Chapter 28: Friends

47 2 0
                                    

DANIEL

"Magkakilala kayo?" Napatayo ako sa gulat. Feeling ko pinagpapawisan pa ko ng malapot. Sobra-sobra na ang kabog ng aking puso pero hindi ko pinahalata sa kanila na sobra na ko kinakabahan. Sila magkakilala? Hindi pwede 'yun!

"Yes! She's my bestfriend!" Kumalas na sila sa pagyayakapan nila at sabay pa ako nilingon. Tuwang-tuwa si Zharm habang tinuturo si Kath. Napalingon naman ako sa kanya at pilit niya ako ningitian. Gusto ko pa sana magsalita, gusto na sila paghiwalayin at ilayo si Zharm kay Kath pero binuka ko palang ang aking bibig ay nagkaharap na ulet ang dalawa sa isa't isa at nagkaroon na sila ng sarili mundo. Mas lalo ako kinabahan. Hindi na ko mapakali. Pinupunasan ko ang aking noo dahil ramdam ko ang laming ng aking pawis.

"Omg! I can't believe magkikita ulet tayo! It's been a year!" Ani Zharm. Hindi na nawala ang ngiti sa kanyang mukha.

"Oo nga eh. Simula nang pumunta ka sa states hindi na tayo nagkakausap. Super namiss kita!"

Nagkangitian at yakapan ulet ang dalawa. Nagkunwari ako na-ubo para makuha ko ang atensyon nila. Napalingon naman sila sa akin pero wala na ko maisip na sasabihin to distract them. Dahil sa sobrang kaba ko, hindi na rin ako makapagisip ng maayos. Napayuko ako para tignan ang barkada at lahat naman sila ay nakatingin sa akin. Figuring out kung ano na nga ba itong inaakto ko.

"Uhm," Umiwas ng tingin sa akin si Julia at nilingon sila Kath. "Magkilala kayo? Paano nangyari yun?"

"Ay oo!" Masayang sabi ni Zharm. Lumapit na ulet sila sa amin at bumalik na sa kanilang mga pwesto. Nakangiti parin si Zharm sa barkada. "Bago ako tumira sa states, dito ako sa Pinas at Kath was one of my classmate back then and my bff."

"Bff?" Sabay sabay na tanong namin mga lalaki. Sila Aria at Julia naman ay napaawang ang bibig. Hindi makapaniwala sa mga naririnig.

"Paano nangyari yun?" Tanong ni EJ. Salit-salit ang tingin niya kay Zharm at Kath.

Bumuktong hininga muna si Kath bago nagsalita.

"Bago ko pa kayo mameet. Si Zharm ang lagi kong kasama. Nagkahiwalay lang din kami nung naaksidente ang parents niya and sinabi na she have to stay in states for good. And..." Napayuko siya at bigla pinaglaruan ang kanyang mga daliri. "She's also my savior too. She's my hero kaya din kami naging magkaibigan."

"What? Paano nangyari iyon?" Tanong ni Khalil

"Yes!" Bahagya na tumawa si Zharm at pumapalakpak pa. "Lagi kasi nabubully si Kath noon sa dati namin school. Lagi siya inaasar na sakang dahil sa legs niya. And that time hindi siya marunong lumaban. She always cry. Syempre, nairita ako kapag lagi ko siya nakikita na nakakawawa kaya one time pinagtanggol ko siya. Sinabi ko buti pa legs niya kahit sakang, makinis at maganda ito. Hindi katulad ng mga mukha nila na kulubot sa dami ng pimples!" Bahagya napatawa. "Kaya simula noon, lagi kami magkasama. Wala na nagtangkang mang-away sa kanya."

"Nang dahil din kay Zharm kaya ako natuto lumaban." Duktong ni Kath. Hindi parin niya kami nililingon. "Noong nalaman ko na aalis pala siya, grabe takot ko noon. Sabi ko paano nalang kapag nilapitan na ulet ako ng mga bully, wala na magliligtas sa akin. Pero pinagsabihan niya ako. Sabi niya, kahit may takot ako nararamdaman kailangan ko ipakita na malakas ako para hindi nila ako kaya patumbahin. Simula din na nawala si Zharm, wala ako kinaibigan. Sinubukan ko maging malakas para sa sarili ko but then I failed. Mas madami parin nang bubully sa akin na nagiging kawawa na ko sa school. That's why napagdesisyonan nila papa na palipatin ako ng school. And dun nila ako nilipat sa school ni insan para may kasama ako at to be sure na wala mangyayari sa akin masama. Dun ko na din nakilala sila Julia and EJ. And because of them tska ko narealize na I can't be strong for myself atleast I can be strong for the people I love. Nakikita ko din kung paano nabubully sila Julia. And wala nagtatanggol sa amin kaya I stand for myself. And simula noon, naging malakas na ko. Ako na din taga pagtanggol nila Julia."

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon