kabanata 4

519 15 6
                                    

PRIMROSE

[Location: Dorm, Time: 11:52pm]

"Nag-text pala si Ate yung binigay mo kay inspektor na patago ay positibo nga sa belladona. Ano ba ang binigay mo?" Tanong ni Danica

"Yung laman ng vial. binigyan ko ng kaunti si inspector para ma-test agad." sagot ko.

"Maiba ako, Prim,ano sa pakiramdam mo na sa unang araw ng club, sa mga unang miyembro, sa unang teamwork, at sa unang na na-solve?"

Tanong ni Danica sa akin habang nag aayos siya ng kanyang maleta. 'at ang unang agarang desisyon mo na mag-dorm kasama ako?' gusto ko sana sabihin pero 'wag na.

Sa totoo lang natigilan ako sa tanong niya dahil naalala ko ang sitwasyon kanina ni Chedd kanina, pinili na lang ni Inspector na hindi ipaalam sa amin ang rason ba't nagawa yun ni Chedd at humingi nang pasensya.

"Sly Fox: Detective in Distress" sambit ni Danica.

"Ha?" tanong ko.

"Sly fox, alam ko kung anong pinaggagawa mo kanina, na ang iba sa mga tinanong at pinagsasabi mo during sa deduction show ay natanong mo na sa ibang miyembro at sinadya mong 'di tanungin si Chedd, kasi siya ang pinaghihinalaan mo, kaya mukhang tunay kang detective at marami ka pang ginawa ng palihim kanina ng patalikod sa katunggali mo, na naging dahilan para mapunta sayo si lady luck. Detective in distress, kasi alam ko ang drive mo lang kanina is your anxiety na baka matalo ka. Sly Fox: Detective in Distress, akala mo 'di kita bibigyan ng alias, matapos mo akong bigyan ng panget na alias." inikutan pa ako ng mata bago nagpatuloy sa pag aayos.

"Paano mo nalaman na siya ang suspect? alam kung hindi sapat ang mga nakuha mong impormasyon." tanong ni Danica. "or bobo lang talaga ako kasi it doesn't make sense nung hindi mo pa en-explain ang lahat, wala akong ideya na siya." dugtong ni Danica.

"Yung tatlong icing bowl na naiwan sa lababo" sagot ko "dalawang icing lang naman ang ginawa ang cinammon at ang para sa black forest, alam kung maliit na basehan pero nakita ko kasi yung babala na bawal hugasan ang mga plato ng mga baguhan, ibig sabihin pwede nilang iwan lang yun pero yung bowl na isa ay nilagyan talaga ng tubig, dahil malabo ang tubig, nang inamoy amoy cinnamon lang naman ito. isinawalang bahala ko nung una pero nung bigla kung nakita ang larawan ng french bread na may kagat doon na ako nagka ideya, lumakas pa ang loob ko nang makita ko yung vial sa loob ng french bread sa basurahan." paliwanag ko.

"Don't worry DSWD lang naman siya mapupunta, he's still minor pa naman, remember he's only sixteen." Nakita niya siguro ang pag aalala ko.

"Goodnight and dream your Hyson tonight." sabi ko na lang.

"Ene be!"

~~

[Location: Covered Court]

Patingin-tingin lang ako sa palibot habang hinahanap ko kung saang banda ko nilagay ang bag ko, nang tuluyan ko ng makita ay iniwan ko ang walis at ang pandakot na may mga alikabok pa, sa isang gilid bago ko ako tumakbo at hanapin ang lalagyan ko ng tubig. tagaktak na ang pawis ko at ang lakas na nang paghina ko.

Umupo na lang ako sa isang gilid habang tinitingnan sina Danica na kinukulit ang naglilinis na si Hyson at ang lampang si Nemesis na sinusubukang itulak ang concrete bench na palaging nauuwi sa pagkatumba niya.

Ngayon pinanindigan naman namin na isa rin kaming helping hand club na malugod na papayag sa mga kahilingan ng sino man, basta ito lamang ay sa ikakabuti ng nakakarami... pero mukhang inabuso ata kami ngayon, kasi pinaglinis kami ng paaralan sa covered court mismo. Ni hindi man lang presenta sa amin kung bakit.

"Hello." biglang may umupo sa tabi ko.

Napatingin na lang ako sa babaeng may kulay bughaw na hijab. Kapansin-pansin na mas mahaba rin ang suot niyang unipormeng palda at sa halip na maikling manggas lang ay long sleeves talaga ang uniporme niyang pantaas.

"May nagpapabigay." inabot niya sa akin ang maliit na papel bago umalis.

Siya ba si Herm? ang nagsilbing mensahero ni Ate Phoebe? pero iba ang boses niya kaysa sa katawag ni Ate. tiningnan ko ang kanyang binigay niyang papel at binuksan.

Greg - grade 8: Ruby
Norman - grade 9: Sunflower - gay
Nina - grade 8: Peridot - Fighters Club

Ito na ba yung mga dapat naming makuha para maging miyembro ng kapisan ng SOS brigade? Kung oo dapat ay magsimula na kami sa misyon na binigay sa amin ni Ate.

"Dumating na ang unang misyon?!" sigaw ko sa tatlo sabay ngiti.

~~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We Are Detectives: Solving ConundrumsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon