15: Uwak

630 17 5
                                    

15: Uwak

Nawawalan na siya ng pag-asang mararating nya ang dalawang babaeng duguan na nakahandusay di kalayuan sa kanya. Ang dugo nya ay patuloy pa rin sa pagdaloy mula sa sugat sa kanyang sikmura. Nanghihina na sya. Nawawalan na siya ng lakas. Nanlalabo na rin ang mga mata nya. 

Pero malinaw nya pa ring naririnig ang pabugso-bugsong paghinga at iyak ng dalawang babae. Sumasakit rin ang kanyang dibdib dahil sa sakit na iniinda ng mga ito. Ramdam nya iyon.

Isa pang bugso ng lakas at pinilit nya uli gumapang papunta sa dalawang babae. Ang dugo nya ay nag-iiwan nang mga bakas sa sementadong kalsada. Tumingin sya sa dalawa at sa nanlalabong mga mata ay pilit nyang inaaninag ang mga mukha nila. Ang mukha niya. 

Bago pa sya tuluyang mawalan ng malay, narinig nya ang mahinang yabag na paparating. Naaninaw din nya ang dalawang pares ng mga paa di kalayuan sa kanya at narinig nya ang isang tinig.

Tuparin mo ang pangako mo.

Tuparin mo...  

***

Nagising siya ng may biglang yumugyog sa balikat nya. Namumungay ang mga mata na bumaling sya sa taong yun.

"Eydis. Nandito na tayo. Ano bang pinagkaabalahan mo kagabi at antok na antok ka?" Nakataas ang kilay na tanong ni Bea sa kanya. Tinakpan nya muna ang bibig nya at naghikab bago sinagot ang tanong nito.

"Ewan? Masyado lang siguro akong excited para sa educational tour na to, kaya hindi ako masyadong nakatulog kagabi." Sagot nya at binitbit na ang bag nya tsaka bumaba ng bus na sinakyan ng klase nila. Nasa isang museum sila ngayon para sa tour ng History at Arts nilang subject. Mamaya ay bibisita sila sa isang English Fair, pagkatapos ay sa isang Botanical Farm naman.

"Sigurado ka? Eh ba't parang nanghihina ka?" Nag-aalalang tanong ni Cody sa kanya habang papasok sila sa entrance ng Museum. Tumango lang siya at lulugo-lugong sumunod sa mga kaklase nila.

Pagkapasok pa lang nila ay bumungad na agad sa kanila ang mga naggagandahan at kamanghang-manghang mga art pieces na nandoon. Mula sa iba't-ibang region ng Pilipinas at gawa ng iba't-ibang artists. Parang nakalimutan nya ang antok nya habang nililibot sila doon ng kanilang museum guide. Parang natransport sya sa ibang mundo sa mga nakikita nya. Hanggang sa mapahinto sya sa isang sculpture ng isang angel. Tinitigan nya ang mukha nito at narinig nya ang guide nilang nagkukwento tungkol sa mga angels.

"There are hierarchies in angels. The highest in rank are the Seraphims and the lowest are simply called the Angels or the messengers of God." Marami-rami pa itong mga sinabi pero hindi na nya ito narinig dahil narinig nyang nagsalita na si Grus na kanina pa na nasa tabi nya.

"Yan din ang sabi noon sa amin noong nabubuhay pa ako bilang isang mortal. Pero kalahati lang sa mga alam ng tao ang totoo. At kadalasan ay kulang pa iyon." Nilingon nya ito at nakita nyang nakatingala rin ito sa sculpture ng angel na nasa harapan nila. "Alam mo bang sabi nila ang mga anghel daw ay walang kasarian? Pero tignan mo naman ako, lalaking-lalaki di ba? Haha!"

Bah! Ang kapal ah?

"Hahah! Totoo naman eh! Ang gwapo ko naman talaga eh. Haha." Isinuklay pa nito ang buhok nito gamit ang mga daliri nito at kumindat sa kanya kaya muntik na syang matawa. Buti na lang at napigilan nya at napailing na lang sya. 

The Death God's Wish: Miracle (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon