PART 42

1.2K 43 44
                                    


Author's Note

Nababasa ko lahat ng mga messages at comments niyo. Kung di man po ako nakakareply ay dahil tulad niyo lang din po ako. may iba pakong buhay, bukod sa wattpad ay Estudyante din po ako, Nagaaral at Nagtatrabaho para sa ikakaunlad ng Pilipinas haha.

Salamat, Salamat kasi matiyaga niyong hinihintay bawat update ko kahit abutin ng siyam siyam.

Vote.Comment.Follow


Supermaine07

________________________________

Marti's Pov

Mahal gusto ko nang bumitaw, hindi dahil hindi na kita mahal o may iba ng nagmamay-ari ng puso ko. Alam mong hindi ko kailangan ng iba dahil sa mga ngiti mong mapang-akit ay nakukuntento na ako..

Mahal.. gusto ko ng iwan ka.. hindi dahil pagod na ako at sobra nakong nahihirapan.

Kaya ko pa namang lumaban eh, kaya ko pang ipaglaban yung pagmamahal ko para sayo di man nasusuklian..

Pero mahal ako na mismo ang bibitaw.. ako na mismo ang lalayo..

Ako na mismo ang tataliwas sa mga pangakong binitawan ko..

Mahal ako nalang ang magpaparaya.. ako nalang ang magpapatalo..

Dahil ano pa nga bang ipaglalaban ko kung pati ikaw hindi kayang hawakan ang mga kamay ko.

_________________________________________________________________________

"Please Marti.. magbreak na tayo.."

Tinanggal niya yung mga braso ko na nakayakap sakanya, "Pagod na ako.."

Kasabay nun ay tuluyan na siyang naglakad palayo sakin.. Bakit siya napagod?Anong nagawa ko para sukuan niya ako?Bakit kailangang ganito kasakit?gustuhin ko mang habulin siya ay mismong mga paa ko na ang sumuko. Hindi na ito tumigil sa panginginig

Tuloy parin sa pag-agos ang mga luha na puno ng sakit at tanong.. tanong kung bakit at saan paba ako nagkulang?Hindi paba naging sapat?Binigay ko naman lahat lahat sobra na nga eh.. Pero bakit sa huli ako nanaman yung nasasaktan.

Nanginginig na ang mga tuhod ko. Batid kong magiging ganito ang reaksiyon nya.. ngunit naging makasarili ako at umasang babaligtad ito sa inaasahan ko. Pinilit kong maging kalmado kahit pa nagpupumiglas na ang puso ko sa sakit.

Natulala nalang ako.. hindi ko na alam kung nasa tama paba akong pag-iisip, halos manlabo narin ang paningin ko dahil sa mga luhang bumabalot ngayon sa mga mata ko.

Mahina ako sa direksyon Saan nga ulit ako nagkulang? Saan ako nagkamali? At saan ako pupunta pagkatapos nito.

naramdaman ko nalang ang pagtapik ni Andi sa likod ko.

"Pre? Hayaan mo na muna siya.. " malumanay niyang payo sakin.

Hindi ko gawain ang yumakap sa iba.. pero ngayon yun lang yung nagawa ko.

Niyakap ko si Andi at sa mga braso niya ako umiyak ng umiyak.. Daig ko pang batang inagawan ng candy ng kalaro niya.

Simula nung umpisa hanggang ngayon siya at siya lang ang dahilan ng bawat ngiti ko.. at ngayon siya narin ang dahilan ng kalungkutan ko..

"Magiging ok din lahat.." naramdaman ko ang paghagod ni Andie sa likod ko.. masarap sa pakiramdam na sa panahong lugmok ka ay may kaibigang dadamay sayo.

heart without a beat (Tiaom Fan fiction) EditingWhere stories live. Discover now