Chapter 37.

2.4K 47 7
                                    

Date Published: June 29, 2020

CHAPTER 37.

KYRA'S POV

Nagising kami ni Chase nang may narinig kaming mga putok ng baril mula sa labas. Agad kaming tumayo ni Chase at nakita ko siyang kumuha ng baril.

May kumatok sa pintuan at nilapitan 'yun ni Chase. Sumilip muna siya at saka niya binuksan ang pintuan. Nakita ko sila sir Charles at Chance.

"Sinusugod tayo ng mga Carson!" Balita ni Chance. Nakita ko namang sumeryoso si Chase at napatingin sa'kin.

"Elaine, let's go. I'm going to take you out of here." Hinawakan ko si Chase sa kamay niya nang inilahad niya 'yun.

Aalis na sana kami nang may dumating na apat na lalaki at tinapatan kami ng baril. Hindi gumalaw sila Chase at nakita kong masama siyang nakatingin sa apat.

"Kunin na 'yung babae at dalhin kay boss!" Utos ng isa at kinuha ako ng dalawang lalaki. Hinila na nila ako palayo mula sa doon.

Pagkadating namin do'n sa sala ay nakita ko si papa at nakatutok ang baril niya do'n sa isang lalaking nakaluhod sa harap niya.

"Papatayin mo ang boss namin, papatayin din namin ang anak mo." Napatingin si papa sa direksyon nang nagsalita 'yung isang lalaking nakahawak sa braso ko.

"Bitiwan niyo ko! Papa, patayin niyo na po siya. Ayos lang ako!" Sigaw ko kay papa. Ayos lang kahit na patayin nila ako basta matalo niya ang kalaban niya at mapaghiganti niya si mama.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong kumilos 'yung lalaking nakaluhod sa harap ni papa. Kinuha niya 'yung baril ni papa at binaril niya ito.

"Papa!" Sigaw ko. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil sa nakita ko. Parang naging blanko ang lahat.

Nandilim ang paligid ko at hindi ko na alam kung ano ang mga ginagawa ko. Hindi ko alam o hindi ko kilala kung sino ang mga sinasaktan ko ngayon.

Ang alam ko lang ay gusto kong pagbayaran nila ang ginawa nila kay papa. Sinaktan nila si papa kaya sasaktan ko rin sila.

Hindi ako makakapayag na makakaalis sila dito nang buhay. Sinaktan nila si papa kaya kailangan nilang pagbayaran ang kasalanang ginawa nila.

"Tama na, ate. Wala nang kalaban." Sabi sa'kin ni Xena. Napatigil ako sa kung ano ang ginagawa ko at bumalik na ulit ang paningin ko.

Napalingon ako sa direksyon ni papa at nakita kong nakahiga siya sa sahig habang nag-aagaw buhay. Tumakbo ako palapit sa kaniya at hinawakan siya.

"Papa, please. 'Wag mo po akong iwan." Napaluha na ako dahil ayokong mawala siya. Ayokong mawalan ulit ng magulang. Nakita kong ngumiti si papa sa'kin.

"Don't worry. I won't leave you." Nakangiting sagot niya sa'kin at hinawakan ako sa pisnge. Hinawakan ko rin ang kamay niya at nakita ko si Lauren na may dalang medical kit.

"Kailangan ko ng tulong. Kailangan ko siyang pahigain sa kama o sa sofa ng maayos." Pagkasabi ni Lauren no'n ay agad na lumapit sila tito Tan at binuhat ng dahan-dahan si papa pahiga sa sofa.

Inumpisahan nang gamutin ni Lauren ang paggamot sa sugat ni papa. Napayakap ako kay Chase dahil sa nangyari. Umiyak ako sa dibdib niya.

"Mr. Valentine is a strong guy, Elaine. He's not going to give up that easily. Don't worry." Bulong ni Chase sa'kin.

"Malakas si tito. 'Wag kang mag-alala, Ky." Rinig kong saad ni kuya Roderick. Tumango na lang ako sa kanila.

THIRD PERSON'S POV

Nandito ang isang miyembro ng Bucket at naka-sniper. Nakatapat ang baril niya sa ulo ni Marcus. Nang babarilin na niya si Marcus ay biglang...

"Hoy!" Nagulat ito at nabaril niya lang ang kamay ni Marcus kaya nabitiwan nito ang baril na hawak niya at nakatakas na.

Tinignan ng masama ng lalaki 'yung kasama niyang nanggulat sa kaniya. Napatawa ng kabado 'yung kasama niya dahil sa nangyari.

"S-sorry, René. Hindi ko sinasadiya." Kabadong saad ni Meanne pero masama pa ring nakatingin sa kaniya si René.

"Damn you, Meanne. I already got him tapos bigla mo kong iistorbohin." Galit na saad ni René at inayos na niya ang gamit niya.

"René, good job. Hayaan mo na kung nakatakas siya. Ang mahalaga ay natulungan natin ang mga Valentine." Saad ng isang babae sa ear piece.

"Babawi tayo sa mga Valentine dahil sa maling nagawa natin noon. I can't believe na nauto tayo ng mga Constantine." Hindi makapaniwalang saad ng isang lalaki.

"Let's go, René." Sabi ni Meanne at inalalayan niyang tumayo si René mula sa kinauupuan niya. Bumaba na sila mula sa balkonahe ng isang bahay at pumunta sa bahay ng mga Valentine.

KYRA'S POV

Nasa loob ako ng kwarto ni papa at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay. Hawak ko ang kamay niya ng mahigpit.

"Nasaan si kuya Denny?" Takang tanong ko kay Kurt. "Umalis siya kanina para puntahan ang girlfriend niya. Tatawagan ko po ba, Ms. Kyra?" Umiling ako.

"Mas kailangan siya ng girlfriend niya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero hayaan mo na muna siya doon." Sagot ko.

"Ayos lang ba siya, Lauren?" Tanong ko sa kaniya. Tumango siya at ngumiti. "Don't worry about him. Hintayin na lang natin siyang magising." Sagot niya.

"Ms. Kyra, may nagha-hanap po sa'yo." Napalingon ako sa direksyon ni Chance at tumayo na mula sa kinauupuan ko.

"Ikaw na ang bahalang magbantay kay papa, Kurt." Sumaludo siya at naglakad na ko palabas mula sa kwarto at sinara ang pintuan.

Bumaba na ko sa hagdan at may nakita akong grupo ng mga tao na nakatayo malapit sa pintuan. Hindi ko sila kilala pero kasama nila si lola.

"Lola? Ano po ang ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanilang lahat. Bakit sila nandito ngayon? May nangyari din ba?

"Apo ko. Masaya akong makita ka ulit." Malambing niyang bulong sa'kin. Ngumiti ako sa kaniya at hinalikan niya ko sa noo.

"Mrs. Sarina Orchard Bucket - Ms. Sabrina's mother." Saad ni tito Tan. Pinunasan ni lola 'yung luha ko.

"How are you? Are you oka? Bakit ka naiyak? May masakit ba sa'yo?" Hindi ako sumagot sa kaniya dahil naalala ko 'yung nangyari kay papa.

Nakita ko naman lumingon-lingon siya na para bang may hinahanap siyang tao. Binalik niya sa'kin ang tingin niya.

"Where's Rozen?" Takang tanong niya. Mas napaluha ako. "Nasa kwarto niya po. Wala pa pong malay dahil nabaril siya."Sagot ko.

Pinunasan niya ulit ang luha at nakita kong nag-alala din siya. Napalingon siya sa mga kasama niya.

"Saan pumunta ang Marcus na 'yun?" Mariing tanong ni lola sa mga kasama niya. "Naka-alis na siya and I think babalik na siya sa base natin na ninakaw nila." Sagot ng isa.

"We're going to wait for Rozen to wake up. Kailangan natin siyang maka-usap muna." Sabi ni lola. Nakita ko naman na lumabas sa hardin si Chase kaya sumunod ako sa kaniya.

•••• END OF CHAPTER 37. ••••

Note. Malapit na pong matapos 'to. Thank you for reading. :)

I'm The Lost Daughter of the Mafia LordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon