CHAPTER 25

143K 3.2K 272
                                    

I sighed before I step out of the elevator. Inayos ko pa ang pagkakasabit ng mailman's bag sa aking balikat. Nagsimula akong maglakad palapit sa lamesa sa labas ng opisina. Tumigil ako sa harapan nito.

"Hi, Miss Marquez."

Nag-angat ng tingin ang babae mula sa pagbabasa ng isang papel. Her eyes widened when she saw me standing in front of her table. Pabigla itong tumayo at inayos ang pencil cut skirt at blazer nito.

"Ms. Garcia! Hi. Ahm, akala ko didiretso ka na sa loob mismo ng opisina ni Sir. Iyon kasi ang sabi niya sa akin."

I smiled at her. Well, yun naman talaga sana ang plano ko kaya lang naisip kong mas maganda kung isu-surprise ko siya, di ba? Ang ganda pa naman ng suot ko ngayon: office attire.

Naka black above the knee length skirt ako at saka fit na plain white long sleeves. Tinernuhan ko pa ito ng black pumps (oo, pumps talaga. Bakit ba?). Naglagay din ako ng light make up at inilugay ko lang ang buhok ko.

Ano kaya ang magiging reaction ng lalaking yon sa get-up ko ngayon? I wanna see it na!

"Yun nga ang sinabi ng receptionist sa akin. But I want to make this formal for once." sagot ko naman sa kanya.

"Sige, Ms. Garcia. Ihahatid na kita sa loob." nakangiting sabi niya sa akin at saka naglakad papunta sa pintuan nh opisina ni Grae. Sumunod lang ako sa kanya.

Kumatok siya ng tatlong beses bago ito binuksan. Nakasunod pa rin ako sa kanya ng pumasok kami.

Seryosong nakatutok sa isang Mac Book Air ang lalaking nakaupo sa likuran ng office desk. Nakasandal ito sa swivel chair habang nakatukod ang kaliwang siko sa arm rest at nilalaro nito sa kamay ang isang Parker pen habang ang isang kamay naman ay pipindot-pindot sa laptop keyboard nito.

Why so gwapo looking so seryoso? Ang sarap gahasain! Syet! Kinikilig na naman ang mga bulate ko sa tiyan, nagrarambulan na naman sila! Pati RBCs ko kinikilig na rin at saka ang heart muscles ko nakikisali na rin.

Tumikhim naman ang sekretarya nito ng hindi mag-angat ng tingin ang lalaki.

"Sir, Ms. Garcia is here already."

Mabilis na nag-angat ng tingin ang lalaki at tumutok ang mga mata nito sa akin. He stared at me unblinking and unmoving. Nakipagtitigan din ang magaganda kong mata sa kaniya. Grabe, wala pa ngang isang araw na hindi kami nagkita namiss ko na siya agad! And seeing him now lighten up my mood and my heart somersault.

"Sige, Ms. Garcia, maiwan ko na kayo." paalam ng sekretarya. "Oh, by the way, gusto niyo po ba ng juice, coffee, tea, or water?"

"Oh, wag na. I'm okay." Nginitian ko siya bago ibinalik ang tingin sa lalaking nakatitig pa rin sa akin.

With a slightly shaking legs, due to his penetrating stare, I walked towards him in front of his table. I extended my hand for a handshake.

"Hi, Mr. Grae Dominic Rodriguez. I am Cexchia Garcia, one of Forever Beauty's columnists. I am here to have an interview of you."

Shock registered on his eyes although his face remained emotionless. Hindi niya siguro expected ang mga pinaggagagawa ko ngayon.

I mentally gasped when he held my extended hand. Bolta-boltaheng kuryente na naman ang dumaloy sa katawan ko sa pagdaop ng aming mga palad. Maging ang puso ko ay sobrang bilis ng tibok. Ay, ano ba yan! Hindi talaga bagay sa akin ang malalim na pananagalog.

Tumayo siya na hawak pa rin ang kamay ko at marahan itong pinisil. "Nice meeting you formally, Ms. Cexchia Garcia."

Hinila ko na ang kamay ko dahil medyo nanginginig na ito. I straightened an imaginary crease on my long sleeves to divert my attention from Grae's penetrating gaze.

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now