Chapter 2

3.4K 98 4
                                    

Diane's POV

"Wag ka na mag-alala. Hinding-hindi ka na maaapi ngayo't nandito ako"

Napatingin ako sa kanya at nakita ang sinseridad niya sa mukha. "S-salamat" sabi ko.

"Hoy! Ano ba naman tong mga batang etey! Bat di mo naman kami hinintay, Diane?" asar na tanong ni Tiara sa akin.

"Kinaladkad niya ako eh" sabi ko sabay turo kay Renz.

"H-HA? Ako na nga itong tumulong sayo eh!" pagdedepensa niya.

"Psh! Ano ba naman yan! Wag na nga kayong mag-LQ! Uwi na tayo" tugon ni Tiara.

"Agree ako sayo diyan, Tiara. Kita mo, magkahawak kamay pa rin sila. Ang cute noh?" sambit naman ni Rizia.

Napatingin ako sa kamay namin na magkahawak nga. Napabitaw kami ng sabay at di nag-pansinan.

"Asus! Nahiya pa itong si Diane! Lika na nga" sabi ni Tiara sabay hila sakin.

"Uy teka! San ba kayo nakatira?"

"Doon sa apartment na yun" sabi ko sabay turo sa isang building.

"Weh? Dun din kami eh! Lika! Sabay na tayo!" sabi ni Rizia at sumabay na nga sa amin.

Bakit ganun? Parang lagi na lang kaming sinusundan ng magkapatid na ito? Paranoid much ba?

Sumakay na kami ng elevator at mas nakapagtataka nung parehas pa kami ng floor.

Pagdating sa floor 36, mas ipinagtaka ko nung magkatabi lang ang apartments namin!

"Dito pala kayo. Hehe.. well, neighbors na tayo! Good night!" sabi ni Rizia bago isarado ang pintuan ng apartment nila.

Narinig ko na lang ang mga yapak na papunta sa amin at napalingon ako at nakita si Ara Mae Santos. Kaklase rin namin siya at siya ang pinakamasayahin sa amin.

"Goodnight... Diane, Tiara." sabi niya bago ngumiti ng napakatamis at pumasok sa loob ng isang apartment sa tapat namin.

Pumasok na rin kami ni Tiara sa apartment namin at ako'y napabuntong-hininga.

Maraming nakakapagtataka na pangyayari ang nangyari ngayon. Kagaya na lang nung mga bago naming kaklase na kahit 3rd month na pagkatapos ng pasukan ay nakapasok pa rin.

Sumunod na araw ay yamot na yamot ako. Hindi ko alam pero nagfla-flashback sa akin ang mga sinabi ni Renz. Na simula ngayon ay hindi na ako maapi dahil andito na raw siya. Psh, sino siya? Si Batman?

"Oh Diane. Di pa nga pumapasok, haggard ka na agad. Mukha kang living zombie! Anyare?" tanong sa akin ni Tiara.

Tinignan ko lang siya ng masama. Wag na wag niyong subukan ang pasesnsya ko't ngayon ay BV ako.

Pumasok na rin kami ni Tiara pagkatapos kumain at kasabay na rin namin sina Rizia at Renz na naghihintay pala sa amin. Mas ikinagulat ko ay kasama nila si Ara.

"Morning haggard peys! Ngiti ka naman diyan oh!" bati sa akin ni Ara.

"Wag niyo kong guluhin, BV ako ngayon" sambit ko.

"Meron ka?" tanong ni Renz kaya nabatukan ko siya.

"Gaga! Sabi ko BV ako ngayon! Binge!" sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya.

Pagdating sa classroom ay sinalubong agad ako ni Karlito. Karl for short. Siya ang pinaka-childish sa amin pero wag kayo, matalino yan.

"Hi Diane! Alam mo ba, nanood ako ng adventure time?" Pakisabi naman sa akin na hindi 3-year-old itong kausap ko.

Killer-killerWhere stories live. Discover now