Tamporurot

117 2 1
                                    

SA ospital sila nauwi matapos ang insidente sa Junction Luna. Ipinilit na rin ng lalake na kumunsulta na rin siya sa doktor para makasiguro. Pero bukod sa mga galos na natamo niya nang gumulong-gulong sila ng lalake hanggang sa mabitiwan siya nito sukat para bumalandra naman siya sa harap ng botika, wala nang iba pang dapat ipag-alala. Pati nga ito'y kinailangan din gamutin ang mga galos sa mga bisig nito.

Ngiti ng pasasalamat ang itinugon niya sa babaeng nurse na naglapat sa kanya ng first aid. Nang lumingon siya sa pinto, nakatingin din pala sa kanya si Je-o kaya tila pa siya napaigtad nang maramdaman naman ngayon ang kakaibang pakiramdam na iyon nang una niyang makita ito.

Lihim tuloy siyang napabuntong-hininga sa pagtahip ng kanyang dibdib.

Tumayo na lang siya at hindi makatingin dito na lumapit.

"Okey na?" tanong nito. Inabot ang kanyang palad at ginagap nang mahigpit.

"O-oo," nauutal pang sagot niya na hindi binawi ang kamay dito. Aminin man niya at hindi, may hatid na kaiga-igayang pakiramdam ang dating ng init ng palad nitong nakasalikop sa palad niya. Masarap sa damdamin. Na para ba'ng noon lang siya nakadaupang palad ng isang lalake at nahawakan ang kamay niya.

"So, ihahatid na kita sa bahay niyo?"

"Sa labasan na lang ng ospital. Mag-aabang na lang ako ng traysikel doon. Baka nakakaabala na ako niyan sa trabaho mo," aniya. Pero ang totoo, hindi lang siya mapakali sa lapit nilang iyon. Idagdag pang hawak-hawak nito ang kamay niya na para ba'ng mayroon silang relasyon. Tila na naman sinisilihan ang tumbong niya gaya noong tinakbuhan niya ito pa-kusina matapos ang aksidenteng paglalapat ng kanilang mga labi. Pero hindi rin, eh.

"Sus. Nahiya pa, eh. Halika na nga. Tinulungan na rin lang kita, lubus-lubusin ko na. Tutal pabalik din naman ako sa station. Madadaanan naman iyong puwesto mo kaya huwag ka nang tumanggi. Okey?"

Wala na tuloy siyang nagawa nang tuluyan na rin siyang igiya pahantong sa itim na kotse nito.


"ANO itong nabalitaan ko na muntik ka nang ma-tegi? Bruha ka, hindi kaya ng power ko. Manginig-nginig sa takot ang beauty ko roon!"

Bigla siyang napaharap sa nagsalita. "Benjie, ikaw pala. Ginulat mo naman ako."

Kumendeng ito palapit sa kaharap niyang washing machine. Kaysa magbukas ng puwesto, umuwi na lang siya sa bahay nila na hindi naman kalayuan doon at naglaba na lang. Alam niyang dadagsain lang siya ng mga usyusero sa kanyang tindahan kung eeksena siya roon ngayong bago-bago pa lang ang insidente. Inabala niya ang sarili dahil ayaw niyang mag-isip muna.

"True siya, 'neng?"

Tumango siya. "Buti na lang at iniligtas ako ni Je-o, err, si Officer Je-o, 'yong bagong upo'ng hepe ng local police natin. Nagkataon lang kasi'ng nandoon din siya sa Junction Luna at papatawid din daw sana siya para bumili ng gamot sa ulcer niya nang makita din ako. Iyon ang kuwento niya habang nasa daan kami para ihatid ako."

"Para namang pinagtiyap ang pagkakataon, ha? Balita ko nga'y kunting-kunti na lang ang layo mo sa truck nang tila daw kidlat itong dinamba ka para maisalba ka sa tiyak na kapahamakan. Aba'y dapat sinabitan mo siya ng medalya sa ginawa niyang iyon."

"Nakita mo na ba siya?"

Bigla itong tumili sa tanong niya. "Oo, gaga! Na-sight ko du'n sa harap ng station. Fafalicious siya nang bongga, ateng! At sa pagkakabanat ng pantalon niyang iyon sa harap, pupusta akong daku siya. 'Kakagigil! Plus point pa iyong hitsura niyang iyon. 'Amputi!"

Pinagdaop pa nito ang mga palad at tatalon-talon na parang batang excited.

"Binata pa kaya iyon?" parang wala sa loob na naitanong niya kasabay ng pagsapo niya sa kamay na hinawakan nito nang nasa ospital sila.

"Ha?" Parang umigtad pa ang bakla sa nadinig mula sa kanya. "Type mo siya, 'no? Aba, nagmimilagro na yata at nabubuhay na ang mga malalanding growers mo sa katawan. Aminin mo. Aminin mo!"

"Naitanong ko lang iyon. Para huwag mo na siyang pangarapin diyan, 'no?"

"Ows? Ako lang kaya?" Nagdududang tinapunan siya ng tingin ang hitad. Nag-poker face lang siya. "Tsk. Mabuburo talaga ang itlog mo kung ganyan lang ang drama mo."

"Ako na naman ang napagdiskitahan mo!" asik niya. "Hala, lumayas-layas ka na nga kung iyon lang ang sinadya mo rito. Ang dami-dami ko pa kayang labhan."

"Chus. Tulungan na nga lang kita para makalibre na ako ng kain mamaya. Nakakaumay maghintay ng costumers du'n sa parlor pag ganitong oras na. Kung bakit pa kasi nauso ang Sunday na agad susundan ng Monday. Weekend na lang sana parati para laging may darating."

"Asa ka pa."

NANG Miyerkules na iyon, nagawi si Je-o sa tindahan niya kasama ang ilan nitong kasama sa trabaho para mag-merienda nang umagang iyon. Ang nakapagtataka lang, parang hindi na naman siya nito kilala. Para tuloy gustong humaba ang nguso niya roon dahil ganoong-ganoon din ang paraan ng pagtrato nito sa kanya noong umihi ito sa CR ng mga babae sa gym. Ni, hindi rin siya pinansin kahit nang i-serve na niya ang special halu-halo na siyang order ng mga ito.

Okey, fine. Ako na ang invisible, nagkukukot ang loob na naisip niya.

Pero kahit sinasabi na niya iyon sa sarili, hindi pa rin niya maatim na huwag mainis sa inaasta nito. Banas na banas siya.

Maya-maya, tumayo ito. Lumapit sa kinatatanghuran niyang kaha. Napakapit naman siya tuloy sa gilid nu'n dahil para siyang nilindol.

"Puwedeng makigamit ng CR?" tanong nito, pormal na pormal. Kahit bakas ng ngiti, walang maaninag sa mukha nito. "Iyon kung merong available dito. At panlalake rin."

Wala din siyang kangiti-ngiti na tinignan ito kahit gusto niya itong ingusan sa ipinapahiwatig ng sinabi nito. Hindi na lang niya iyon pinansin at baka kung saan na naman iyon mauwi.

"Sure, Sir. Umikot lang po kayo sa may likod ng kusina. Kahapon lang iyon natapos".

Walang imik itong lumayo. Pero wala pang isang minuto, nakangiwing bumalik ulit ito sa harap niya. "Baka puwedeng ituro mo kung alin doon ang panlalake, Miss. Pareho, eh. Baka kung saan na naman ako mapasok."

"Ha?" Agad namula ang mukha niya sa implikasyon ng sinabi nito. Parang gusto niyang mataranta na ni-review sa isip kung nabuksan nga ba niya iyon kaninang umaga lang pagka-check niya. Siya naman ang napangiwi. His and hers kasi ang pinagawa niyang palikuran doon. Pero hindi nga niya nalagyan ng kahit ano'ng label. Karaniwan na kasing mga babaeng parukyano parati ang gumagamit. "Pasensiya na po, Sir. Sandali lang po at kunin ko 'yong pentel pen," aniya na tumayo at nagtungo sa kusina. Inabot ang pentel pen sa basket na nakasabit sa ipinukpok niyang pako sa likod ng pinto. Saka siya napaantanda nang biglang may maisip. Baka pagbantayin din siya roon! Ah, nunca'ng gawin niya iyon. Mamaya, may sasalisi sa kaha, mananakaw pa ang pinagbentahan niya. No, thank you very much! Hamo'ng magbantay muna ito doon.

Sumibat na tuloy siya sa isa pang pinto ng kusina at tila siya ang naiihi na patakbong tinungo ang CR. Halos matarantang nagsulat siya sa mismo'ng pinto. Nang matapos, takbo siya ulit papasok ng kusina at hangos siyang bumalik sa loob ng tindahan.

"Sir, okey na. Paki-relax na ang inyong pantog," aniya na ngumiti ng duling.

Napataas-kilay tuloy ito sa kanya. "Sigurado ka o baka kailangan mo ako'ng samahan para ituro kung alin ang dapat ko'ng pasukan? The last time I did..." Halatang sinadya nitong ibitin ang sinabi kasunod ng unti-unting pagguhit ng tila nahihiyang ngiti nito.

Namula kaagad ang pisngi niya.

"O-okey, Sir. Pasensiya na roon. Bago pa lang kasi. Halos parehas lang naman." At nagpatiuna na siya at baka tuluyan na nitong sabihin nang buo ang kuwento.

"Well. Iba pa rin ang nagsisigurado, 'di ba?"

Napapaingos siya na hindi ito pinansin. Pagdating doon, buong giting niyang binuksan ang isang pinto na sinulatan niya ng mukha ring nanginginig na "GENTS" at umuklo pa siya kasabay ng pag-unat ng kanyang kamay. "Pasok na po."

❤❤❤hmmm...ano kaya ang mangyayari?❤❤❤

Hand's Off, I'm In LoveWhere stories live. Discover now