its my birthday today kaya napag desisyonan ko mag update, sorry dahil hindi ako nakapag update ng one week? Busy lang ehh
Enjoy reading!
____________
Walang lumabas sa bibig ko, anong sabi niya? Ako gusto niya makilala?Nakatingin lang siya sa akin, wala parin emosyon pero ang mga mata niya ay hindi umaalis ang tingin sa akin kanina pa
Wala naman akong problema dahil sanay na ako, hindi ako natatakot sa tingin niya
Na wi-weirduhan, oo
Takot... hindi
Napatingin ako sa likod kung saan may dalawang lalaki na naguusap, halata ang irita sa mukha nung isa pero napatigil ng mapatingin sa gawi namin
Naalala ko sila
Sila yung nasa mall na kasama ni Stefen
Pumunta sila sa tabi ni Stefen na hindi man lang tumingin sa kanila
"Stefen! Kanina ka pa namin hinihintay--teka, ikaw yung babae nung ano.." Parang minumukhaan niya pa ako
"Ah! Siya yung wanted! Totoo nga yung sinabi mo, Stefen, na dito siya mag-aaral" Sabi nung isa
"Carlo nga pala" Kamot na ulong sabi niya ng mapansin nakatingin ako
"Xander" Pakilala naman nung isa pa
"Teka.. Bat nga pala kayo nandito? Tsaka ahm.. ??" - Carlo
"Siya ata yung Keya na bagong lipat sa section ni Sir Santos, yung pinaguusapan ngayon" sabi ni Xander
Sikat na pala talaga agad ako
Tumango tango naman si Carlo
"Kaya pala, Hi keya!" Kaway na sabi niya
"Ilayo niyo sa akin yang kasama niyo" Sabi ko nalang at tinignan si Stefen na unting unting kumukunot na ang noo
Napatahimik naman yung dalawa at napatingin din kay Stefen
"Woah"
Tumalikod na ako at umalis na
Buti nalang hindi na ako napigilan ni Stefen dahil kinukutya na siya nila Xander
"Bro, ilayo ka daw namin"
"Linta kaba bro?"
________
"Balita ko, yung anak na daw ng may ari ng University ay pupunta dito, siya na ang mamahala sa G.U""Lalaki o babae?"
"Diko sure eh, wala naman balita tungkol sa anak nila.. Pero alam ko babae"
nag inat ako sa inuupuan ko na sanga
Malaking puno ito na nakita ko habang naglalakad kami ni sir Santos
Wala masyadong tao kaya napagdesisyonan ko na dito muna tumambay habang hinihintay ang next class ko
napatingin ako sa baba
May dalawang babae na naguusap
Usap or chismisan?
"Grabe, ano kaya itsura niya noh? Hindi kase siya pinapakita kaya nakaka curious"
"Maganda? Nakita ko na yung may ari nung first high ko eh, kaya syempre maganda ang Anak"
Ok, natuwa ako sa sinabi nung isa
At totoo ang sinasabi nila na hindi ako pinapakita sa public, minsan oo pero dati payon
Simula ng pumasok ako sa pagiging Gangster, Naging tago na ako, delikado na at baka madamay pa ang mga kakilala ko
Dahil naiingayan na ako sa usapan nila at hindi na natuloy ang balak ko sanang pahinga ay naisipan ko nalang bumaba
"Aaaaaa!" Gulat na napatingin sa akin yung dalawa
Sakto ang pag baba ko sa harap nila
"Maganda yung anak, nakita ko na siya" Ngumiti ako bago umalis sa harapan nila
"Teka... Diba siya yung Wanted? Yung Bago?"
"Oo nga noh"
oras na para mag aral
___________
Bored na bored na ako habang nakikinig don sa nagtuturoWala pa atang isang oras pero pagod na agad ako
Wala naman akong ginawa kundi makinig
At nakaka ilang pa yung teacher
lalaki siya, mabait pero nakakailang ang tingin niya
Masyado siyang kabado
Patingin tingin kase siya sa akin na kinakabahan kaya yung mga kaklase ko tuloy ay nagtataka na napapatingin sa akin
Sa ginagawa niya mas lalo sila magtataka
Mawawala ang pakiusap ko na itago nila kung sino ako, na ako ang anak ng may ari
Nagsasalita siya pero napapatingin padin sa akin kaya nagtaas na ako ng kamay
Kaya mabilis pa sa alas kwatro na tinawag niya ako
"Yes Miss--ehem, Keya"
Magtatanong sana ako pero bumukas yung pintuan
Napatingin kaming lahat doon at yung ibang babae naman ay nanlalaki ang mata
"bakit sila nandito?" napatingin sa akin si Carlo at Kumaway
hanggang sa dumapo ang tingin sa akin ni Stefen
"Buti at naisipan niyo pang pumasok"
"Sinipag yung isa sir eh" Sabi ni Carlo na nakangisi
"Linta eh" Nagkibit balikat si Xander
Magkaklase pala kami
Tinaasan ko ng kilay si Stefen na kanina pa nakatingin sa akin
tumaas ng konti yung labi niya para bang may nakakatuwa
"Sorry sir, Tagal kase dumating ng hinahanap ko"
BINABASA MO ANG
Gangster Queen Meets The Mafia Boss(UNDER REVISION)
Teen Fiction(Hamilton Series#1) Highest Rank#1 in Teen Fiction