Track 3: Flashback all the way

31 1 0
                                    

Pagkatapos ng pagfa-flashback ko ay cinompose ko na ang sarili ko dahil 'yun naman talaga ang dapat. Saka na ako magkukwento dahil ngayon 'ko naramdaman ang pagod dahil sa dami ng iniisip 'ko.

Nagcheck na muna ako ng lahat ng emails, at tiningnan kung nag-message ba si Papa. Pero still, wala pa din hanggang ngayon. Nakakapagod ng maghintay.

Hindi naman kasi kailangang umalis ni Papa. Kaya lang, dahil ang napag-usapan namin noon na pagkatapos ko sa highschool ay papasok ako sa sikat na university, kaya naman kailangan niya daw dagdagan ang ipon niya. Hindi naman kami naghihirap, dahil may kumpanya pa naman kami na inaasikaso ni Mama, kaya naman lagi din siyang wala sa bahay.

"Ate, wala ba si Mama?" Nagulat naman ako nang biglang may magsalita sa may bandang likuran 'ko, takte! Kapatid ko lang pala, akala ko mumu na. XD

"Hoy, bakit ngayon ka lang umuwi? Lagi ka nalang late umuuwi ah. Wala si Mama, El. Bakit ba?" Ako lang yung tumatawag ng El dyan. XD Pareho kasi kami na may Lyel, kaya dyahe naman kung Lyel din tawag namin sa kanya.

"Hala. Eh kailangang pumunta lahat ng parents sa school namin bukas eh. May family day daw."

Alam kong nalulungkot din siya, na laging wala si Mama. Busy siya sa business. Nung bata ako, hindi ko pa kayang intindihin kung bakit laging busy yung mga parents ko. Pero habang tumatanda, syempre nagma-matured. Kaya madalas, hindi ko nalang pinapansin. Alam ko namang hindi pa maintindihan nang kapatid ko lahat ng 'to. Kaya easyhan lang natin. XD

"Dadating siya sige. Wala namang pinapalampas na event 'yun eh. 'Wag ka na ngang mag-emote! Hindi mo bagay." Dinaan ko nalang siya sa biro para mawala na sa isip niya ang kung ano mang gumugulo sa kanya.

"Wow ate. Akala mo naman ikaw hindi mahilig mag-emote. Eh ang oa mo nga umiyak eh. Pero no worries ate, mahal kita. Hindi kita iiwan katulad nang ginawa niya. Hahaha!"

"GAGO!" Binato ko sa kanya yung tsinelas na suot ko sa sobrang inis. Langya! Di man lang ako nakaganti, ang bilis niya tumakbo. Nakakaasar!

Oo na, bwiset. Alam kasi ng mga parents ko, yung about SA KANYA. Pati kapatid ko alam din, super close nga sila noon eh. Tapos sobrang napipikon ako nung laging hindi na siya pumupunta dito, yung Mama ko kasi lagi akong tinatanong kung bakit di na siya pumupunta dito, kung may problema daw ba kami. Syempre akong si awkward, smile nalang ang sinasagot ko sa kanila. Hindi ko din kasi alam kung paano ko sisimulan na sabihin sa kanila noon kung paano kasakit 'yung pinagdadaanan ko.

Hindi ko maiwasan na hindi bumalik sa nakaraan. :(

*Flashy*
After naming nagkausap at nagkuhanan ng number, lagi na akong binubuska ni Shin na kesyo ano na daw ba ang real score saming dalawa ni Pier, at kapag sinasabi ko naman na wala, hindi naman siya naniniwala.

*1 message receive*
From: Pieeeeeeer :)
Lyel, tawag ako ah? Kung di ka din busy. Hehe. :)

Laging ganyan ang set up namin. Lagi kaming magkausap, magkatext, minsan magkasama din. Oo na takte! Summer love. Wala eh, natamaan ako. Pero syempre, hindi ko pinahalata sa kanya. Ayoko din sabihin. Ewan ko, takot akong ma-reject.

Lumipas pa ang maraming buwan, siguro kung magbibigay ako ng label sa kung ano kaming dalawa, 'yun ay yung bestfriend "daw" kami. May nakilala ako, si Merry. Kilala na pala niya si Pier noon pa man. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa nararamdaman ko, at sinabi niyang ituloy ko lang daw, dahil nakikita naman daw niya na malaki ang chance. Nabuhayan ako ng loob, kaya naman nagkalakas ako ng loob para magtanong kay Pier ng minsang magkasama kami.

"Oy Pier, may tanong ako. Sagutin mo ng maayos ah!" Ang lakas ng loob 'kong magsalita ng tuluy-tuloy, pero deep inside sobrang kinakabahan ako.

"Ano nanaman ba 'yan Yel? Siguraduhin mong may kwenta ah!"

"U-uhm. Wala, wag nalang pala. Hahaha!" Hindi ko pa rin pala kayang magtanong kung ano ba kami. Natatakot ako sa maaaring maging sagot niya.

"Isa. Ano na nga?"

"Wala nga. 'Wag ng makulit, wala naman kasi talaga."

"Ganyan ka naman eh. Lagi kang nambibitin sa mga sinasabi mo, 'yung lagi mokong iniiwan na confuse, lagi kang nag-iiwan ng isang malaking question ma---"

"ANO BA KASI TAYO? HA PIER? PWEDE KO BANG MALAMAN KUNG FRIENDSHIP PA DIN BA 'TO? Nabigla ako sa kawalan ng kontrol ng bibig ko. Pakshet! Tanga mo naman Lyel eh! Ano bang klaseng tanong 'yun?

Alam kong nabigla din siya. Binalot ng katahimikan ang pagitan naming dalawa. Natatakot ako sa magiging sagot niya. Kapag oo, wala na 'to. Suko na ako. Oo suko na ako, agad agad na.

"Hindi Yel. Manhid mo kasi eh."

"Alam ko naman na oo ang sagot mo eh, hindi mo na kailangan pang ipamukha na--- TEKA! ANONG SABI MO?" Ngayon lang nagsink-in sa isip ko ang pagsabi niya ng hindi. Hindi? Ano daw? Hindi?

"Tanga. Daldal mo kasi eh. Oo! Gusto kita. Ay hindi, malapit na kitang mahalin. Sus, kinikilig siya."

"Gago Pier." 'Yun na lamang ang tanging naisagot ko sa kanya, alam ko naman na nagkaintindihan na kami. Shet! Ano 'to? Dream come true? Gusto ko siya, gusto niya din ako? Taena oh!

Nung mga panahong naging kami, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Totoo pala na kapag pumasok ka sa isang relasyon, kailangan malakas at buo ang loob mo, kailangan lagi kang handa. 1 year na, simula nung maging kami. Away doon, tapos magbabati din paglipas lang ng iilang minuto. May selosan na nagaganap, pero hindi matatapos ang araw na walang paliwanagan. Kapag masama ang loob ko sa kanya, laging ang takbo ko kay Merry, naging bestfriend ko na din siya nung mga panahon na naging kami ni Pier, kahit na minsan ay nararamdaman ko na parang mas kilala niya pa si Pier kesa sa akin. Pero sinet-aside ko iyon dahil humihingi ako ng iba pang advice maliban pa sa mga sinasabi ng mga tropa ko.

1 year and 5 months. Mabuti pa pala na nanahimik nalang ako. Hindi na sana ako nagtanong noon. 'Yung kinatatakutan ko na baka masaktan lang ako? Nangyari na.

Ang sakit na maging karibal mo sa puso ng taong mahal mo ang pinakamatalik mong kaibigan. Walang katulad ang sakit! Dyahe. Para akong binuhusan ng isang drum ng malamig na tubig ng mga panahon na nalaman ko na, mahal daw ni Pier si Merry. Kaya pala may kakaiba akong nararamdaman sa kanila noon pa man, pero kunwari nalang na hindi ko napapansin kasi nagpalamon ako sa inaakala kong "totoong pag-ibig". Paano ko nalaman? Simple lang. Tuloy tuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko simula ng mabasa ko ang text ni Pier sa akin.

*1 message receive*
From: Pieeeeer <3
Yel? Alam mo naman na mahal kita diba? Pero, ayoko kasi na nakikita kang nasasaktan. Sorry Yel, pero tapusin na natin 'to. :( Mahal ko pa rin kasi hanggang ngayon si Merry. Hindi ko siya makalimutan. Maniwala ka Yel, pinilit ko. Pinilit ko na mahalin din kita katulad ng pagmamahal ko sa kanya. Pero wala eh, mahirap turuan ang puso. Thankyou for everything. Minahal kita. But let's just end this one. Sorry kung masasaktan man kita. For the last time, i love you.

Gago! Tangina! Sobrang sakit ng nararamdaman ko pero pinilit ko din na maging okay ako. So all this time? Nagmukha lang akong tanga sa kanya! Ano? Galak na galak ba siya habang pinapanood niya ako kung paano ko siya mahalin? Tuwang tuwa ba siya habang nagpapanggap na mahal niya din ako? Ang sakit kasi eh! Hindi ko siya maintindihan. Kung kailan hulog na hulog na ako, mahal na mahal ko na siya.

For almost 9 months, malapit ng maging 1 year. Akala ko hindi na ako makakamove-on sa kanya. Akala ko aabot din ng 1 year and 5 months 'tong sakit na nararamdaman ko eh. Pero sa loob ng 9 months, nagmove-on ako. Kinalimutan nalang ang lahat at nagkunwaring hindi nasasaktan. Simula noong maghiwalay kami, hindi na kami nag-usap pa maging si Merry. Higit pa sa isang taon na nagtagal ang pagmamahal ko para sa kanya. Doon ko naramdaman kung gaano kasakit ang maiwan, ang mapaasa, lalong lalo na ang maging kakompitensya ang kaibigan mo para sa taong mahal mo. At doon ko nalaman kung gaano kasakit ang piliin siya, habang ikaw nananatiling kaibigan lang para sa kanilang dalawa.

*End of flashback*

Tunay nga na dapat kapag umibig ka, lagi kang handa. Expect the unexpected. Dapat lagi kang ready na masaktan, madisappoint, maiwan, umiyak. Masarap sa pakiramdam kung mahal ka din ng taong mahal mo. Pero ang sakit pala kung maiwanan ka at ipagpalit ka para sa ibang tao, lalong lalo na kung malapit pa sayo. Masakit oo, pero kailangan tanggapin.

A Bestfriend's Sacrifice (On-Going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora