Chapter41: Lovers Matters (part II)

39 0 2
                                    

Scarlet POV

"Blah blah blah" wala akong maintindihan sa sinasabi ng prof sa harapan. Ang alam ko lang gusto kong matulog. Waaah! Kanina pa 'ko tungko ng tungko sa desk ko, huhuhu! Buti nalang katabi ko si jing, may sumasalo sa baba ko everytime na babagsak na 'ko.

"Lokaret, ano bang nangyayari sa'yo? Dati ikaw pa unang una sa pagri-recite ah. Ba't para kang bangag na zombie ngayon, huh?" bumubulong ba 'to? Eh halos mabingi na'ko sa lakas ng boses eh.

Napansin kong napatingin yung prof sa gawi namin. Patay na! "Do you want to share something, Miss Shin?" nakataas na kilay ni ma'am. Daldal kasi nitong lokaret na'to eh, tss.

Napayuko si jing na parang may iniisip. Eh? Baliw na ba talaga 'to? "Ma'am, I'm just checking Gen. She doesn't feeling well." nagulat ako sa sinabi niya. Uh-oh ginamit na naman niya 'ko para makaligtas.

"Is that so? You can bring her to the clinic, now. Proceed." mukhang napaniwala talaga ni jing si ma'am. Galing talaga mag-sinungaling nito.

"Yes!" mahinang buong niya at 'saka kunwaring inalalayan ako. Di na'ko umangal dahil gusto ko na rin naman talagang matulog.

Pagkarating namin sa clinic. Agad akong humiga sa kama. Shems naman, ang hirap pala ng puyat. Si jing naman pumunta ng cafeteria, bibili na naman ng french fries 'yun malamang.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang may kumalabit sa'kin. Pagkakita ko. Lalaking color red ang tuktok ng buhok. Eh? Diba bawal ang may kulay ang buhok dito, except sa mga tourism students. Nang matitigan ko siya parang may kamukha siya eh, di ko lang matandaan kung sino. "Anong kailangan mo?" mahinang tanong ko.

"This is mine." inaantok na'ko. Wala ako sa mood makipag-usap sa kanya, kahit gwapo pa siya.

"Hey, I said get out! This is mine!" minulat ko ang isang mata ko. Istorbo naman 'tong manok na'to. Tss! "Ano ba?! Natutulog yung tao diba? Bastos ka ba?!" bumangon ako sa pagkakahiga at umupo habang kinukusot ang mga mata.

"This is mine." napatingin ako sa tinuturo niya. "Ay, Hehe s-sorry naman." yung kanina pa pala niyang sinasabing kanya, ay yung bag niya na ginawa kong unan. Malay ko naman na bag niya pala yun. "Tss." yun lang at umalis na siya pero nagulat ako dahil bago siya tuluyang umalis iniwanan niya muna ko. Iniwanan niya ko ng isang nakataas na kilay at isang malupit na rolled eyes. Ohmy! Napatakip ako ng bibig ko sa gulat.

Maya maya pa ay dumating na rin si jing habang dala dala ang fries niya. Akala ko ay kaya large fries ang binili niya dahil hati kami pero 'di pala. Dahil kahit konti 'di niya 'ko pinatikim, grabe siya! Sinumbatan niya pa'ko na inubos ko nga daw yung fries niya kahapon.

"Makatulog na nga lang!" pagdating talaga sa fries 'di ka makakahingi sa kanya eh. Parang si mateng lang, sa stick-o.

Bumalik ako sa pagkakahiga at natulog nalang ulit.

***

"Lokaret, hey! Wake up!" naalimpungatan ako sa lakas ng boses ni jing. "Wala na bang ilalakas 'yang boses mo?  Sobrang hina pa eh halos 'di namin marinig." naaasar na sabi ko sa kanya. Pati yung university nurse natatawa nalang eh. "Peace, haha!" lagi naman eh!

Three hours of sleep? Not bad. I think so. At least nakabawi kahit konting tulog.

Bumangon na'ko at nag-ayos ng sarili, syempre pati yung bed, nakakahiya naman sa hihiga ulit dito. Magpa-five na pala. May isang klase pa kaming papasukan, hays.

Lumabas na kami sa clinic. Nagpasalamat din ako sa nurse sa pagpapatulog sa'kin. "Lokaret, are you okay now? Di kana inaantok at bangag?" natawa ako ng bahagya dahil slang pa 'yung pagkasabi niya ng bangag eh.

Marrying A CommonerOù les histoires vivent. Découvrez maintenant