Chapter 7

48.3K 1.5K 26
                                    

"I look everywhere for you, love"

Deretso lang ang tingin niya sa akin. Walang emosyon ang mukha nito at nakatingin sa akin, tinignan niya ang buong mukha ko na para bang kinakabisado niya

Teka nga.. Sino ba to?

"sino kaba--" diniinan niya ang hawak sa bewang ko kaya sinamaan ko siya ng tingin

Nilapit niya ang bibig sa tenga ko

"Talk and I'll kill you" malamig na bulong niya

Sasagot pa sana ako ng mapansin kong hindi kami nagiisa. May isang babae na nakatingin sa amin na gulat at may halong sakit sa mukha nito

"I'm with my girlfriend now, leave"

"Pero Stefen--"

"ano bang mahirap sa hindi na kita mahal, Rachel? Umalis kana nakakaabala ka sa amin" malamig na sabi nito

Nakatingin lang ako sa kanila. Palipat lipat. Etong may hawak sa akin nakatingin lang sa babaeng malapit na umiyak

Tinignan ako ng babae

Tinitigan ko lang siya pabalik, umiling iling ito at tumingin ulit dito sa katabi ko

"hindi... Hindi.... Mahal mo pa ako, Stefen, hindi ko talaga sinasadya ang nangyari, hindi ko ginusto yon"

Umiyak na nga siya

Wala atang balak magsalita itong katabi ko. Hinawakan ko yung kamay niyang nakahawak sa bewang ko para makaalis na sa kadramahan nila pero hinigpitan niya lang ito at sinamaan ako ng tingin

Sinamaan ko din siya ng tingin

"bitawan mo ko"

"sabi ng wag magsalita eh" madiin na sabi nito

Ako pa talaga?

"paalisin niyo na yan babaeng yan"

Kala ko ako yung kausap pero may lumabas na dalawang lalaki, isa nakangisi yung isa naman ay nakapamulsa

"H-hindi na kailangan.. Pero tandaan mo Stefen, babawiin kita at walang ibang babae na kaya kang mahalin bukod sa akin" Sabi niya at tinignan pa ako ng masama bago tumalikod

Anong ginawa ko sayo?

Nang mawala na siya sa paningin namin ay hinawakan ko yung kamay na nakahawak sa bewang ko at padabog na inalis yon

"woah" Tuwang sabi ng isa sa kanila

"Sino kaba ah?"Iritang tanong ko

"Hindi mo na kailangan malaman" nilagay niya ang kamay sa bulsa

"Bro, ang ganda naman ng girlfriend mo" Sabi ng kasama niya

"Hindi niya ako girlfriend" Matigas na sabi ko

Tumawa lang ito sa sinabi ko

"What's your name" tinignan ko siya, walang emosyon lang ang mukha niya habang nakaupo don sa motor na katabi ng sa akin

Wait... Sa kaniya yan?

"Hindi mo na kailangan malaman" Gaya ko sa sinabi niya at inopen ang upuan ng motor ko at nilabas ang tali, buti nalang may nakatago si kuya France dito

"woooaahh, bro narinig mo yun?"

"oo, bro"

Nakaupo lang siya sa motor habang pinapanood ang ginagawa ko, maganda yung motor pero nung malaman ko kung sino may ari, ay wag na pala

"Miss, kung ako sayo binigay mo na pangalan mo" sabi ng kasama niya

"I don't talk to strangers" bagot na sabi ko

Gangster Queen Meets The Mafia Boss(UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon