PART 1

6.8K 90 4
                                    

Tao ka lang, nasasaktan, umiiyak , nagkakamali but that doesnt mean na tanga ka.. never naging tanga ang mga taong pinili lang magmahal, mas tanga yung mga taong minahal mo na nga nagagawa pang umalis. Maraming dadating, maraming mang iiwan pero wag mong hayaang baguhin non yung perception mo about love..

Wag kang tumigil magmahal .. kahit masakit, kahit nakaka stress, kahit parang pinaglalaruan ka ng tadhana.

Kasi at the end of the day dadating parin yung taong nakatadhana para sayo, hindi man sa ngayon pero malay mo bukas andiyan na siya sa harapan mo hindi mo lang alam.

-----

I was born male na nakulong sa katawan ng isang babae. Simula nung una palang alam ko na sa sarili ko na I'm not into boys, never akong naattract sakanila, pero I love playing with them don't get me wrong.

I'm Maria Tiffany Dela Cruz.
Tama kayo ng basa sa ganda ng pangalan ko aakalain nyo bang attracted ako sa girls? Haha.

I was in Grade 5 nung maramdaman kong iba ako, I mean I hate barbie dolls, never akong natuwa sa mga pink dress at kung anu ano pa. I was confused that time, identity Crisis? I don't know, hindi ko alam kung ano at sino ba talaga ako. Yun din yung time na kinausap ko yung Mommy ko, at first sabi niya baka nalilito lang ako, baka isa lang to sa mga phase na pinagdadaanan ng mga bata na nagdadalaga na. I doubt it, alam ko, nararamdaman ko na iba to. Iniisip kong hindi ako normal, ano nalang ang sasabihin ng Daddy ko kapag nalaman niya na I'm into girls sigurado magagalit siya at yun yung kinakatakot ko.

Naalala ko pa nga nung nag out yung Kuya ko, hindi ko nga mabilang kung ilang suntok at sampal ang inabot niya kay Daddy para lang magpaka lalaki siya.. Kaso wala ganun daw talaga siya, at hindi daw niya babaguhin yung sarili niya dahil hindi siya matanggap ng sarili niyang Tatay. Ako? magiging ganun din ba ako katapang? Ipaglalaban ko din ba yung totoong ako?

Nung maka graduate si Kuya ng College agad na siyang umalis ng bahay at nag stay nalang sa Tita namin sa U.S para dun ituloy ang Masters Degree niya at dun narin magtrabaho. Sabi niya sakin ayaw naman daw niya akong iwan, kaso ayaw daw niya ng drama, baka lagi lang silang mag away ni Daddy.

Ako yung naiwan sa Parents ko
Actually hindi ko rin naman sila maramdaman sa bahay, lagi silang wala
Halos once a week ko lang sila makita dahil sa dami ng business na inaasikaso nila. Kaya yung yaya ko na yung naging Nanay at Tatay ko at the same time, siya yung nag aalaga sakin, naghahatid sa school, nagluluto at kung anu ano pa. Sinama rin namin siya nung kinailangan naming pumunta ng America dahil kailangan ko ipagamot. Sabi ni Yaya sakitin daw talaga ako kaya naman alagang alaga niya ko.

--------

Average Student lang ako, di ko nga sure kung average o below average haha. Nakakasagot naman ako sa mga exams, seat work at recitation hindi lang siguro ako ganun kagaling unlike Kuya na Magna Cum Laude nung College, Valedictorian nung Elem at Highschool. Pagdating sa grades lagi kaming pinagkukumpara ng Dad ko, bakit daw di ko gayahin ang Kuya ko na matalino, bakit daw sinasayang ko yung pang tuition blah blah, something like that. Nasanay narin ako everytime na sesermunan niya ako sa tuwing makikita yung class card. Anong magagawa ko eh hindi nga ako matalino tsk.

Pumapasok nga lang ako para lang makita yung long time crush ko. Natutuwa ako kapag nakikita siya eh, siya yung kaisa isang dahilan bakit pako nagaaral, tamad talaga ako. Ilang beses na nga ako pinag tutor ni Mommy pero hindi daw ako nakikinig.

But with Angela? Kapag andiyan siya the world just stops. Nagiging exciting ang mga lessons kahit na gaano pa ka boring magturo nung Teacher, nakakasagot ako sa mga tanong dahil nakikita ko kung gaano siya kadedicated sa pag aaral.. nakaka inspire lang sobra.

ANGELA RIVERA

Miss Intrams

Miss Campus Fashionista..

President ng Glee Club

Madalas siyang mag perform sa stage, minsan kumakanta, sumasayaw..

Matalino

Maganda

Mabait

kaya naman hindi na nakakapagtakang sikat siya sa buong campus..

crush ng bayan kinahuhumalingan ng mga kalalakihan at katomboyan..

kinaiinsecuran naman ng mga kababaihan at kabaklaan.

pero sa kabila ng pagiging sikat niya nanatili parin siyang down to earth yung tipong marereach mo parin siya kahit na Miss Popular ang loka.

yan din ang isa sa libo libong dahilan kung bakit deds na deds ako sakanya.

Thankful naman ako kay Lord kasi hindi niya kami pinaglalayo lagi kami classmate since elementary to highschool meant to be together ata kami haha.

heart without a beat (Tiaom Fan fiction) EditingWhere stories live. Discover now