Chapter 23: Why not DJ?

35 2 0
                                    

NEIL

Yumuko ako at dinaanan na siya. Hindi ko kaya tignan pa siya muli dahil baka hindi ko kayanin. Baka mas piliin ko nanaman ang masaktan basta makita lang siya. Tama si Kath, I also deserve happiness. Masyado na ko nagdusa kay Yanie noon, hindi pwede magdusa ulet ako dahil kay Yen.

Naglakad na ko palapit sa may pintuan ng rooftop. Naririnig ko pa sinisigaw niya ang pangalan ko. Durog na ang boses niya. Napasarado ako ng aking kamay. How come girls became my weaknesses? Ayoko na ng ganito. Binilisan ko ang aking lakad. Nakahawak na ko sa doorknob.

"Pero Neil paano kung sabihin ko gusto din kita?" Napahinto ako. Bigla ako nanghina sa sinabi niya. Narinig ko ang kanyang mga foot steps na papalapit na sa akin kaya naman binuksan ko na ang pinutan pero hindi ko siya mabuksan.

"Please hear me out!"

Hindi ko parin siya nililingon. "Ayoko. Tigilan na natin ito Yen. Mababaliwala din lahat ng yan dahil hindi na rin naman tayo magkikita muli."

"What if ayoko? What if pigilan kita sa binabalak mo?"

"Hindi mo na ko mapipigilan pa." Seryoso ang boses ko. Patuloy parin ako sa pagbukas pero ayaw talaga bumukas ng pinto. Bwiset naman bakit ngayon pa!

"Neil..."

Naramdaman ko ang biglang buhos ng ulan. Malakas ito. Damn it! Ngayon pa talaga! Nalock na nga kami sa rooftop, umuulan pa ng malakas! Hindi ko na mapigilan mapalingon kay Yen, kita ko basang basa na agad siya ng ulan.

"Sumilong ka nga dito!" Umiling siya. "Sumilong ka dito!"

Kumusot ang kilay ko. Sa may pintuan ng rooftop ay may maliit na bubong kung san nakakapit ang pader ng pintuan kaya ako nakasilong pero nababasa parin ng kaunti. Habang si Yen naman ay nasa gitna ng rooftop at hindi gumagalaw. Nakatayo lang siya dun. Naiirita na ko sa nangyayari. Hindi ko parin binibitawan yung doorknob at sinusubukan ko parin ito buksan.

"Lumapit ka dito Yen! Baka magkasakit ka pa. Anak ng. Wag ka muna pasaway!"

"Kapag ba lumapit ako sayo, papakinggan mo ba ako?"

"Hindi." Kahit wala akong choice kasi nalock na kami. Ayoko lang talaga marinig kasi baka imbis na bitawan ko siya, mas lalo ko pa siya kapitan.

"Ayoko! Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako pinapakinggan!"

"Yen naman!"

"Pakinggan mo muna ako!"

"Wala tayo dapat pagusapan pa!"

Hindi siya nagsalita ulet. Nakita ko nagigit bagang siya. Lumapit siya ng kaunti sa akin pero hindi parin sumisilong.

"Hindi ko sadya pero nahulog na din ako sayo..."

"Yen!"

"I don't know if its your corny jokes or the way you comfort me. I don't know. Alam ko nalang gusto-gusto kita makita, gusto-gusto kita makasama kaya kahit hindi kami magkaaway ni Sam gusto ko parin pumunta dito."

"Yen! Tumigil ka na!"

"Akala mo hindi mahirap sa akin nung umiiwas ka? Masakit din Neil. Gusto kita puntahan sa rooftop pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil may Sam ako. Ayoko maging unfair pero hindi ko na din mapigilan itong nararamdaman ko! Tuwing nakikita kita masaya kasama ng mga barkada mo, nasasaktan ako. Feeling ko mas masaya ka sa kanila kesa sa akin."

Natigilan ako. Yung mga panahon na pinapatawa ako nila Kath ay pamimilit na ngiti lang yun. Ito yung mga panahon napapatitig ako kay Yen na kalambingan si Sam. Ibig sabihin pinagmamasdan din niya ako?

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]Onde histórias criam vida. Descubra agora