Chapter 4

2.5K 75 10
                                    

Chapter 4

Danielle's POV <Eto yung isa sa mga tauhan ni Pres>

Hay nako! Ang bagal kumilos ng matandang to! Nakakabwiset!

"Pakibilisan naman. Nagmamadali ako" inis na sabi ko. Napatingin siya sa akin na may awa sa mukha.

Para saan naman yang mukhang yan?! Sipain ko yan eh!

Ibinigay na niya sa akin ang chichirya na binayaran ko kanina pa. Hinablot ko mula sa kamay niya at inirapan pa siya bago umalis.

Habang patawid ng kalsada, napansin kong nawawala na doon yung lalakeng nerd. Fudge. Asan na siya??

Naglakad ako sa pwesto kung saan ko siya iniwan at nakita ko ang bag ko na nakakalat doon.

Kinuha ko ito mula sa sahig at isinabit. Inis na naglakad ako papaalis.

Lagot sa akin ang lalakeng yun.

***

Diane's POV

"Hey. Have you heard? Nawawala daw si Hans na kaklase naten?"

"Eh? Sino yun?"

"Yung nerd na laging binubully!"

"Ah. Sus. Wala akong pake"

Yan ang usapang tumumbad sa amin pagkapasok ng classroom.

May nawawala kaming kaklase? Napansin ko nga.. nawawala na yung nerd na laging binubully ng isang linggo. Akala ko nagkasakit, yun pala nawawala na siya.

"Hey! Would you stop murmuring?" inis na sigaw ni President sa mga nagtsi-tsismisan. Napatungo yung mga sinigawan ni Pres at mabilis na umalis.

"Kung magbubulungan kayo, pwede bang walang nakakarinig?! Kaya nga BULUNGAN diba??" dagdag niya pa bago bumalik sa kanyang gawain.

Tumakbo papunta sa akin si Tiara. "Hoy Diane! Narinig ko yung mga sinabi nila! Baka kasalanan ko kasi.. kasi hindi ko siya pinahiram ng ballpen! Nakooo!" nagpapanic na sigaw ni Tiara sa akin.

Napairap ako sa kanya. "Wag ngang OA, Tiars. Siguradong wala kang kasalanan sa pagkawala niya."

Nakahinga naman ng maluwag si Tiara. Bumalik na siya sa dati niyang upuan.

"Uhm.. Hi Diane. Diba marunong ka naman sa Algebra natin ngayon? Pwede mo ba akong i-tutor?"

Killer-killerWhere stories live. Discover now