Track 1: The Past

46 2 2
                                    

🎶I was wrong when I hurt you, did you have to hurt me too?🎶

"I'm sorry Lyel. May mahahanap ka pa na mas better kesa sa akin."

🎶Did you think revenge will make it better?"🎶

"Akala ko ba hindi mo na siya mahal? Nakakainis ka naman Pier eh! Hulog na hulog na 'ko!"

🎶I don't care about the past, I just want our love to last. There's no way to bring us back together.🎶

"AKALA KO DIN! Pero hindi ganun kadaling lumimot Lyel! Kahit nung kami pa ni Zen at bago pa kita makilala, siya na yung mahal ko."

🎶I must forgive you, you must forgive me too. If we want to try to put things back the way they used to be.🎶

"Tangina naman Pier eh! Bigyan mo naman ako ng dahilan kung bakit mo ginagawa to! Mababaliw na 'ko eh!"

🎶'Cause there's no sense to go with over and over, the same things as before.🎶

"Sorry na. Pare-pareho lang tayong nasasaktan dito. I'm leaving. Thankyou for everything Lyel. Dahil sayo, mas na-realize ko na mahal ko pa din siya hanggang ngayon, pero minahal din naman kita."

"Bullshit Pier! 'Wag mo nang sabihin yan! Thankyou for all the lies! Umalis ka na!"

🎶So let's not bring the past back, anymore.🎶

*Kringgg! Kringgg!*

Ay tae naman talaga oh! Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko na naman si alarmy, pero this time, hindi ko siya hinagis dahil nakatulong siya para putulin ang masamang panaginip ko. Tumayo na ako para makapag-ayos na din ng sarili.

"Oh, bakit ka na naman naiyak? Nababaliw ka na ba Lyel? 2 years na yun ah! Ang gaga naman neto!" natripan ko lang na kausapin ang sarili ko gamit ang salamin dahil ang traydor kong luha ay kumakawala na naman. Hays. Ano ba yan Lyel, move on na. Para ka namang tanga sa kakaiyak mo eh. Atsaka hello! Panaginip lang yan, kalimutan mo na nga siya! Tsk.

*Tok tok tok*
"Lyel anak? Gising ka na ba? Bumangon ka na para hindi ka malate sa klase mo. Nakahanda na ang almusal sa baba." bumalik ako sa realidad dahil sa katok ni Mama. Ganyan naman yan lagi eh, parang alam na alam niya kung kailan siya kakatok at kung kailan niya ako papabayaan sa moment ko.

"Opo Ma. Maliligo lang ako pagkatapos ay bababa na. Salamat po." pumasok na ako sa banyo para naman maalis ang kakaibang aura sa aking katawan at kahit papaano ay mabalutan naman ako ng magandang mood. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na din ako para makapag-almusal na.

"Oh? Bakit hinintay niyo pa ako? Sana nauna na kayo Ma, baka malate pa kayo sa trabaho niyan eh." puna ko sa kanila nang mapansin ko na hindi pa nagalaw ang pagkain sa mesa dahil sa hinintay pa yata nila akong bumaba.

"Para namang sira 'tong si ate, alam mo naman na ayaw ni Mama na hindi tayo sabay-sabay kumain eh. Tara na kain na tayo, baka pare-pareho tayong malate niyan eh." sagot naman ng aking nakababatang kapatid. 2 years lang ang agwat namin. Si Papa naman, nasa ibang bansa siya para dun magtrabaho. Ay, napakilala ko na ba yung sarili ko? My name is Sophia Lyel Mariano, pero Lyel nalang. Incoming Grade 10 student ako ngayong pasukan, at 'yung kapatid ko na nagsalita kanina ay si Lyelno Darren naman siya. Napatigil ako sa kakaisip ng biglang magsalita si Mama.

"Lyel, bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo? May problema ba?"

"Ah ma, wala naman po. May iniisip lang." sagot ko na lamang habang mabilis na ginalaw ang pagkain ko dahil naalala ko na baka malate nga pala kami.

"Kinakabahan ka ba ate? Kaklase mo pa din naman niyan sila Ate Gienah diba? Wala naman sigurong mahihiwalay sa inyo." ngiti na lamang ang isinagot ko sa kapatid ko habang mabilis na tinapos ang almusal ko.

Pagdating ko sa school, ay sakto naman na 2 minutes nalang ay magsisimula na daw ang orientation. Kaya naman mabilis pa sa alas kuwatro na tinakbo ko na ang hallway at mabilis na hinanap ang pangalan ko sa mga listahan pero hindi ko mahanap. Tinakbo ko yung last na classroom hanggang sa finally ay nakita ko na din ang Mariano, Sophia Lyel P. kaya naman hinagis ko nalang ang bag ko sa kung saan at tinakbo ang covered court kung saan gaganapin ang orientation. Sakto namang pagdating ko sa pila ng section namin ay nagsimula na ding magsalita ang principal namin.

"Goodmorning everyone!" panimulang bati niya.

"Goodmorning Sir."

Inilibot ko ang aking paningin kung may mga nagbago ba sa mga facilities ng school, kung may mga makikita ba akong mga bagong mukha, nagulat naman ako ng biglang may tumapik sa balikat ko.

"Hoy Lyel! Gaga na to! Bakit nalate ka?" Natuwa naman ako nang makita ko kung sino ang kauna-unahang bumati sa akin.

"Gienaaaah! Namiss kita! Eh kasi naman medyo late na kami nakapag-almusal kaya ayun, nalate! Pero keri naman dahil tinakbo ko ang hallway hanggang dito. Hahaha!" niyakap ko siya habang nagsasalita dahil medyo matagal din kaming hindi nagkita.

"Ms. Mariano, quiet please. Mamaya na kayo magbatian." mabilis naman akong napahiwalay sa yakap ng bigla kaming batiin nang isang teacher, heto na siguro yung magiging adviser namin.

"Langya Lyel, first day of class na-award tayo. Hahaha!" bulong sa akin ni Gienah at natawa na lamang ako at nagsimulang makinig sa sinasabi ng principal.

"So that's all for today, fellow teachers, you may now guide our students to their respective classrooms." Sa wakas ay natapos din ang speech ng aming mahal na principal, (Pwe! XD) kaya naman mabilis kong tinakbo ang classroom namin dahil baka kung saan napadpad ang bag ko. Nauna akong umupo sa kanila dahil nga sa ako ang unang pumasok.

"Please stand up. I will arrange you alphabetically. Sa simula lang naman yan, pero kapag kilala na kayo ng mga teachers niyo ay pwede na kayong lumipat kahit saan niyo gustong upuan. Do you understand?" Naghintay nalang ako sa harapan habang hindi pa tinatawag ang pangalan ko, yung iba ko naman na naging kaklase last year ay nginingitian ko kapag nag-aabot kami ng mga tingin. May mga iilan na transferee yata kaya todo smile nalang ako.

"Ms. Mariano, please sit beside Ms. Manuel." As expected ay katabi ko na naman si Faith, isa sa mga bestfriend ko.

"So kwentuhan mo naman ako sa bakasyon mo Girl!" Panimulang bati niya. Ano pa nga bang bago sa isang madaldal na katulad niya?

"Mamaya na tayo magkwentuhan. Ayoko ng ma-award ulit. Haha." Bulong ko na lamang sa kanya at nakinig na sa sinasabi ng adviser namin.

"That's all for today. Sana ay nagkalinawan tayo sa mga rules and regulations natin dito sa classroom. Class dismiss." Mabilis lang lumipas ang oras at heto kami ngayon, pauwi na. Nag-aaya silang gumala dahil nga sa first day at namiss daw namin ang isa't isa. Tumanggi na muna ako at sinabing next time nalang ako sasama dahil may mga aayusin pa ako sa bahay kahit wala naman. Sadyang wala lang ako sa mood pero hindi ko nalang pinakita para hindi na sila magtanong pa. Dumiretso na ako nang uwi at pagkatapos magbihis ay humilata na ako sa kama. Naisipan 'kong magcheck ng mga accounts dahil baka nag-message na si Papa pero iba ang nakita ko.

"PIER LUIGI TIAMSON UPDATED HIS RELATIONSHIP STATUS FROM IN A RELATIONSHIP TO IT'S COMPLICATED"

Taena naman oh. Hey PAST? You really love to chase me, don't you?

A Bestfriend's Sacrifice (On-Going)Where stories live. Discover now