CHAPTER 47

118K 2K 48
                                    

Unedited.

"We will be changing the entrance of the finale models. You, Ms. Garcia, will come out first. When you reached the end of the cat walk, pose and wait for Mr. Smith to be in his position. Then, do what you had practiced with Mr. Rodriguez, okay?"

Tumango lang ako sa instructions ni Faye, ang baklang trainot ni Guadel na Fernando ang totoong pangalan.

Nasa Manila Hotel kami ngayon para sa practice sa fashion event ni Guadel. Since bago na nga ang male finale model, kailangan naming magwork double time.

Harris Smith replaced my old partner. Since siya naman talaga ang first choice kung hindi lang nagprisinta si Grae kaya siya na lang din ang ipinalit ngayon.

Magpi-prisinta, hindi naman pala kayang panindigan. Hay naku. Tapos mang-iiwan na lang bigla sa ere. Ni hindi man lang inisip muna ang mararamdaman mo. Bwisit no?

"Okay, let's start!" pumalakpak pa si Faye habang nagsasalita.

Nagsitayuan naman kami at saka nag-ayos ng linya sa backstage. Bale ang mga babae sa right side at ang mga lalaki naman sa left. Pumailanlang na sa lugar ang tugtog na gagamitin namin sa pagrampa. Isa-isa ng lumabas ang mga nasa unahan ko habang ang mga naunang lumabas naman ay pabalik. Nagets niyo? Ako, hindi ko magets.

Nang ako na ang lalabas para rumampa, huminga muna ako ng malalim bago lumabas mula sa gilid. Face void of any emotion, I strike a pose when I reached the center. One... two... three... I started walking gracefully on the catwalk like I own the place. I strike a pose again when I reached the end of the catwalk.

One... two... three...

Pumunta muna ako sa gilid at saka nagpose ulit. Nang makita ko mula sa peripheral vision ko na nakatayo na sa kabila ang ka-partner ko, pumihit ako paharap sa kaniya upang gawin na ang last pose ngunit natigil ako ng si Grae ang aking makita.

Nahigit ko ang aking hininga at bumilis ang pagtibok ng aking puso. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Uminit bigla ang gilid ng mga mata ko ng makita ang kaniyang matamis na ngiti.

"Grae..." Napahikbi ako ng unti-unti siyang lumapit sa akin. His smile never faded. Every step he took towards me makes my heart flutter in anticipation and excitement.

Nakatitig lang ako sa kaniya papalapit siya sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti sa sayang nararamdaman ko ngayon.

He's here! Grae is finally here! Oh, good God! Thank you.

Napaluha ako ng hawakan niya ang pisngi ko. He smiled fondly at me making me cry harder. I missed him so much! Isang linggo ko rin siyang hindi nakita.

"Grae... Grae... I missed you..." naluluha ngunit nakangiti kong sabi.

Hahawakan ko na sana ang kaniyang mukha para halikan siya ng unti-unting nawala sa aking paningin ang nakangiti niyang mukha. Nanlaki ang mga mata ko at kinabahan ako ng tuluyan ng lumabo sa paningin ko si Grae.

"No... No... No... Please, Grae, no." umiiyak na pakiusap ko sa kaniya habang pilit na hinahawakan ang pawala ng pawala niyang mukha.

Hindi pwede! He can't leave me again! He can't. Oh, God, he can't!

"Cexchia! Cexchia!"

Naramdaman ko naman ang pagyugyog sa akin ng kung sino. Unti-unting luminaw ang lahat at sa nanlalabong paningin ko dahil sa masaganang luhang dumadaloy ay nakita ko ang nailito't nag-aalalang mukha ni Harris Smith. Hawak ko ang kaniyang magkabilang pisngi at hinahaplos-haplos ito.

Natigilan ako. Parang napapasong binitawan ko anf mukha ni Harris at humakbang paatras sa kaniya. Ipinalibot ko naman ang aking paningin at nakitang napapalibutan kami ng lahat ng tao. They all had that worried look on their faces as they look at my crying face.

TBBS1:The Writer's Billionaire Bachelor (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now