Wattpad Original
There are 4 more free parts

Chapter 9 | Sapphire Blu

157K 4.5K 2.4K
                                    

Chapter 9 | Sapphire Blu


"Hi!"


Nagulat ako nang may biglang bumukas ng pintuan ng apartment. Abot tainga ang ngiti niya sa 'kin habang mabilis na kumakaway. Napansin ko kaagad ang isang streak na blue green sa buhok niya nang itago niya 'yun sa likod ng tainga niya.


"Apartmates!" Inalok niya ang kamay niya. "Welcome to our lair."


"Oh! Ikaw yung nasabi nung landlady. Sorry, I wasn't able to meet you last week." Nakipag-shakehands ako sa kanya, totally forgetting that I'm carrying a big box. Buti na lang nabalanse ko nang maayos.


Pinapasok niya ako nang bigla kong naramdaman na may humigit ng T-shirt ko. I almost forgot that I'm with Aljie. He pouted his lips when I looked at him. Inaantok nga pala siya.


"Oh, hello!" mabilis na bumati sa kanya ang babaeng—well, "apartmate" ko as she termed it. "I'm Sapphire, by the way."


Mabilis kong ibinaba yung box na dala ko at binuhat si Aljie. "Sapphire. Kaya ba blue green?"


Bigla siyang na-conscious sa kulay ng buhok niya. "Somehow. Kina-career ang pangalan." She smiled. "But please call me Blu. My friends call me Blu and since we're housemates now..."


"Okay, Blu." Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil ngiti siya ng ngiti sa 'kin. "I'm Gab and this baby is Aljie."


"Cool." Bigla niyang ginulo ang buhok ni Aljie. "Hi, Aljie."


Pero tiningnan lang siya nito. Antok na antok siya dahil maaga kaming umalis ng Quezon. He didn't get a proper sleep last night cause he's busy telling me stories while I'm away. Tapos ito pa, maaga kaming umalis.


Tumingin ako sa paligid ng apartment. It's the same the last time I saw it. Yun nga lang, yung pintura ng pintuan ko iba na ang kulay. At mukhang napansin ni Blu 'yon.


"Sorry, hindi na 'ko nakapagpaalam sa 'yo." Natataranta siyang pumunta sa harap ng pintuan ng kwarto ko na para bang gusto niyang itago 'to. "Welcome gift sana and I love redecorating this place every now and then so..."


"Don't worry. Cerulean is fine."


"Looks like I'm not the only one who's a sucker for colors." Bigla siyang natawa considering na exact shade ng color ang sinabi ko. Cerulean. If she only knows that I just randomly select colors whenever I'm working on a project and the color name stuck in my head cause I find it too classy for a name of a color. "By the way, may katulong ka na ba sa paglilipat? Gusto ko kasi sanang tumulong kaso may shift ako ngayon, e."


"Okay lang. Dadating yung iba kong kaibigan mamaya. Tapos si Jun, dadating din."


"Babalik agad ako after work. Promise."


"No please. Okay lang naman."

Boyfriend Corp. Book 3 : After Happily Ever AfterWhere stories live. Discover now