kabanata 3 (2/3)

2.7K 82 41
                                    

PRIMROSE

"ANO?" Reaksyon ni Sophia.

"Chismosa lang, Miss?" Sabi nung Pulis kay Sophia bago ulit kinausap ang nasa kabilang linya "Si Inspector Kris po ang pupunta? Hindi po kayo?...Sige po maghahahanda po kami" sabi nito.

Sumilip kami sa loob at nakita namin yung platitong kinainan ni Princess na sa sahig at yung plastic na baso na ininoman niya na sa sahig rin.

Hmmm~

"Ay saglit!" Nagulat kami sa reaksyon ni Kieco

"Ano yon Kieco?" Tanong ni Cake

"Kinuhaan ko kasi ng picture yung mga pastries, habang di pa ginagalawa ni Princess." Sabi ni Kieco sabay abot sa amin ng Camera niya.

"Ako ang mauuna" sabi ni Sophia

"Ladies first." sabi ko, tiningnan niya lang ako at tiningnan ng masama, tinaasan ko lang sya ng kilay sabay bumelat.

Pinindut-pindut niya ang camera.

"Matagal pa ba yan?" Tanong ko.

"Tapos na oh!" sabay abot ng camera

"Salamat Ate" sabi ko naman. mas mataas ang baitang niya sa akin kaya ate ko na siya.

Agad kong tiningnan ang camera. Black Forest Cupcake, Blueberry flavored Gelatine, French Bread with Cinnamon Icing, Butterkuchen, Toast Mallows with Chocolate Dip. Tubig na may yelo? Pati ito may larawan?

Habang tinitingnan ko yung mga larawan, narinig ko yung usapan nina Sophia at Cake.

"Wala ka na bang pwede ma-share sa amin about Princess?" Tanong ni Sophia kay Cake na mukhang napaisip rin naman ito.

"Hindi ito mga weird pero baka makatulong. allergic sya sa seafoodss, sweet tooth rin sya, ayaw niya ng simpleng tinapay, mahilig siya maaanghang, mahilig sya sa malalamig na dessert at chocolate cake ang Pinakapaborito niya sa lahat ng Pastries. that's all" sagot ni pero mukhang napapaisip pa rin ito.

Saglit, oo nga 'no? Bakit ngayon ko lang naisip yon? baka yun ang ginawa ng salarin.

May narinig kaming yabag mula sa hagdanan kaya agad kaming napatingin, Mga pulis pala.

"Reyes is this the spot." tanong nung lalaking may kataasan dun sa nagbabantay sa crime scene, nagsalute pa 'yong Reyes bago sumagot.

"Yes Sir." sagot nito

"At anong ginagawa ng mga Estudyante... Oh! Feb-feb, Kay-kay, mga pamangkin ko, suspects ba kayo? oh mga usisiro na naman." tanong nung inspector.

Medyo nagulat ako dun sa palayaw na ginamit niya sa magkapatid. Ang awkward pakinggan.

"Phoebe nalang tito wag na Feb-feb, grabe naman si Tito, maiba ako Tito bakit wala ka nung birthday namin? Debut ko pa naman yun" sabi ni Ate Phoebe

"Ay! Sorry Feb-feb, busy ako nung mga panahon na yun." paghingi nito ng patawad. tumunog ang Phone ng Tito ni Ate. "Sorry talaga Phoebe at Kyrus, naging busy talaga ako last week pero Promise babawi talaga ako, saglit lang ha." tumalikod yung Inspector at sinagot ang tumatawag rito.

Nilapitan ako ni Ate.

"Kamusta na?" Tanong niya

"May ideya na ako paano ginawa ang paglason, pero ang problema ko kung paano nawala ng tuluyan ang lason para umabot sa puntong na negative lahat." Paliwanag ko.

"Mukhang alam mo na ah" ngumiti siya.

"Bakit ganyan ang ngiti mo, Ate? Wag mo sabihing?" Mas lalo pang lumapad ang ngiti niya "Kilala mo na? Kelan pa?" tanong ko.

"Kanina pa, nong part na nagkekwento si Cake, alam ko na." sagot niya.

"Ano? saglit lang alam kung hindi ka magshe-share kasi laban ko 'to, pero kailangan ko talaga makapasok sa loob, kailangan ko kasing makita ang mga samples ng malapitan, baka gusto mo akong tulungan."

"E check mo rin ang kitchen at ako na ang bahala sa problema mo, andoon ang sagot sa isa mong problema, yan ang sigurado." sabi niya sabay tingin sa Tito niya.

"ANO? Hindi makakapunta dito ang forensic? Kahit si Detective Rowan hindi rin makakapunta?....... Sige susubukan namin hanggang sa makakaya ng Team ko, Sige Bye Sir" sabi nung tito niya sabay baba ng cellphone nito, nakapunta kanina rito ang forensic pero ba't ngayon di na makapunta? dahil sa negatibo ba ang resulta?

"Ahm, Tito kailangan mo ba ng tulong?" Tanong ni Ate

"Kaya na namin ito pamangkin" sabi nito

"We have here a High school detectives, Tito" sabi niya sabay turo sa amin ni Sophia, Danica at Sherman.

"Gustuhin ko man pamangkin pero alam mo namang bawal." sabi nito

"Bawal pag may nakakaalam, pero tayo tayo lang naman ang andito, diba Police Officer Reyes?" Tanong ni Ate kay Reyes, sabay ngiting pilit.

Alam ko na ang kabaliwan ni Ate, napansin niya siguro ang Mata ni Reyes kanina na panay tingin sa kanya. Hindi naman kasi maikakaila na kaakit-akit ang ganda ni Ate, kahit ako na isang babae ay masasabi kong pinagpala ang mga umbok sa kanyang dibdib at likuran, sumabay pa rito na fitted ang suot suot niyang uniporme, para mas lalong lumabas ang kurba ng maganda niyang katawan, isa nga rin ito sa dahilan bakit ako nagtaka na mahilig siya sa mga ganitong bagay, nakikita ko na siya noon pa at simula noon ay ayos na ayos na siya, para siya yung mahinhin na babae na hinahabol-habol ng kalalakihan.

"Opo, wala pong problema." sabi nong Reyes at napalunok pa sya ng laway, si Reyes na lang kasi ang naiwan na nagbabantay, bumaba na yong iba niyang kasamahan.

"See? Tito walang problema? pumayag kana Tito please and I guarantee that you don't need a professional detective here because this is just a Piece of cake for them" sabi ni Ate. bigla ata akong pinagpawisan sa sinabi niya.

"Ok fine papayag ako basta tatlo lang ang sasama sa amin ni Reyes sa Loob" sabi ni Inspector Sol, nabasa ko kasi yung pangalan niya dun sa name plate.

Elias Sol? Alam ko na hindi oras para sa mga puns perotunog espasol kaya natawa ako ng kaunti.

"Wag mong tawanan ang Apelyido." sabi ni Ate.

"Mind reader!" Sabi ko

"Mind reader ka dyan, eh kung hampasin ko yang mukha mo ng malaman kung gaano kahalata ang iniisip mo, makatitig ka sa nameplate ni Tito tapos ngingiti ngiti ka dyang parang aso. Tse! Pasok ka na nga don kayo lang ni Sophia ang papasukin" sabi niya na agad ko naman sinunod pagkapasok ko ay nagsisimula na ako, una akong pumasok sa Kitchen at tumingin tingin nong mga fnished products na ipapakain sana nila, ang dami ng ginawa nila.

Sinamahan ako ni Inspector pero di niya ako pinapakialaman samantalang ang sumama kay Sophia ay si yung Reyes. Pinagpatuloy ko ang paghahalungkat sa mga lalagyan at basurahan.

"bingo!" pasigaw na sambit ko

"Ano 'yon?" tanong ni Inspector.

"Wala po sir, may nakita lang po akong isang bagay na baka makatulong sa imbestigasyon." sabi ko.

Lumabas na kami ng Kitchen. Nagpatuloy ako sa pag iimbestiga at ngayon nasa samples na ulit ako samantalang si Sophia ay nasa kitchen naman, maswerte ata ako dahil ako nauna roon. Ibinigay ko kay inspector upang ma-run sa test ang naturang bagay na nakita ko kanina, kaya ngayon ako na l

"Prim pigilan mo yang kambal, sira na ipin niyan sa matatamis." nagulat ako ng biglang sumigaw si Ate Phoebe mula sa labas.

Pagtingin ko sa tabi ko si Kyrus na sinubo ang butter kuchen.

Sa momentong yun napagtanto na ang kanina ko pang pinoproblema, alam ko na kung sino siya at paano niya nilason si Princess at paano nawala ang lason sa eksena.

"It's time to remove the mask of the culprit." Sambit ni Sophia.

Samantalang ako naman ay nakangiti sa harap ng mga myembro ng Bake n' Cook, lalong lalo na sa salarin.

~~

We Are Detectives: Solving ConundrumsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon