kabanata 3 (3/3)

2.6K 90 28
                                    

PRIMROSE

Matapos ang binigay sa aming oras, ngayon ay nasa loob na kaming lahat ng Club, matagal na sapilitan ang nangyari bago namin napapayag na papasukin ang lahat. rason? mas maganda raw na gaganapin ang tanghalan ng deduksyon o pangangatwiran.

"Lumabas na pala ang resulta, at ligtas na rin si Princess." Ika ni Inspektor Sol, habang naglalakad papunta sa amin.

"Anong dahilan? tama nga bang lason?" Tanong ko.

Biglang binuksan ni Inspektor Sol ang kanyang phone at may pinindut pindut bago tuluyang magsalita ulit.

"Tama kayo, lason nga ang dahilan, at nasabi rin sa akin kanina ni Reyes na mukhang narinig niyo raw ang patungkol sa negative lahat ng sample, tama nga ang rinig niyo pero may kailangan kayong malaman, nakitaan rin ng lason ang chocolate na nasa platito ng biktima."

Napatingin halos ang lahat kay Cake, dahil siya ang gumawa ng chocolate dip.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Inspektor  "Ang lason na ito ay parehas sa lason na nakita sa katawan ng biktima, nagmula raw ang lason mula sa..."

"Belladonna" sabay na sambit ni Danica, Kyrus at Ate Phoebe.

"Belladonna known in the Philippines as lubi-lubi." ika ni Kyrus habang may kinukuha sa bulsa niya at nilabas ang isang transparent na ziplock na naglalaman ng pinutol na maliit na sanga ng isang tanim may nakakabit na itim o lila na bunga na may mga berdeng dahon. "While everyone was busy checking the location of the culprit earlier, we went to the greenhouse." paliwanag niya habang naglalakad papuntang mesa kung saan niya nilapag ang naturang tanim. "Now you can start your show."

nakatayo kami sa harap ng mga sample na pagkain ni Sophia samantalang nasa kabilang gilid ng mesa naman silang lahat. mukha magtatapos sa amin ni Sophia, dahil kami lang ang pinapasok kanina dito.

"Sinong Mauuna?" Tanong ni Inspektor Sol na mukhang sabik rin makakita ng 'detective show' ng mga estudyante.

"Ladies first." sabi ko

"Ayoko ngang mauna, baka gayahin mo lang yung sagot ko" sabi niya

"Akala mo naman ikaw yung lady na binanggit ko?" Pang aasar ko

"What!? Bato Bato pick nalang oh!" Ha? tama ba ang narinig ko?

"Sige." sagot ko na lang. Palagi akong nagbabasa ng paraan paano manalo sa larong ito noong elementarya ako, kasi halos lahat ng laro nagsisimula sa ganito, para mapagpasyahan kung sino ang unang pipili o di kaya ay kung sino ang mauuna katulad na lang ng patintero, chinese garter at iba pa. Hinanda na namin ang mga kamay, para kaming susuong sa laban, dahil lang sa larong ito.

"Isa, dalawa, tatlo" sabay naming banggit.

Ako: Gunting
Siya: Gunting

"BATO BATO PICK" sabay naming banggit.

Ako: Bato
Siya Bato

"BATO BATO PICK" sabay naming banggit.

Me: Bato
Siya: Bato

Napangiti nalang ako, Alam ko na ang susunod niyang ilalabas, nabasa ko na ito sana hindi ako biguin ng nabasa ko.

"BATO BATO PICK"

Ako: Gunting
Siya: Papel

"Panalo ako kaya ikaw ang mauna" sabi ko.

Pumaharap ang lima: Cake, Kieco, Chedd, Sweet at Apple.

"Bago Magsimula si Susan sa kanyang sasabihin pwede ko bang malaman kung saan kayo galing, ikaw na ang mauna." sabi ni Ate sabay turo sa Babaeng Maikli ang Buhok.

We Are Detectives: Solving ConundrumsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon