Track 7: Love is Sacrifice

15 1 0
                                    

Bakit nga ba love is sacrifice? Ang sabi nila, hindi ka daw totoong nagmamahal kapag hindi ka marunong magsakripisyo. Kahit maliit na bagay lang, handa mong isuko para lang sa taong mahal mo. Kahit sarili mong kapakanan at damdamin, handa mong saktan para lang sa kanya. Pero siya kaya, kaya niya kayang magsakripisyo para lang sayo?

Tama lang siguro na hinuhusgahan ako ng mga tao ngayon. Oo nga, ang galing galing kong magsalita noon, at inaway ko pa si Rian dahil nasaktan din ako para kay Faith. Tapos ano ako ngayon? Ako ang nahulog, pakiramdam ko ako pa ang nanakit. Pero hindi ba't pare-pareho lang naman kaming nasaktan? Simula ng mahulog ako kay Karl, wala pang closure sa kung ano bang ang ending neto. Ooppps. Meron na yata?

*Flashyy*
"Parang ayoko lang kasi na paasahin kita."

"Sana walang magbago."
*End*

Dalawang kataga pala ang huling binitawan niya bago kami huling nagkausap. Ang alam ko, nireplayan ko pa siya dyan na ayos na ang lahat at wala na siyang dapat pang ipag-alala. Ang sabi ko, oo walang magbabago dahil hindi naman ako nasaktan, kahit deep inside para na akong tinutusok ng karayom sa sakit ng loob ko. Ganito ba talaga magmahal? Kaya ba iniyakan din ni Shin yung babaeng minahal niya noon? Hindi ko kasi maintindihan kung ano bang nagawa kong mali para maranasan ko 'to. Tanga ba ako? Tanga ba ako, kasi hindi ko naramdaman agad na pinapaasa lang pala ako? Ang dami kong tanong na mukhang maiiwan na lamang bilang isang katanungan. Anong ibig sabihin ng mga I love you's at I miss you's niya? Pro na ba siya sa pagpapaasa ng mga babae kung kaya't pati ako ay nasali sa listahan niya? How about the phone calls? Yung mga messages namin sa isa't isa? Friendly talk pa din ba ang lahat ng iyon? Sadyang ako lang ba ang naglagay ng kahulugan sa bawat pinakita niya sa akin during the semestral break. Tangna nakakagago. Ang dami kong mga tanong! Para akong nangangapa sa dilim dahil naghahanap ako ng mga kasagutan para matigil at mabawasan man lang sana ang bigat na nararamdaman ko. Ang unfair naman ng buhay. Kung kailan paniwalang-paniwala na ako, pero ano nga ba ang tama? Ang malaman ng mas maaga ang buong katotohanan?

Dalawang buwan din ang lumipas. As usual, christmas party. Halos nagbunutan din ang mga magtotropa, at ako? Nawawalan ako ng gana dahil alam ko na din naman ang kalalabasan ng party na 'to. Nang magbibigayan na ng regalo, nagulat ako dahil siya ang lumapit at una niya munang ibinigay ang christmas card. "To: Sophia Lyel, Advance Merry Christmas! I miss you ❤ From: Nathan Karl :)" Ang mga katagang iyan ang unang bumungad sa akin at sunod ay ibingay na niya ang regalo na agad ko namang binuksan. Isang blue na stuffed toy ang laman ng paper bag na ibinigay niya. Maniniwala ba kayo kung sasabihin ko, na wala na akong maramdaman nung mga panahong iyon?

Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin eh. Hindi ba't dapat masaya ako? Hala! Nagbigay siya ng regalo, tapos alam niya pa yung favorite color ko! Hindi ba't dapat ay magdiwang ang puso ko dahil sa pagkakaalam ko ay minamahal ko siya? Pero bakit ganto? Wala akong maramdaman na kahit ano. Inalala ko yung mga panahon na unti-unti akong nahuhulog sa kanya, hindi ba't dapat ay kiligin ako dahil miss daw niya ako? Bakit ganto?! BAKIT WALA AKONG MARAMDAMAN?

Nginitian ko siya at tinanggap ang regalo, pero dala dala ko pa rin ang gulong-gulong reaksyon ng aking mukha. Hindi ako namamanhid, hindi. Ang oa ko naman kung sasabihin ko na dala lang siguro ito ng sobrang sakit ng nararamdaman ko, eh hindi nga kami in the first place at never magiging kami. Naguguluhan ako, dahil hindi ko alam kung bakit na naman niya ginagawa ang lahat ng ito kung kailan cinocompose at inaayos ko na ulit ang sarili ko, kung kailan kinakalimutan ko na siya. Hindi ko alam kung isa ba ito sa mga paraan na naman niya para paasahin ako, dahil to tell you honestly, tangna nabuhay na naman ang false alarm ng puso ko. Nabuhay lahat ng what if's ko tungkol sa kanya na sobrang tagal kong itinago. Anong ibig sabihin ng ginawa niya ngayon? Hindi ako assuming dahil una sa lahat, hindi naman ako ang nabunot niya para sa christmas party, hindi sana ako aasa kung ako ang nabunot niya, dahil automatic naman na kailangan niya akong bigyan ng regalo. Pero yung out of nowhere, magbibigay siya ng regalo. Ano to? Sobrang nagiging tanga na ba ako?

Namulat ako sa realidad. PAANO SI FAITH? NAGUSTUHAN DIN SIYA NI FAITH. Kaya hindi pwede 'to. Sus! Hindi ako bayani para isipin pa sana ang bagay na ito, pero habang tumatagal ay hindi ako mapakali sa nararamdaman ko dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Faith kapag nalaman niya ito. Lahat ng kinakatakot kong mangyari, posibleng matupad ng isang iglap lamang. Paano kung magalit siya sakin? Hindi ko din kaya, mas mahalaga yung bestfriend ko kesa dito sa pagmamahal na nararamdaman ko.

Pareho lang ba kami ni Rian? Oo, alam ko naman na kapag nalaman ni Faith ang katangahan na ginawa ko, masasaktan din naman siya. Pero ano bang mas masakit sa ginawa naming dalawa ni Rian? Yung ipagpilitan ka o yung magmahal ka ng hindi sinasadya?

Gulong gulo na ako! Pero, naisip ko na tutal ay napaasa lang din naman ako, isinantabi ko nalang lahat ng nararamdaman ko. Mas iniisip ko ngayon kung paano ko sisimulan na sabihin kay Faith kung paano nagsimula ang lahat ng nararamdaman ko para kay Karl. Totoo nga palang pagdating sa pag-ibig, hindi maaaring hindi ka magsakripisyo. Lahat ng nararamdaman kong sakit sa ngayon tinitiis ko nalang para matapos na 'to. Kahit na hindi na siya gusto ni Faith, handa pa din akong i set aside 'tong nararamdaman ko dahil kahit kailan ay hindi pa din nawawala ang salitang "respeto."

Karl? Sino ba yang taong mahal mo? Kahit na hindi ko maipaliwanag kung gaano kasakit ang mapaasa at maiwan sa ere, gusto ko pa din na hanapin ang babaeng nasa puso mo, dahil makita ko lang na masaya ka, masaya na din ako. :(

Minsan, ang pag-ibig, dumadating sa maling panahon, kung kailan hindi ka handang masaktan at umiyak. Kahit na gusto ko pang ipaglaban itong nararamdaman ko para sa taong mahal ko, para ano pa? Wala na rin namang kwenta. Kung ano man ang nasimulan ko na, tinatapos ko na ngayon. Pero i swear, you will never know how much pain kills me. You will never know how much it hurts deep inside me. :(

AND LOVE? IS INDEED REALLY A SACRIFICE.

A/N: Yow guys! Kumusta? Sorry sobrang ang sabaw ng update :( Sobrang busy ko kasi nag finals pa kami, todo review ako kahit na walang kwenta tong inuupdate ko sorry frustrated and trying hard akong gumawa ng story. T_T Sorry ulit. :( -QueenRemedy1428

A Bestfriend's Sacrifice (On-Going)Onde histórias criam vida. Descubra agora