Chapter 05- I'm Not Jealous!

12.7K 359 41
                                    

*LIGHT'S POV*

PAGOD na pagod na ibinagsak ko ang aking katawan sa kama ni Winona. Nakakapagod ayusin ang linisin ang kwarto niya. Napakaraming bagay ang itinapon ko na hindi naman kailangan na. Mga nagpapasikip lang.

Ang laki na ng ipinagbago ng kwarto niya kumpara nang una ko itong makita.

Bigla akong hinila ni Winona sa braso. "Ano ka ba, Light... Ginugulo mo ang kama ko!"

Bumangon ako. "At ikaw pa talaga ang may ganang magsabi niyan, ha!" sabay ngisi ko.

Nag-pout siya. Cute din naman kahit tanga.

Bumukas ang pinto at pumasok si Lola. Kita ko sa kanyang mukha na na-amaze siya nang makita ang pagkakaayos ng kwarto ni Winona. Mukhang sa buong buhay niya ay ngayon lang niya nakitang maayos ito. "Aba, ang ganda na ng kwarto ng apo ko! Ikaw ba Light ang nag-ayos?"

Si Winona ang sumagot. "Yes, Lola! Ang galing-galing po ni Light."

"Baka naman bukas magulo na naman 'to. Maswerte ka at may jowa ka na tulad ni Light..."

"Hindi kami mag-jowa!" sabay na sigaw namin ni Winona.

Iwinasiwas ni Lola ang kanyang kamay bilang 'di pag sang-ayon sa sinabi namin. "Magtigil nga kayo, mga damuho! Ito bang si Light ay mag-aabalang pumunta dito kung hindi kaya mag-jowa!" at kinikilig na humagikhik pa ito. "Ay, oo nga pala, kumain na tayo. Dito ka na mananghalian, Light...at nagluto ako ng sinigang na baboy."

Nagkatinginan na lang kami ni Winona.

- - - - -

MASARAP ang pagkakaluto ni Lola ng sinigang kaya ganado akong kumain. Bihira kasi na magluto ng ganito ang maids namin sa bahay.

"Kumain ka pa, Light. Hindi ka uuwi ng 'di ka busog," paalala ni Lola.

Stupid You, Stupid MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon