Chapter 8

46.8K 1.4K 31
                                    

"I'm Violet, nice to finally meet you Lady Keya"

"Keya nalang" tumango naman siya

"Kung ayan ang gusto mo, Keya"

Tatlong araw akong absent

dapat after ko kinuha yung gamit ko ay papasok na ako kinabukasan pero tinatamad pa ako. Buti nalang pinayagan ako ni Miss Violet

Tinuro niya ang office ni mom dati Malaki ito at kompleto sa gamit, napansin ko rin na puro bago ang lahat at sakto sa gusto ko ang itsura ng opisina

"Eto ang magiging opisina mo simula ngayon, may extra nadin na kama sa loob na pwede mo tulugan kung gusto mo mag pahinga at meron ka narin sariling cr para hindi kana lumabas. Pinagawa ito ng mommy mo"

Expected ko na kay mom yon. Gusto ni mom na ibigay sa akin ang lahat ng gusto ko habang si daddy naman ay hindi. Diba parang baliktad? Dapat tatay ang nagbibigay lahat ng gusto ng anak habang ang nanay naman ang umaayaw

"kung may gusto ka pang ipa dagdag ay sabihin mo lang sa akin para maitawag ko na"

Umiling ako

"Hindi na, ok na lahat, pero pwede bang sa susunod nalang na araw ako mag umpisa"

"Sinabi nadin sa akin ng mga magulang mo kung anong gusto mong gawin ay ayon ang masusunod, kaya pwede naman. Ang kailangan mo lang naman gawin ay tignan ang University. Kami na bahala sa mga papel na kailangan ayusin"

Ngumiti ako

"Salamat"

Siya yung sinasabi ni Dad na tutulungan ako sa lahat ng bagay, siya ang tumatayong Dean dito sa Garcia University , kung wala siya hindi magiging ganito ang Garcia. Matagal na din siya kakilala ng mga magulang ko kaya labis ang tuwa niya na makita niya na ako

lumabas na kami sa opisina at pumunta naman sa isang room. Sumunod lang ako at laking gulat ko ay puno ng mga nagtuturo dito sa Garcia ang nasa loob

"magandang hapon, Lady keya" ngiting sabi nila

Lagpas 20 ata ang nandito. Awkward na ngumiti nalang ako

"Keya nalang"

"Simula ngayon siya na ang hahawak sa Garcia University" sabi ni Ma'am Violet

Tumango tango naman ang iba

"Request ko lang sana na wag niyo ibahin ang trato niyo sa akin. Tsaka sana wala makaalam na ako muna ang mamamahala dito. Tratuhin niyo ako na parang isang estudyante lang"

"Kung iyan ang gusto mo gagawin namin" Sabi ni Miss Violet

Sumangayon naman ang iba. Mababait sila. Yung iba mukhang strikto pero mabait naman

Ilan habilin pa ang sinabi sa kanila ni Ma'am violet bago siya tumawag ng isang tao. Tumayo naman ang isang lalaki at pumunta sa harapan ko, mukha siyang strikto

"Siya ang magiging Adviser mo, keya"

"Kinagagalak kita makilala"

Ngumiti lang ako at bumati

Tumingin sa orasan si Ma'am Violet

"Mauna na kayo sa classroom niyo, sir Santos."

"Yes"

tumango sa akin si Miss Violet kaya sumunod na ako kay Sir

Tahimik lang kami ni Sir habang naglalakad,alam ko naman na hindi siya gaano ka friendly at ayaw ko rin naman magsalita kaya tahimik nalang kami na naglalakad

Gangster Queen Meets The Mafia Boss(UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon