Panaginip

18 0 1
                                    

Malamig. Nawala na ang init ng katawang katabi ko kani-kanina lang. "Angge, huwag ka munang bumangon. Samahan mo muna ako," pakiusap ko.

Tumawa siya. "Naga-hibi na ang anak natin, aking irog. Inaantok ka pa kaya ako na muna ang magpapatahan. Sandali lang ako."

"Bumalik ka agad. Anak naman natin iyan," biro ko, "malakas siya."

"Ay grabe siya o. Sanggol pa 'yon. At saka, hindi ka pa rin ba sanay dito sa temperatura sa lupa, Zera?"

"Malamig kapag wala ka."

Tumawa siya at tinabihan ako muli. Niyakap ko nang mahigpit ang aking asawa, huwag mo akong iiwan. "Por que Wyveron ako? Marunong ka na palang magbiro."

"Sige, puntahan mo na siya," sabi ko sa kaniya.

"Babalik ako agad, aking liyag," sabi niya, sabay saludo. Hinalikan niya ako sa noo, at tuluyang bumangon.

Isang panaginip.

Malamig. Malamig pa rin.

Mag-isa pa rin ako sa kama. Nandito pa rin ako sa aking kastilyo sa karagatan.

"Angge."

Ang sama mo.

Kung mahal mo talaga ako, hindi mo ako dapat iniwan. Hindi mo ako dapat sinaktan. Hindi mo ako dapat pinaasa.

Oo, sinabi mong hindi mo ako mahal, na hindi mo ako minahal, na laruan lang ako. "Iba magmahal ang mga Vacunawa." Kinutya mo ako, sabi mo nahulog naman agad ako sa mga salita at kabaitan mo. Sabi mo -- ay mali -- sinigawan mo ako, na layuan kita, na iwanan na kita. Hindi ko kayang gawin ang gusto mo.

Pero bakit mo pa rin ako niligtas? Alam ko, alam ko na. Dinalaw ako ni Ezekiel sa Lawan, kinakamusta kami ni Rigel. Nahihiya raw si Cassiopeia na kausapin ako, ako na kasintahan -- dating kasintahan mo, kaya siya na lang daw ang bumisita. Sinabi na niya sa akin ang totoo.

Masakit. Dapat ay nakinig ako kina Tiya, na huwag iibig sa hindi Rumagasa. Ganito pala ang umibig, ang magmahal. Napakasakit. Lalo na dahil naiintindihan kita.

Para at Galing, Sa at Kay:Donde viven las historias. Descúbrelo ahora