Chapter48: Start of cause

22 0 0
                                    

Scarlet's POV

"Ang tagal naman ni mateng." sabi ko sa isip ko. Syempre 'di ako pwedeng magsalita mag-isa dito, mapagkamalan pa akong baliw 'no.

Anyway, kanina pa ako nakaupo dito at naghihintay. Nasa shed ako ng JU to be exact.

Simula kasi nang maghiwalay kami ng landas ni Jing, e wala pa rin akong natatanggap na ni-ha ni-ho ni mateng. Nag-aalala na nga ako, baka kung na pa'no na ang lalaking 'yun. Napabuntong hininga ako, 'wag naman sana huhuhu.

Tinatawagan ko naman kaso nakapatay yata ang cellphone niya at 'di ma-reach. Pinauwi ko pa naman na 'yung driver ko dahil alam kong si mateng ang susundo sa'kin, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Haaaay!

Napag-desisyonan kong maghintay pa ng ilang minuto. Dahil baka na-late lang o kaya na-flat-an o kaya may meeting pang tinatapos o baka naman nag- aish!!! Iniisip ko na lahat ng pwedeng dahilan para naman kahit papano maiwasan kong mag-isip ng kung anu-ano. Pero kahit anong gawin ko 'di ko talaga maiwasan e. Naubos na rin yata ang hangin ko sa katawan kakabuntong hininga, pero wala pa ring mateng na nagpakita.

Its already 9:15 nang makarating ako sa bahay. Sumakay nalang ako. Yes, nag commute ako, Nasanay ako sa hirap kaya 'di hassle sa'kin ang pag-c-commute.

'Pagkarating ko sa bahay.

Naabutan ko si Tita at si Liza sa sala nanunuod ng movie. Gulat silang napatingin sa'kin pagkapasok ko. Ganun ba kasama 'yung itsura ko at sabay pang lumaki ang mga mata nila na para bang 'di nila ako makilala. Ghaaaad!!!

Kung nagtataka kayokung nasaan si daddy, obviously wala siya dito. He's now in Vietnam, I think business matters na naman.

"What happened to you, Gen? Bakit mag-isa ka lang and... why you look like mess?" gulat na tanong ni Tita nang makalapit ako sa kanila.

'Di ko pinansin ang tanong niya. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. "Si mateng po ba nandito na?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

"He's not here pa e. I thought you're with him." takang sabi ni Liza. 'Yan nga din ang pagkaka-alam ko e.

Lalo tuloy akong nag-alala. Kung wala pa siya dito nasaan na 'yun. Siguro ay may tinapos lang na meeting. Tama, baka nga dahil sa trabaho niya kaya wala pa siya. Pero kung gano'n nga bakit hindi man lang siya nagparamdam sa'kin.

Hays, pagkarating niya na nga lang ko siya tatanungin. Siguro naman ayos lang siya. Sana nga, sana.

Dumiretso na ako sa kwarto namin ni mateng. Pagkapasok ko sa loob ay napabagsak ako agad sa kama. Ngayon ko lang naramdaman 'yung pagod ngayong araw. 'Di ko na alam kung ano ng nangyari dahil 'di ko na kinaya ang pagod ko. Kaya nang maipikit ko ang aking mga mata ay dire-diretso na itong nakatulog.




>>>

Kinabukasan nagising nalang ako nang may liwanag na tumatama sa mata ko. 'Di ko pala na-isarado ang bintana kagabi kaya siguro-

Pero teka, napabalikwas ako at bumangon para tingnan ang buong parte ng kwarto. Nandito na kaya siya? Nagmamadali akong tumayo para i-check kung nasaan siya. Pero bigo ako.

Wala siya.

Bumaba rin ako para tanungin sila Tita at Liza, pati na rin ang iilan naming kasama sa bahay.

"Dumating po siya kaninang madaling araw, pero agad din naman pong umalis ng 6 am. Nagmamadali nga po e. Pagkarating niya po kasi, d'yan na siya natulog sa sala e."

Marrying A CommonerWhere stories live. Discover now