh.. tutuparin ko lahat ng promises ko."
"sige na nga. papakasalan na kita paglaki natin basta tumigil ka na sa kakangawa mo jan Jill."
"talaga? pinky promise?"
"oo nga kahit ang corny ng pinky promise -_-"
"yehey! ang saya saya ko Jack. sana palagi tayong magkasama."
"Hindi kaya may sakit ka Jill? kani kanina lang kasi naiyak ka tapos ngayon ang lawak na ng ngiti mo. abot hanggang tenga pati mata mo nangiti rin. baliw ka na ba?"
"di ako baliw no! masaya lang ako." ang sarap nya talagang asarin. "Jack will love Jill forever. " dagdag pa nito.
---------
napangiti nalang ako ng maalala ang araw ba yun. marahil bata pa kami noon pero mula noon pinangako ko na sa sarili ko na poprotekahan ko sya, aalagaan at mamahalin. lahat ng ipinangako ni Jill tinupad nya ngunit...
"Jack" tinapik ako no Jill. hindi ko namalayang nasa harap ko na pala sya ngayon. lalo kong nasilayan ang kagandahan nya. simple lang ang suot nya pero litaw na litaw ang kagandahan nya.
"thank you Jack ah." sabay yakap nya sakin
"sus wala yun. mawawala ba ako sa kasal ng best friend ko? eh di ko sana nakita ng personal na di bagay sayo ang gown mo. hahaha" Biro ko dito. hinampas ba naman ako.
" Yohan bro, alagaan mo tong best friend ko ah. kahit madaldal at amasona yan mahal na mahal ko yan. lagot ka sakin pay pinaiyak mo to."
"wag kang mag-alala bro. mamahalin at aalagaan ko si Yanna higit nino man."
"awe touch naman ako sainyong dalawa."
"sige na. baka mainip na so father. haha"

pinagmasdan ko lang sina Yohan at Yanna habang naglalakad papunta sa harap ng altar.
siguro nga Jack will love Jill forever. but my love will just stay as best friends, as siblings. and Yohan and Yanna are truly meant for each other.

Jill proved to me that not all promises are meant to be broken.

Sadya lang talagang may mga bagay na pinahiram, pinakilala o pinadaan sayo para turuan kang maging mabuting tao.

hahayaan ko nalang ang Diyos na magpasya.. kung meron mang babae na inilaan na para sakin, paniguradong magkikita't magkikita kami...
---------------------------------------------
*END

A/N: kung sa game may GG (good game).. sa story ko may LL (Lousy and Lame)

sana may magbasa kahit di maganda.

Leave Me NotOnde as histórias ganham vida. Descobre agora