Chapter 6

53.8K 1.6K 45
                                    

Nakakabagot. Bored na bumuntong hininga ako at binato ang dart sa dart board

Bullseye

Nandito na ako sa Bahay namin sa Pilipinas, malaki laki din ito katulad sa amin pero walang masyadong gamit kase minsan lang naman kami dito. Pero iba na ngayon dahil nandito na ako at hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito

May pagkain nadin na naka stock, ni ready na talaga ni Dad ang lahat

Dito na din nag stay na si Kuya France bilang taga bantay ko nga. Buti nayon at may nakakasama ako, ang boring kaya pag mag isa ka lang at puro katulong ang kasama mo sa bahay na ayaw ka naman kausapin

Malinis at maayos ang naabutan ko pag kadating ko dito sa Bahay. Every month kase ay may pinapadala sila Mom na magaayos para kahit paano ay maayos ang bahay kahit na walang tao

Unang araw ko palang dito ay bored na bored na ako. Doon kase sa amin pag ganitong araw ay kasama ko sila Charm at pumupunta kami sa Underworld para magpalipas ng oras

Napahinto ako sa pagbabato

Underworld?

Pwede naba ako?

Napangiti ako sa naiisip ko. Hmm not bad

Mabilis na tumayo ako at nag ready pero napamura ako ng nakitang tinago ni Kuya France ang mga gamit ko sa pang laban kaya bumaba ako para kausapin siya

"Kuya France! Bakit nawawala ang gamit ko?" Inis na sabi ko sa kaniya

Nag kakape ito habang nanonood ng Netflix sa sala

Tinignan niya ako at humigop sa Kape

"Bawal" Sabi nito at nanood

"Bagot na ako dito sa bahay"

"Nope"

"Seryoso kaba?"

"Yes" Sabi niya habang nanonood

Sinabihan ata siya ni Dad na bawal muna ako makipagaway sa labas. Alam na alam na talaga ni Dad ang gagawin ko dito sa unang araw palang

Inis na bumuga ako ng hangin at kinuha ang susi sa Lamesa na ikinatingin niya

"Saan ka pupunta? pag pumunta ka sa Underworld susundan talaga kita"

"Mag mall ako! Wala na ako magawa dito sa bahay... Baka naman mall bawal padin?"

Napaisip siya

".. Sige ingat" at nanood ulit siya humigop higop pa ng kape

Wala man lang siya ka reaksyon at nakatutok lang sa pinapanood niya

Umalis na ako sa harapan niya at kinuha ang motor niya na nakalagay na sa labas. Wala pa dito ang kotse ko kaya motor nalang muna ako

Salamat naman at meron motor dito si Kuya France kundi mapipilitan ako mag commute nito

Sinuot ko na ang helmet at umalis na

Finally makakagala na

_________________

Sa malapit lang sa amin ako dumeretso, lalayo pa ako kung meron din naman malapit sa amin. Sa sobrang init din ay hindi ko na kayang mag byahe pa ng malayo. Iba talaga init dito sa pinas para kang nasa oven

Ang ganda ng motor ni Kuya France, ang bilis din

Hingin ko kaya sa kaniya?

Mayaman naman din yon kayang bumili ulit ng bago

Dumeretso na ako sa Parking lot at nang makahanap na ng pwesto ay huminto na ako. Napatingin ako sa katabi ko. Wow, Hindi pa nailalabas yang motor nayan, meron na agad siya?

Nakita ko kase yan sa online at balak kong bumili dahil maganda tsaka ilan lang ang ilalabas nila kaya nga pinagiipunan ko, nasa milyon ang halaga niyan sa pagkakaalam ko

Pero eto, hindi pa nailalabas sa market meron na agad

"Napaka yaman siguro" bulong ko

Inalis ko na ang helmet ko at sinabit sa salamin ng motor. Sinuklay ko ang buhok ko dahil nagulo sa helmet bago ako naglakad papasok sa mall

Ano nga ba ulit gagawin ko dito?

Si kuya France kase eh, kung hindi niya sana tinago edi sana nasa Underworld na ako at nag eensayo. Baka sa isang araw mawala na ang lakas ko kase wala akong exercise

Konti lang din naman gamit ko sa bahay tsaka sa susunod na pala ang pasok ko, bumili nalang kaya ako ng gagamitin ko? Para naman hindi masayang ang punta ko dito

Kung sila Charm at Alexa kasama ko panigurado wala pang kalahating oras ang dami na nilang bitbit

Kaya napag desisyonan kong dumeretso sa Store namin, pinatayo ito ni mom para sa mga estudyante na kailangan bilhin ang Uniform nila

"Welcome Ma'am Keya" Agad na pumunta sa akin ang isang babae ng makita na papasok ako

Nakita ko pa ang ibang magtatrabaho doon na nakapila at nakaharap sa akin, yung iba ay may pagtataka sa mukha at mukhang mga baguhan. Yumuko sila ng mapatingin ako

Kilala na ako ng Manager dito baka kase dahil kay Mom, madaldal pa naman yon

"Wag na, kukuha lang ako ng Uniform"

"Sinabihan na ako ni ma'am na i ready ang Uniform niyo, saglit lang po" tumango naman ako

"Umupo muna kayo habang kinukuha ko ang Uniform niyo..." May tinignan siyang isang babae

"Mag ready ka ng inumin--"

"no thanks, kukunin ko lang yung uniform"

"Ok ma'am, kukunin ko agad ang gamit niyo" at umalis na siya

Umupo nalang ako sa extra na upuan dito, yung mga nagtatrabaho naman dito ay hindi alam ang gagawin habang nandito ako

Tinignan ko ang isang uniform na naka display sa labas, maganda talaga ang uniform ng Garcia. Yung presyo din napaka ganda

Binitawan ko ang price tag at hinintay nalang ang uniform ko

Hanggang sa lumabas yung babae na may hawak hawak na isang box

"Eto napo ang ni ready ni ma'am para sa inyo, may limang set na po diyan ng Uniform, pati sapatos ay nandiyan nadin po kung may kailangan ka pa ay itawag mo nalang sa amin at kami na ang bahala mag padala sa inyo "

"Thanks"

"Welcome ma'am keya"

So paano ko ito ilalagay sa Motor ni Kuya France?

________
Nasa motor na ako at iniisip ko pa kung paano ko dadalhin itong box na to. Hindi ko naman alam na isang box pala ibibigay sa akin ni mom edi sana diba nag kotse ako

Yung kotse ni Kuya France gagamitin ko

"Paano kita isasakay ah?" para naman sasagutin ako ng box

Nakaharap lang ako sa box habang nasa upuan siya. Napahawak ako sa bewang habang nagiisip

May tali kaya na naiwan si Kuya france dito - - - -

"Nandito ka lang pala"

What the fuck?

Nakahawak siya sa bewang ko at hinapit pa ako papalit sa kaniya. Napatingin ako sa kaniya na gulat habang siya naman ay deretso na nakatitig sa akin

"I look everywhere for you, love"





__________
don't forget to vote and comment...thanks:)

Gangster Queen Meets The Mafia Boss(UNDER REVISION) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon