Chapter 01- That Girl

22.8K 519 74
                                    

*LIGHT'S POV*

SHIT!

Nakikita ko na siya at papasok na ang babaeng iyon sa classroom namin. Hindi ko alam pero kapag nakikita ko siya ay nagpa-palpitate ako. Naiinis ako sa kanya...ang kanyang hitsura, kilos, pananalita, paglakad, pagtawa, pag-iyak. At kahit ang simpleng pagkurap ng kanyang mata ay nakakainis para sa akin!

Matigas, dry at parang binagyo ang buhok niyang hanggang balikat niya. Wala yata silang plantsa sa bahay kaya laging gusot ang uniform niya. Para siyang...hindi naliligo. Napakabagal niyang kumilos lalo na ang pag lumalakad siya na akala mo ay tamad na tamad sa buhay. Pag nagsasalita siya akala mo nagpapaawa. Laging nakabulong! Mahilig siyang matulog sa klase lalo na kapag Math at English ang subject.

She's...slow. That's why I hate her! Walang kaayusan sa sarili. Hindi tulad ko na kahit lalaki ako ay napaka-organize ko.

"Good morning, chums!" naka-spread pa ang arms na bati niya. Nasa harapan siya ng klase.

Tss. Parang bata!

Wala namang pumapansin sa kanya hanggang sa umupo siya sa pinakaunang row. Napapangiwi ako habang nakatingin sa bag niya na ang design ay si Pororo.

"Mr. Light Forbes, nakatingin ka na naman kay Miss Winona Fontelar," nakangising sabi sa akin ng kaibigan kong si Apple or Apolinario. Bantot talaga ng pangalan niya kaya Apple na lang. He's with Bloody or Vladimir Jason. His nickname suits him. Bloody...mysterious at tahimik like vampires.

Our schoolmates tag as the "LAB BOYS" dahil lagi kaming magkakasamang tatlo since elementary pa. Rich, handsome at matatalino rin naman kaya kilala talaga kami.

Tiningnan ko ng masama si Apple. "Stop it, bro! Naiinis lang ako sa kanya. Look at her...she's annoying for me."

"Kahit wala siyang ginagawa sa'yo?" Bloody asked.

"Exactly. Kahit wala siyang ginagawa sa akin, i hate her."

"Then, you are in love with her!" he declared.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Hell no!"

"Hell yes!" nakangisi at sabay pa nilang sabi.

Umiwas na lang ako ng tingin at hindi na nagsalita pa.

Stupid You, Stupid MeWhere stories live. Discover now