Chapter 25: Woman In Black

45 2 0
                                    

KATH

Ilang oras palang ang tinagal ni Khalil dito nang biglang nagsidatingan na ang ibang barkada. Parang nagkaroon ng circus dito sa bahay dahil sa ingay nila.

"Sshh. Wag nga kayo masyado magulo! Baka hindi pa gumaling si Kath sa inyo eh. Lalo ninyo papainitin yung ulo sa kakaingay ninyo." Saway ni Daniel sa kanila. Bahagya naman sila natahimik. Nilingon ako ni Daniel at may inabot na gamot na may kasamang tubig. "Uminom ka na ng gamot mo."

Agad ko naman sinunod ang sinabi niya. Pagkatapos ko uminom, kinuha na niya ulet sa akin ang baso ng tubig at tska nagligpit nang pinagkainan ko kanina. Umayos na ko sa akin pwesto. Nakahiga ako sa dalawang unan na magkapatanong kaya parang nakaupo na rin ako habang sila naman ay magkakakumpol kumpol sa kabulang sofa sa tapat ko.

"Teka nga insan, kanina ko pa napansin yung kakaiba sayo eh. What's with your outfit today?" Natawa ako. Nakisabay din sa akin sila Julia.

"Dba? Sobrang nakakapanibago!" Natatawang ani Julia. Tumango naman ako sa sinabi niya.

"Ano naman nakakapanibago? Eh wala naman bago sa akin." Patay malisya pa si kuya Neil. Obvious naman malaki ang binago niya ngayon.

"Sus! Anong hindi bago? Anong tawag dyan sa porma mo? Bakit hindi ka na all black ngayon? Bakit yung pants mo hindi na yung black at masikip? Nakaplain na tshirt ka lang ngayon. Nasan na yung mga black mong tshirt o sando? Nawala na yung konting beard sa mukha mo!"

Nanliit ang mata ko kay insan. Ngayon na nabanggit ni Julia yung tungkol sa beard niya tska ko palang ito napansin. Kaya pala parang may kakaiba sa kanya. Nawala na pala yung beard niya. Kuminis tuloy tignan yung mukha niya. Mas lalo na nakita ngayon ang kagwapuhan niya.

"Tss. Mga babae talaga ang dami napapansin!" Dipensa ni kuya Neil at ningitian nalang niya kami.

"May nagbago naman talaga sayo kuya eh." Ani EJ. Tinuro niya yung maliit na kulay puti na parang wire na nakasabit sa tshirt ni insan. "Pati yung gamit mo nagbago, asan na yung headphones mo? Bakit earphones nalang ang ginagamit mo?"

Natigilan si kuya Neil at nawala ang kanyang ngiti. Napatingin siya sa akin at nang makita niya na nakatitig ako bigla siya umiwas. May kasalanan nanaman ito.

"Tell me the truth insan, what happened to you?" Seryoso ang boses ko.

"Okay, okay." Tinaas niya ang kanyang mga kamay na nagsisimbolo nagsurrender na siya. "Ang totoo niyan, kanina lang naman itong pagbabago. Nagsimula na kami sa shooting at ito ang inayos sa akin. Nagustuhan ko siya kaya pinanindigan ko nalang."

"Hmm... Bagay mo naman sayo ang ganyan kuya eh." Singit ni Aria sa amin.

"Teka, teka." Napa-upo ako bigla. "Nagsimula na ang shooting mo ngayon? Nag-iba ka ng grupo o si ate Yen ang nagayos sayo?"

Hindi na makatingin ng diretso si insan sa akin. I knew it! Mejo kumulo ang dugo ko.

"Insan!" Saway ko agad sa kanya.

"I know Kath!" Pagpigil niya sa sasabihin ko. Alam niya na magagalit ako pero tinuloy parin niya. Nakakainis naman! "Pwede ba pakinggan mo muna ako?"

"Osige. Talk!" Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.

"Alam ko may usapan tayo at willing naman ako gawin talaga yun kasi alam ko tama naman lahat ng sinabi mo sa akin. Pero hindi ko naman ineexpect na ganito ang mangyayari."

"Hinayaan mo kasi ganyan ang mangyayari." Mejo tumaas na ang boses ko. Napatahimik sila Aria at EJ sa paguusap nila. Si Daniel at Khalil nasa may kitchen hindi ko alam kung ano ginagawa pero wala man ako paki kung makikikinig sila sa amin ngayon.

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon