Chapter39: She is...

38 0 0
                                    

Scarlet POV

Pagkarating namin sa quantum, masyadong maraming tao. Karamihan din sa kanila mga teenagers, looks like high school students siguro.

"Lokaret!" nakasigaw na tawag ni jing na nasa tabi ko. Maraming tao at malakas ang music kaya kailangan namin magsigawan para magkarinigan. "Ano?!"

"Basketball tayo?!" pagkasabi niya nun ay hinila niya na agad ako, hinila ko naman si Rina.

"Excuse me, excuse me." sa sobrang dami ng tao kailangan pa naming makipagsiksikan para makadaan.

"Hays, ba't kasi ang dami ng tao ngayon eh!" pagmamaktol ni jing. "Siguro nagdidate sila ngayon weekends kasi eh!" sabi ni Rina. "Oo nga eh! Ba't kasi tuwing date laging mall ang pinupuntahan nitong mga 'to eh! Sobrang cliché, mygosh! Wala na bang iba?! Tss!" bitter na bitter talaga si lokaret pagdating sa mga magjojowa haha!

"Tara na nga mag basketball nalang tayo! Baka biglang may lumabas na bitter na dragon dito hahaha!" nakanguso na kasi si jing baka mabeastmode na naman siya. Kinuha na ni jing yung card niya sa bag niya.

"Wow! First time kong maglaro ng basketball, hihi!" masayang sabi ni Rina. Natawa naman kami. "Huh? First time mo maglaro? Bakit naman?" chismosa talaga 'tong isang to eh.

"Huh? Ah-eh k-kasi- Ouch!" napahinto siya sa pagsasalita ng matamaan ng bola ang kanyang ulo. "Nako! Sorry po ate, sorry po di ko po sinasadya." sabi ng sa tingin ko ay nasa 15 years old na lalaki.

"Sa susunod kasi mag-ingat ka! Pano kung sa iba kayo nakatama?! Tss!" pangsesermon ni jing. "Sorry po talaga." nakayukong sabi nung lalaki.

"Sige okay lang." nakangiting sabi ni Rina. Napatingin kami sa kanya, pati na rin yung lalaki. "Okay lang talaga, sanay naman akong masaktan eh. Hahaha!" pagbibiro niya, kaya natawa kami. "Pasensya na po talaga, ate. Sige po mauna na po ako. Sorry po talaga." tinanguan lang siya ni Rina habang nangingiti.

"Ang bait mo talaga, Rina." nakangiting puri ko sa kanya. "Hahaha! kaya nga madali akong kunin eh, haha!" nagtataka kaming napatingin sa kanya. "Madaling kunin? Ng alin?" naguguluhang tanong ni jing. Mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy niya. "Haha! Next time ko nalang ii-explain. Sa ngayon maglaro na tayo dahil kanina pa ko excited, yippee!" tumango nalang kami. Mukhang excited na kasi talaga siya eh! "Let's get it on! Whoa!" sabi naman ni jing.

"Hephep! Ako muna, no?" nanguna nang mag swipe ng card si jing at naglaro na siya.

Pinabayaan na namin siyang mauna para naman mawala na yung pagkabadtrip niya. At sa tingin ko naman umepekto naman.

"Whoa! Hahaha ang galing ko!" natatawa kami ni Rina habang pinapanuod siyang maglaro. Halata kasing may pinaghuhugutan siya habang nagbabasketball eh, parang may gusto siyang sapakin, di ko lang alam kung sino. "By the way, let's take a bet. Kung sino ang manalo ililibre, at kung sino ang talo manlilibre. Bet?" tanong niya habang tuloy tuloy na nagshoshoot.

"Count me in!" pumapalakpak pang sabi ni Rina. "How about you?" tukoy sakin ni jing. "Fine." may choice pa ba ko. Tss "Yesss!" rinig kong mahinang bulong ni jing, kaya napatingin ako sa kanya, pero nginisian niya lang ako.

Nang matapos siya sa paglalaro, ako naman ang sumunod. "Okay. This is it!" swinipe ko na yung card at nagumpisa nang maglaro.

"Wow! Gen ba't ang galing mo shumoot?! Hahaha!" Nang iinsultong sabi ni jing. Palibhasa naka perfect siya eh, samantalang ako naka 4 points lang huhu! Anong magagawa ko di talaga ko magaling sa sports, kahit pa di actual basketball 'di ko parin keri 'yan huhu! "Che! yabang mo!"

"HAHAHAHAHA bleh! Anyway its your turn, Rin." nakangising sabi ni jing habang inaabot ang card kay Rina. Napalunok naman si Rina habang kinukuha ang card. Nagpunta siya sa harap ng mini court habang humihinga ng malalim. "Ay girl, wag mong masyadong seryosohin baka mahimatay ka ha? Haha!" nagawa pang mang-asar nitong lokaret na 'to.

Marrying A CommonerWhere stories live. Discover now