8: Kapalaran

817 21 19
                                    

8: Kapalaran

WHOOOO!!!

Dumagundong ang buong gym sa sigawan ng mga estudyanteng nanonood ng basketball. Limang segundo na lang ang natitira at dalawa pa ang lamang ng kalabang kuponan pero sa loob ng limang segundo na iyon ay nagawang makashoot ng three point shot ng star player ng St. Therese Academy na si Cody Roxas.

"Whaaaa!!! Halimaw ka Cody!!! Whooo!!!

"I LOVE YOU, CODY!!!"

"Marry Me!"

Natatawa siya sa mga pinagsisisigaw ng mga taong nagwa-wild dahil sa pagkapanalo na naman ng school nila. Dahil kay Cody. Hyper mode silang lahat ngayon. Pati sya halos matanggal ang baga sa kakasigaw.

"Eydis! Lika na! Punta na tayo sa mokong na yun! Dali!" Hinila na sya ni Bea papunta kay Cody na dinudumog na ng mga schoolmates nila. Pero nang magkagitgitan na ay mahina nyang hinatak ang kanyang kamay mula kay Bea at hindi na sumunod dito. Pinanood nya lang ito ng batukan nito si Cody at yakapin naman ito ni Cody pabalik. Napangiti sya at kinilig. Bagay pala talaga ang dalawang yun.

"Sabi naman sayo ni Ginoong Grus, eh. Bagay talaga yang dalawa mong kaibigan." Ngingiti-ngiting sinulyapan nya lang si Moon. Mayamaya ay inaya na nya itong umalis.

Lika na Moon. Alis na tayo.

"Saan tayo patungo, Ate Eydis? Hindi mo ba hihintayin ang iyong mga kaibigan?" Umiling lang sya at sinagot ito gamit ang isip nya.

Kagaya nga ng sabi ni Grus, gumawa ako ng paraan para madevelop si Cody kay Bea. Hindi ko naman magagawa yun kung parati akong nasa eksena di ba? Kailangan bigyan ko sila ng time para sa isa't-isa. No. 2 yun sa bucket list ko!

"Oo nga pala no? Nakaligtaan ko. Ehehe." Kumamot-kamot pa sa ulo nito si Moon kaya mas lalo itong naging cute tingnan. Parang gusto nya tuloy i-hug at kurut-kurutin ang pisngi nito. Kaya lang magmumukha lang syang tanga at baliw pag ginawa nya yun. Hindi naman kasi visible si Moon sa ibang tao, eh. Sa kanya lang. "Saan nga pala tayo patungo?"

Sa aking nakaraan. Sagot nya sa batang anghel na nangunot ang noo.

"Iyong nakaraan?"

Tumango sya at tinungo ang lugar ng kanyang nakaraan na nakasunod sa likod si Moon. Binalikan nya ang lugar kung saan naiwan ang alaala ng kanyang kabataan.

The Death God's Wish: Miracle (Completed)Where stories live. Discover now