Nang Magselos Si Tsip

75 2 0
                                    


ANG sakit pala sa dibdib na makitang may ibang lalakeng kasama ang minamahal. Lalo pa nga kung alam mo rin namang ang sinamahan nito ay iyon pang ex nito. At hindi maiwasan ni Je-o na makadarama ng takot at insecurities. Paano ba namang hindi, eh, base na rin sa nakalap niyang impormasyon tungkol sa ex ni Rebecca, mayaman ang lalake. Mas higit pa yata sa kung ano’ng yaman mayroon ang pamilya nila. In fact, pag-aari nito ang isang malaking bahay na kasalukuyang inaayos malapit sa main highway, may sosyo pa sa isang hotel na kasalukuyan ding ginagawa.

Wala naman dapat siyang pakialam dito. Pero na-curious siyang malaman kung sino noon ang tinutukoy ni Rebecca noon na kina-inlaban daw nito noong high school. Iyon ay para na rin mai-connect ang lalake sa lalakeng ipinagbabantayugan ni Almira na nakita raw nito noon na kasa-kasama ng dalaga.  Kaya may binayaran pa siyang tao para mag-espiya para sa kanya.

Nang finally, may mukha na ito, inutusan na rin niyang halungkatin na rin ang tungkol sa personal na buhay ng karibal niya. And he hope na may matutungkab din siyang hindi maganda sa pagkatao nito para mayroon siyang pansupalpal.

Pero malinis ang record ng hinayupak. Ang nalaman lang niyang hindi maganda, may world war ito kay Almira. Nagsisimula pa lang. At ito namang si Almira, walang pangiming inamin na hinalikan daw ito ng lalake. Sinabi pa nito na nakuha nga raw ang numero ng lalake at laging ka-text. Maybe, in the hope na magseselos siya siguro. Pero hindi. Tawang-tawa pa nga siya. And hoping against hope na sana ay may mabubuong pagtitinginan ang dalawa between their war. But Almira was so adamant in proving na mahal siya nito. Na siya ang gusto nitong makasama sa hirap at ginhawa. And in the future, the mother of his children.

Kaya ayon, para yatang sinapian ni Sisa kaya parang baliw na nagpakamatay pa nang harap-harapan pa kuno para lang makonsensiya si Rebecca at iwan siya. Lahat ng iyon, galing mismo sa sariling bibig ang pag-amin matapos niya itong komprontahin lalo at pansin niyang iniiwasan na siya ni Rebecca mula noong iniwan siya sa ospital at nagbilin na lang sa nurse station na huwag na niyang hanapin.

Hirap man, kailangan niyang ayusin muna ang lahat sa pagitan nila ni Almira at pilit ipaunawa rito na hindi na lalampas pa sa pagiging isang kapatid na babae ang turing niya rito. Na may mahal siya at si Rebecca iyon. Selfishly, inulit na naman ang ginawa’ng paglaslas sa pulso nang hindi matanggap ang kanyang sinabi. Kaya sa ospital ulit pinulot.

Palibhasa, hindi masaway ng sariling mga magulang, ang mga ito ang binalingan niya ng pakiusap. Subalit pinilit-pilit pa rin siya na pakasalan na lang niya ang anak ng mga ito. Noon nalagot ang pasensiya niya kaya nag-walk out na lang siya matapos mag-iwan ng warning na: Sabihan niyo pa na ituloy na lang ang pagpapakamatay. Hindi ko na ho konsensiya iyon. Nakasalalay ho iyan sa kamay ninyo. Kung mamamatay siya, tuloy ang buhay ko. Siya, tigok na. Iyon kung hahayaan niyo nga sa kabaliwang pinaggagawa. Kapatid ho ang tingin ko sa kanya and never in my wildest dream na inisip ko’ng magiging kabiyak ko siya. May itinitibok na po ang puso ko. At sa kanya ko naising magkaroon din ng anak balang-araw. Ng mga anak.” Idiniin pa niya ang huling sinabi bago tuluyang umalis pagkatapos para sigurado na.

Ilang araw lang naman ang namagitan para sa ginawa niyang pag-aayos sa gulong pilit ipinapasok ni Almira sa eksena. Pero heto nga at harap-harapan pa yata siyang ipinagpalit na lang ng nobya niya sa hindi niya rin matukoy na dahilan! Kung makaasta pagdating sa kanya, dala-dala ang buong pangalan ng tindahan nito.

Pero hindi siya papayag na lang nang basta kung kailan ipinaglalaban na niya ito kahit may namamatay-matay na. That woman was his. His!

Paglapit pa lang niya sa lalake matapos nitong pagbuksan ang nobya niya, agad-agad ay walang babalang dinaklot niya ang kuwelyo ng damit nito.

Hand's Off, I'm In LoveWhere stories live. Discover now