Track 2: The Mini Park

34 1 0
                                    

"I love you Yel. Alam mo naman na ikaw lang diba?"

"Oo na Pier. Corny mo! Hahaha."

"Sus. Pero mahal mo naman. :D"

Year 20**. I met a guy. Mabait siya. Gwapo. Mayaman. Dalawa lang silang magkapatid. Nakatira kami sa parehong compound. Sino siya? Yung nag i love you nga pala kanina, si Pier. Nakilala ko siya because of my cousin, na it turns out na halos magkalapit lang yung bahay nilang dalawa sa province. Natatawa pa nga ako hanggang ngayon sa tuwing naaalala ko pa yung scene na una kaming nagkita.

*Flashback*

Pumunta kami noon sa bahay ng relatives ko for family gathering. And then nung tapos na kaming kumain, since bago pa lang ako dun, nag-aya naman yung pinsan ko na lumabas daw muna kami para naman makita ko yung mga magagandang places sa lugar nila.

"Tara na kasi Lyel. Saglit lang naman eh." Puno ng pangungumbinsi akong kinakausap ni Shin, pinsan ko.

"Ayoko nga. Baka hanapin ako."

"Hindi yan. Mamaya pa naman kayo uuwi eh. Tara." Habang hila hila niya 'ko, lumabas kami sa subdivision nila. Totoo ngang madaming magagandang places na pwedeng puntahan doon. Una naming nakita 'yung mini park nila. Punong-puno iyon ng kulay green na halaman na sobrang nakakapagpa-relax ng isip. Sakto naman na sobrang stress ako sa school kaya nagstay muna kami doon at umupo sa mga swing.

"Ang hirap magmahal no Lyel?" Pagbasag niya sa katahimikan.

"Naks Shin! Pumapag-ibig ka yata? Bakit ba? Kwento naman dyan!" Pambubuska ko sa kanya pero nakikita ko sa mga mata niya na hindi nga siya masaya.

Ilang sandali pa ay muli na namang binalot ng katahimikan ang pagitan naming dalawa.

"So kaya mo ba ako inaya dito ay dahil sa gusto mong magkwento? Kwento na dali Shin. I'm a good listener, promise." Panimula ko na. Nabigla ako nang biglang may pumatak na lamang na tubig sa lupa galing sa bandang direksyon niya.

"Hala! Umuulan ba?" Tumingala naman ako sa langit pero wala namang ulan. Shit ka naman Lyel eh. Napaka-insensitive mo! Umiiyak 'yung pinsan mo tanga! 'Yung tubig na pumatak, luha 'yun hindi ulan! Hays.

"Sobrang hirap na kasi Lyel eh. Alam mo 'yung pakiramdam na binigay mo naman lahat? 'Yung pinakilala ko na siya sa parents ko. 'Yung sobrang seryoso ako sa kanya. Lahat ginawa ko na. Sobrang sarap sa feeling nung sinabi niya na mahal din niya ako. Pero pucha, higit pa sa salitang sobra 'yung sakit na nararamdaman ko hanggang ngayon sa sinabi niyang pinaglalaruan niya lang pala ako. Ang sakit sakit na!"

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Una sa lahat, lalaki si Shin. Bihira lang sa mga lalaki ang umiyak. Ang sabi nila, kapag daw umiyak ang isang lalaki, ibig sabihin seryosong seryoso sila pagdating sa kung ano man ang iniiyakan nila. Kaya ayokong magtry na magmahal eh. Kasi takot din akong masaktan.

"Shin! True love na 'yan! Payakap naman oh! Congrats pinsan! Isa ka nang certified lover!" Tumayo ako habang masaya na sinasabi ko sa kanya ang mga katagang iyon. Oo, alam ko na nasasaktan siya. Pinapagaan ko lang ang loob niya sa paraan na gusto 'kong malaman niya na kahit nasaktan man siya, ang importante ay hindi siya nagkulang sa pagbibigay nang pagmamahal para 'dun sa babaeng sinaktan lang siya. Magkayakap pa kami habang umiiyak pa din siya nang biglang may sumigaw.

"Shin! Pare, girlfriend mo?"

Napatingin naman ako sa kung sino ang sumigaw. Gwapo siya. Sino kaya 'to?

"Hindi ko siya girlfriend. Pinsan ko." Bakit parang masungit si Shin sa kanya? Sino ba 'to? Hello nandito pa kasi ako! Hinintay ko na lang na mag-usap sila hanggang sa finally napansin na din yata nila na nandito ako.

"Ay Lyel, si Pier pala, kaibigan ko. Pier, si Lyel, pinsan ko."

"Hi, nice to meet you Lyel." Nakipag shakehands naman ako sa kanya habang nakasmile. Parang nakita ko na siya. Pero baka kamukha lang. Natigil ako sa kakaisip nang biglang may pumatak sa pisngi ko. Napatingin naman ako sa langit at makulimlim ito, at linalabas na niya ang bigat na kanyang nararamdaman, ang ulan.

"Hala Shin. Wala tayong payong. Umuwi na tayo bago pa lumakas ang ulan." Nagulat ako nang wala na si Shin sa tabi ko, tanaw ko na lamang siya na tumatakbo habang ang lapad ng ngiti niya. Sabay sigaw ng, "Lyel! Takbo na! O kaya si Pier may payong 'yan. Uwi na ah." At tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Iba talaga si Shin. Jusko kanina umiiyak, tas ngayon tawang tawa naman siya. Bahala na nga siya. Malapit lang naman 'yung bahay nila mula dito, kaya nagsimula na akong maglakad.

"Naku. Uhm, L-Lyel. Lyel tama diba? Hatid na kita. Baka lumakas pa 'yung ulan." Napatigil ako nang marinig ko 'tong si, err. Ano nga ba? Ier? Lier? (Hala! Bat naman Lier? :D)

"It's Pier. Tara na hatid na kita." Ultimo'y nabasa niya ang sinasabi ng isip ko, kaya nahiya naman ako sa pinaggagawa ko kaya nauna na akong naglakad.

"So saan ka nag-aaral?"

"School syempre." Poker face 'kong sagot. Ewan ko, hindi ko kasi siya masyadong feel.

"Wow. Pilosopo mo naman, mana ka kay Shin. Ang sungit niyong sumagot. Hahaha." Hala? Bakit natatawa pa siya eh sinusungitan na nga siya. May saltik ata 'to eh.

Nakakainis 'yung ulan dahil hindi marunong makisama. Aba, bigla ba namang lumakas. Ang ending? Ayun, magkadikit kami nitong Pier dahil hindi naman malaki 'yung payong niya.

"Alam mo ba? Sana maging komportable ka na sa akin. No worries, I'm safe. Bestfriend ako ni Shin, alam ko din kung anong pinagdadaanan niya. Gusto kitang maging close katulad nang turing ko sa kanya." Mahaba niyang litanya.

"No probs." Maikling sagot ko pero sa totoo lang ay gumaan na din kahit papaano 'yung loob ko sa kanya. Baka nga pwede naman, na maging close kami. Kaya naman nginitian ko na siya. "Sige. Friends." Ngumiti naman din siya at nagthankyou.

Kung kailan naging close kami ay doon naman bumilis ang oras, nandito na pala kami sa tapat nang bahay nila Shin. Nauna na akong nagpaalam sa kanya, papasok na sana ako nang--

"Uhm Lyel. Pwede ko bang makuha 'yung number mo? Diba friends na din naman tayo. Err. Pero kung ayaw mo, it's okay with me."

Nginitan ko nalang siya at nagbigay ng number at pumasok na. Ang laki ng ngiti netong si Shin, kaloka!

*End*

Bumalik ako sa realidad. Nakita ko na naman ang pinost niya sa facebook. Bakit kaya "It's Complicated" ang relationship status niya? Hay nako Pier. Bakit ba kasi ikaw pa? Bakit ba kasi minahal pa kita! :(

Mini park. Ayoko sa mini park. It's the place where it all started, and also the place where the everlasting love that we have before, began to end.

A/N: Psh. Okay lang ba siya? Haha thankyou po :)

A Bestfriend's Sacrifice (On-Going)Where stories live. Discover now