Iwas Pusoy Si Ice Queen

76 2 0
                                    

YAMANG nasimulan na niya ang ginawang pag-iwas kay Je-o, iniba na rin niya pati cellphone number niya. Sina Leila at Benjie na lang ang hinayaan niyang kikilos-kilos sa tindahan habang siya’y nagmumukmok sa kusina at inaabala ang sarili sa pagluluto. Naka-lock na naman lahat ang pinto para lang makasiguro siyang hindi siya mako-corner na lang nang basta-basta sakaling magawi roon.

Dahil marami rin naman ang mahilig sa tsismis, nakarating sa kaalaman niya na iniuwi na ng mga magulang nito si Almira mula sa ospital na pinagsuguran nila. Nalaman din niya na may inuupahang apartment si Almira sa Luna at doon tumutuloy sa tuwing nagagawi roon. Kaya hindi na siya nagtataka ngayon kung bakit agad-agad makaeksena doon sa tuwing nais siyang guluhin.

Nakabuo siya tuloy ng hindi magandang konklusyon: Baka sa apartment na iyon din ang tinutuluyan ni Je-o!

Come to think of it, hindi pa pala niya alam kung saan umuuwi ang lalake habang nandoon sa kanila!

At hayon, sumama rin si Je-o sa paghahatid ng uwi si Almira.

Siyempre, kahit kukunwa-kunwari na okey lang iyon sa kanya, kapag gabi na at tahimik na ang paligid, may mga impit na iyak na tumatakas sa kanya. Ganoon nang ganoon ang nangyayari sa kanya hanggang bandang huli, nag-sink in din sa kanya ang lahat. Kaya kahit wala naman silang pinag-uusapan ng lalake, hinayaan na lang niya ito at ipinagparaya kay Almira.

Minsan pa, nasumpungan niya ang sariling nasa puntod ulit ng mga magulang at nagsusumbong. Halo ang luha at sipon.

“Lintik talaga ang mga lalake, inay, itay. Pulos mga manloloko,” simula niya. “Ang bait ko naman, bakit parang pinaparusahan naman ako ngayon? Sa tingin niyo ba, hindi ako karapat-dapat mahalin? Ngayon ko na nga lang binuksan ang puso ko sa tawag ng pag-ibig, minalas pa rin.”
Sinundan niya iyon ng kontodo-hagulgol.

Humangin tuloy sa kinalalagyan niya. Malamig. Nang maramdaman iyon, bigla siyang natigil sa pag-iyak saka nakiramdam ulit.

Malamig talaga. At mukhang sa kinalalagyan lang niya humahangin ng ganoon kasi hindi naman kumikilos ang mga halamang-ligaw sa paligid.

Nanlaki tuloy ang mga mata niya kasabay ng pagtatayuan ng mga pinong buhok sa katawan niya.

Awtomatikong sa puntod ng mga magulang siya ulit napatingin.

“’N-nay, ‘tay, huwag niyo naman ako takutin. Nagda-drama lang naman ang tao dito, eh. Pero totoo talaga, nain-love itong anak niyo pero nganga agad ang inabot.”

Ayon, lalo tuloy nang-ibayo ang lamig. Mukhang galit ang mga magulang niya. Kaya nang hindi siya makatiis, ora-orada nang umeksit siya.

Muntik pa siyang napatili nang bigla namang may pumarang kotse sa harapan niya, pulang-pula pa. Nang bumaba ang tinted na salamin nu’n sa driver’s side, nakakunot-noo’ng mukha ni Je-o ang nabungaran niya roon.

Sosyal, ha? Brand new ang kotse nitong Honda Civic. Minsan pa, naipamukha ulit sa kanya kung saang pamilya ito nabibilang.

“Finally, lumabas ka rin sa pinaglulunggaan mo. Sakay na.” At bigla na itong bumaba at halos hilahin siya papuntang passenger’s seat.

Napapasinghap siya sa naging epekto ng pagkakahawak na naman nito sa kanya. Talagang nakataas lahat ang antenna niya pagdating sa lalakeng ito. Parang magigiba na naman ang dibdib niya sa malakas na pagtibok ng kanyang puso.

Bigla niyang iwinaksi ang kamay nitong nakahawak sa kanyang pulsuhan. “Huwag mo ako’ng mahawak-hawakan, ha? At hindi kita inobliga para puntahan ako o daanan kaya ako rito. Umalis ka na lang. Alam ko naman ang daan pauwi,” mataray na saad niya na umirap pa rito.

“Anong—“

“At bumalik ka na lang sa tabi ni Almira. Mamaya niyan, magpapakamatay na naman, ako pa ang masisisi roon.” Lumayo-layo pa siya rito.

Napamata naman si Je-o sandali sa kanya.

Nang walang ano-ano’y gumuhit ang isang ngiti sa labi nito saka napahagalpak ng tawa. Kahit di na nito sabihin, alam na niya ang dahilan nu’n. Enjoy na enjoy ito sa pagseselos niya. Ang kumag…!

Walang sabi-sabing kumuha siya ng bato at ipinukol iyon dito. Nang makailag, nagmartsa na siya palayo. Sukat ba namang tinawag siya kaya kumaripas na lang siya ng takbo.

Right timing namang umeksena ang isa pang lalake, si Egimar. Bigla itong pumarada kaya napasigaw pa siya.

“’Uy, ano bang nangyayari sa iyo?” Nag-aalalang bumaba ito bigla at dinaluhan siya. “Okey ka lang ba?”

Napapalunok siya na napalingon sa pinanggalingan. Ramdam niya ang masamang tingin ni Je-o sa di-kalayuan. Obviously, papasok na sana sa sariling sasakyan para sundan siya. Pero nang makita siguro ang hindi inaasahang eksena, napalabas bigla. At nang magpaakay na siya kay Egimar nang walang kaimik-imik, nauna pa itong pumasok ng sasakyan at pabalibag na ipininid ang pinto.

Amanos na sila. Pero hindi nagbubunyi ang kanyang puso. Para lang namatayan ang peg niya. Pasulyap-sulyap tuloy sa kanya ang nag-aalalang lalake sa tabi niya.

“Rebecca…?”

Para pa siyang nagulat na napatingin dito. Nang mabasa ang pagtatanong sa mga mata nito, pinilit niya ang sariling ngumiti.

“O-okey lang ako. Napagod lang ako. Dumalaw kasi ako sa puntod nina inay at itay. Walang masakyan, eh, kaya nilakad ko na lang.”

Pero batid niyang hindi naniniwala sa kanya ang lalake dahil pasulyap-sulyap ito sa rear view mirror.

Na-curious na din siya kaya ginaya niya ito. Sumusunod nga sa kanila si Je-o. Napapalunok na naman na nagbaling siya ng tingin kay Egimar.

“P-pasensiya na,” mahinang naiusal niya kasabay ng kanyang pagyuko. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi sa pagkapahiya.

“Naiintindihan ko,” tahimik namang pakli ng katabi niya.

“Totoong galing ako sa sementeryo. Hindi ko alam kung maniniwala ka pa, pero naramdaman ko ang presensiya nina inay at itay. Nahintakutan ako, eh. Paglabas ko, saka naman tamang pumarada siya sa harap ko. Parang ikaw kanina. Gusto niyang sasakay ako sa kotse niya pero galit ako doon, eh.”

“Boyfriend mo na ba?” May caution sa boses nito kaya bigla niyang binawi ang tingin dito. Ibinaling niya iyon sa kanyang kandungan.

Napatango siya nang marahan. “May halos isang buwan na. Pero—“ Pinigilan niya ang sariling dila na napabaling na naman sa lalake. Ayaw niyang umasa ito kaya kailangan na niyang tapatin kaagad ngayon pa lang. “Egimar, pasensiya na talaga. Ito na iyong sinasabi ko sa iyo. Totoong may damdamin ako sa iyo noon. Pero sa ngayon, iba na, eh. Madali ka namang mahalin. Pero pagtinging kaibigan na lang ang kaya ko’ng ibigay sa iyo.”

Hindi kaagad tumugon sa kanya ang lalake. Huminga lang ito ng malalim. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan tuloy sa kanila. Pero bandang huli, nakarating na din sila sa harap ng kanyang tindahan kaya akala niya doon na nagtapos.

Pero bago pa siya nakababa, nadinig niyang nagsalita si Egimar. “Huwag kang humingi ng pasensiya sa akin. Sa pag-ibig, kung sadyang ako at ikaw ang para sa isa’t isa, tayo at tayo pa rin sa bandang huli. Iyon lang, kagaya mo, ngayon ko lang din natanto na hindi ganoon ang tunay na damdamin ko. Dapat kanina nang umamin ka, may kudlit sana akong naramdaman. Iyong dapat masakit ang dibdib ko. Pero hindi, eh. In fact, parang gumaan lang ang damdamin ko. And I took the liberty to interpret it in so short a time na tama ka nga. So, let’s be friends, then.” Iniabot nito sa kanya ang kanang kamay nito.

Natutuwa na tuloy na inabot niya iyon. “Salamat, Egimar.”

Tumango lang ito saka na naunang lumabas pagkabitaw sa kamay niya at pinagbuksan siya ng pinto.

Pero naghihintay na roon si Je-o. Madilim na madilim ang anyo.

Hand's Off, I'm In LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora