Killer-killer

10.9K 159 20
                                    

Prologue

Lucky enough I'm not one of them.

But unlucky enough to witness each and every one of them get killed...

A game everyone thought was normal

Turned to a devilish game being controlled by one...

As a child, the result of the game is not what you expect...

After so many years...I forgot about it...

Until history repeated itself...

HIM...

He's at it again....

Why is he doing this? What for?

That's when I came into the picture

I'm a nobody...

But this nobody is determined to solve the puzzle, stop the game and save everyone...

I am Dominic Perez at we are all included in the game...

Killer-killer

Chapter 1

"Tulong! Tulungan niyo ko!!! Domi--"  Nanlalaki at mangiyak-ngiyak kong pinanood na paslangin ng isang mamamatay-tao ang isa sa mga kaklase ko.

Naputol na ang pinakahuling sigaw nang sinaksak niya ito sa lalamunan dahilan para magsitalsikan ang dugo sa paligid.

Mahina akong napahagulgol. H-hinde.. hindi to nangyayari.. P-panaginip lang to.. Tama. Panaginip lang to.

Itinaas ko ang ulo ko para siguraduhing nananaginip na naman ako sa klase. Kaso walang nangyare.

Ganun pa rin ang eksenang nakikita ko. Nagkalat pa rin ang dugo at patay na katawan ng mga kaklase ko.

Ngunit kinabahan ako nang mapansin kong may kulang. Asan na siya?

Asan na ang killer? Ang may gumawa ng lahat ng ito?

Pinilit kong tumayo kahit na sobrang hina ko na dahil sa mga nasaksihan ko. Ginamit ko ang kaunting lakas ko upang makatayo. Kailangan ko ng makaalis dito.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata ko at paika-ikang naglakad papunta sa pintuan.

Hindi ko maiwasang maiyak habang naglalakad dahil sa nakakalat na katawan ng aking mga patay na kaklase. Hindi sila nararapat na mamatay ng ganito na lang.. 

Itinuon ko ulit ang pansin sa pinto na malapit ko na maabot. Rinig na rinig ko ang malakas na pintig ng puso ko.

Nakahawak na ako sa pinto. Ngunit bago ko pa ito mabuksan ay nagulat ako nang may biglang humila sa paa ko dahilan para mapasigaw ako. Mas nilakasan niya ang paghila sa paa ko kaya't napabitaw ako sa pinto at nadulas, dahilan para mabagok ang ulo ko sa sahig.

Nagising ako ng hingal na hingal. 

Hinawakan ko ang mukha ko at.. pawis na pawis ako. Ramdam na ramdam ko rin ang mabilis pa rin na tibok ng puso ko sa sobrang kaba.

Napabuntong-hininga ako. Isa na namang panaginip. Isang bangungot...

"O Diane! Gising ka na pala? Sayang! Gigisingin sana kita eh!"

Killer-killerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon