Teaser

499 4 0
                                    

Pilit na pinipigilan ni Rebecca ang main-love sa kahit na kanino kasehodang mapag-isipan siyang ice queen. May rason siya kung bakit: siya ang tumatayong magulang ng dalawang nakababatang kapatid. Pilit niyang iginagapang ang pag-aaral ng mga ito sa pagnanais na may magandang kinabukasang mararating ang mga ito.

Ang problema lang,umeksena nang walang babala si Je-o,ang bagong hepe ng pulisya sa bayan nila. Unang engkuwentro pa lang nila,nakita na niya ang di niya dapat makita rito. Bandang huli,may iba nang ipinapadama sa kanya ng binata. Type niya naman sana kasi guwapo naman ang kumag. Nililigawan pa lang siya pero nakahalik na. Iyon lang,may nobya na pala ito. At ang babaeng iyon ang nakatakdang pakakasalan nito. Paano na siya? Ipaglalaban ba niya ang nararamdaman para rito kahit huli na?

Hand's Off, I'm In LoveWhere stories live. Discover now