Wattpad Original
There are 2 more free parts

Chapter 11 | Takipsilim

152K 5K 2.4K
                                    

CHAPTER 11 | Takipsilim



I need money.


Ilang linggo pa lang akong nag-stay sa apartment pero nalaman ko na agad na mahihirapan na ako. Dati kasi sa Quezon lang ako at aasa na lang ako sa gas ng sasakyan. Minsan naman kasi gamit ni Papa yung sasakyan kaya gagastos lang ako para don kung ako ang napapag-abutan ng ubos. Bukod don, lunch lang halos ang gastos ko plus yung pinagiipunan ko, isang investment na hindi ko alam kung dapat ko pa bang ituloy—pati na rin siguro ang pangii-spoil ko kay Aljie. At ngayon ngang bigla-bigla kong napagdesisyunan na mag-stay ulit sa Batangas—wala na. Mamumulubi ako nito.


Hindi naman ganoon kalaki ang sweldo ko sa Art Stuff. O siguro nahihirapan lang ako kasi simula pa lang at medyo nagaadjust pa ako para makapagbudget nang maayos. Either way, halatang mahihirapan ako.


"E pano ka tatanggapin ng Art Stuff kung empleyado ka na agad?" Pagbibiro ni Matt. Isinilang na corny ang lalaking 'to. Hiring kasi ngayon sa Art Stuff at doon ko nakuha ang idea na pwede akong kumuha ng part time na pwedeng magadjust para sa schedule ko. And again... Obviously, mahihirapan akong maghanap.


"Magkano bang kailangan mo?" sinimangutan ko si Matt. "Ah, ayaw mo nga palang nangungutang."


"Correction: ayaw kong magkaroon ng utang na loob."


"Still, utang." Lumabas na kaming elevator ni Matt at dumiretso sa lounge area dahil naghihintay sa 'min don si Lean with the final plan para sa store nila. "Babayaran mo naman ako, 'di ba?"


"Wag na, Matt. I don't want to hold on to promises. Mas lalo pa akong mapasama kapag 'di ko natupad."


"Correction. Hindi utang na loob ang ayaw mo." Nakadating na kami ng lounge at nakita ko agad sila Lean. Dati, hindi na ako nagugulat kapag nakikita siya sa paligid. Ang bilis kong ma-immune. "Promises."


Nginitian ko lang si Lean nang matapos siyang kamayan ni Matt. Awkward as it may seem, but Matt shook his hand too. Pero this time, hindi ko ata kayang ngitian siya. Why the hell is he here anyway?


"Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga ako sanay na nakikita kayong magkasama. Nakakalito pa rin kasi." Sinubukang tanggalin ni Matt ang pagkailang at mukhang naka-catch up naman agad si Lean.


"Basta ako 'yung mas gwapo."


Days have been—weird. Ang dating routine ko na bahay, Art Stuff at Aljie... nabago na. I barely see Aljie, kaya naman lumalaki na ang tampo sa 'kin. Hindi na rin kasi ako makauwi sa bahay. Aside from the fact na tinatamad ako, tumaas bigla ang demand ng trabaho. Isang reason na rin kung bakit siguro nahihirapan akong maghanap ng part-time. Dinadala ko na rin kasi sa apartment ang ibang projects ko dahil mas nadadalian akong tapusin sila doon. Siguro dahil ng ambiance ng living room o dahil naiinsecure ako sa talent ni Blu. Kung ano man 'yon, nakakatulong sa trabaho ko pero lagi naman akong pagod at kulang sa tulog. Plus the fact na lagi kong nakikita si Gatorade dahil lagi akong nakatambay sa living room.

Boyfriend Corp. Book 3 : After Happily Ever AfterWhere stories live. Discover now