Date Published: May 11, 2017
Date Re-Published: June 21, 2020CHAPTER 30.
KYRA'S POV
Nandito na kami ngayon sa training house. Agad naman akong tinawag ni tito Andres at nagpaliwanag.
"For you have good strength, you need to jog every day in the morning. It starts at 5 pm." Sabi niya sa'kin.
"Every day? Ginagawa ko na po 'yon simula nang dumating si kuya dito." Komento ko naman at tumango si kuya.
"I see. Hula ko ay mas maganda nga kung si Denny ang magbabantay sa'yo." Tuma-tangong saad ni tito Andres.
"Pero kapag na-late po ay walang punishment diba?" Tanong ko naman at napatingin kay kuya.
"Do you really want to know, little sister?" Tanong niya sa'kin at tumango. Hindi naman ata gano'n kalala 'yon diba?
Napatingin ako kay Andrew nang tinuro siya ni kuya.
"Babaliin ko 'yung buto mo." Seryos niyang saad sa'kin. Nanlaki naman 'yung mata ko dahil do'n.
"O-okay. Tama si kuya, kaya nag a-alarm ako lagi eh.." Sabi ko naman. Napangiti naman silang lahat.
"Andrew?" Tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa'kin.
"Yes?"
"Kain tayo sa Monday sa mall." Pag-aya ko at tumingin siya kay Chase.
"As long as there's no monkey business, that's fine. Kain lang walang landian." Napangiti ako nang pumayag siya.
"Sama ka na lang kaya saka si Andrei. Tutal, birthday naman ni Andrew 'yon." Suhestyon ko naman sa kanila.
"Sure. Mas maganda nga naman kung gano'n. At least, mas madami ay mas masaya." Sagot naman ni Andrei.
"Sure. I like that." Sagot naman ni Chase at mas lalo akong napangiti.
Time ko na din 'yon para bumili ng regalo para kay kuya. Gusto kong mag-bigay naman sa kaniya kasi lagi niya kong binibigyan ng regalo.
"Ano gagawin po ngayon dito?" Takang tanong ko naman. Lumapit naman sa'kin si Chase.
"I'll teach you on how to use a sword." Sabi niya sa'kin at sinensyasan niya kong sumunod sa kanya. Bago pa kami makapasok ay nagsalita si kuya.
"Do something funny to my sister, I'll kill you. I'm warning you, Salvador." Banta ni kuya.
"Don't worry, I'm her bodyguard so, she's safe with me." Sagot ni Chase.
Nang pumasok kami sa isang kwarto ay nakita kong punong-puno ng mga ispada ang kwartong kinabibilangan namin ngayon.
"I'm Chase Callen Serenade and I'm a sword expert. Ituturo ko sayo lahat ng mga kailangan mong malaman." Sabi niya sa'kin.
"Don't worry, since I was six, maalam na ko sa mga ispada at marunong na kong gumamit."
Medyo kinabahan naman ako dahil sa ngayon ko lang napansin na malapit na pala kami sa isa't isa.
"L-lumayo ka ng konti please." Kabado kong saad. Pero hindi niya ko pinakinggan. Mas lalo niyang nilapit ang sarili niya sa'kin at tinitigan ako ng direkta sa mga mata ko.
"For you to win in a close combat battle, dapat masanay ka sa ganito kalapit." He said using a husky voice.
Argh. Is he seducing me? Takang tanong ko naman sa isip ko.
BINABASA MO ANG
I'm The Lost Daughter of the Mafia Lord
Teen FictionI'm Kyra Dorothy Elaine Ventura and I'm the lost daughter of the mafia lord. ~~~~ Kyra is a scholar in a well-known university. She has no idea that she was adopted by her so-called parents. Ano ang mangyayari kung malalaman niyang ampon lang siya...