11. Pagkakataon

675 20 12
                                    

11: Pagkakataon

Nawawalan na siya ng pag-asang mararating nya ang dalawang babaeng duguan na nakahandusay di kalayuan sa kanya. Ang dugo nya ay patuloy pa rin sa pagdaloy mula sa sugat sa kanyang sikmura.

Nanghihina na sya. Nanlalabo na rin ang mga mata nya. 

Pero malinaw nya pa ring naririnig ang pabugso-bugsong paghinga at iyak ng dalawang babae. Sumasakit rin ang kanyang dibdib dahil sa sakit na iniinda ng mga ito. Ramdam nya iyon.

Isa pang bugso ng lakas at pinilit nya uli gumapang papunta sa dalawang babae. Ang dugo nya ay nag-iiwan nang mga bakas sa sementadong kalsada. Tumingin sya sa dalawa at sa nanlalabong mga mata ay pilit nyang inaninag ang mga mukha nila. Ang mukha niya. 

Bago pa sya tuluyang mawalan ng malay, narinig nya ang mahinang yabag na paparating at ang isang tinig.

Tuparin mo ang pangako mo. Tuparin mo...

"Corvus!"

Napamulagat sya at napakurap-kurap. Ilang segundo pa bago tuluyang rumehistro sa isip nya ang nakangiti pero nag-aalalang mukha ng mortal na nakatunghay sa kanya.

"Okay ka lang? Umuungol ka kasi nung nagising ako eh." Sabi nito na bakas sa mukha ang kyuryusidad at pag-aalala. "Natutulog rin pala ang mga Death God?"

Hindi sya makapagsalita. Naguguluhan sya habang patuloy lang naman sa pagtatanong ang mortal na si Eydis Castillo. Nabibingi sya sa lakas ng tibok ng dibdib nya at napagtanto nyang nanlalamig pala sya. Muli syang pumikit at pilit na pinakalma ang kanyang sarili. Pero mas lalo syang naguguluhan habang naririnig nya ang boses ng kanyang special case.

Bakit? Bakit kaboses nya ang babae sa aking panaginip?

Iminulat nya ang kanyang mga mata at nakita nyang nakatitig pa rin sa kanya ang maamong mukha ni Eydis Castillo. Ang mahaba nitong buhok na nakalugay sa magkabilang gilid ng mga pisngi nito ay mistulang naging kwadro na nagpalabas ng angking ganda ng mukha nito. Ang mga mata nitong hindi pangkaraniwan na sa unang tingin ay aakalaing mong mga mata ng isang masayahing tao, ngunit kung titignan mong maigi ay mababanaag mo ang kalungkutan.

Umangat ang kamay nya at dumampi nang marahan sa mukha nito. Nanlaki naman ang mga mata nito sa pagkagulat at napaawang ang mga bibig. Ang hinlalaki nya ay sinundan ang kurba sa ilalim ng mga mata nito. 

Ang lamig ng kamay niya.

Napaangat ang isang kilay nya at ang isang sulok ng labi nya sa nababasa sa isip nito. Pero dagling nawala iyon ng may maalala sya.

"May nangyari bang kakaiba sayo kahapon?" Tanong nya rito na nakadampi pa rin ang kamay sa pisngi nito.

"Nangyayaring kakaiba?" Nakakunot ang noo nito habang may inaalala at sinundan nya ang mga alaala sa isip nito. Mama. Birthday. Theme Park. Mall. Massage Center. Doughnut. Hanggang sa napatigil sya dahil sa isang naalala nito.

The Death God's Wish: Miracle (Completed)Where stories live. Discover now