13 - mall, movie

92 3 0
                                    

Update! :)

 

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> 

 

 

“Jov, sama ka sa mall?” tanong ni kuya Josh sa kin.

Napatingin na lang ako sa kanila ni ate Marian.  Napangiti ako.

Ang cute nila! Para talaga silang couple!  Magkatabi sila ngayon tapos dala ni kuya Josh yung bag ni ate.  Hihihi, kinikilig ako!

Binalik ko sa tv ang tingin ko.  “Hindi na! Maganda tong pinapanuod ko eh!”

Ayoko ngang maging extra sa kanilang love life no!

Napatawa na lang si kuya Josh. “Mahilig ka pala sa Sponge Bob.”

Inirapan ko lang siya.

Actually napanuod ko na tong episode na to pero alangan namang makisingit pa ako sa quality time together nila di ba?

Umupo bigla si ate sa tabi ko.  “Jov, sama ka na please!” Makulit na sabi ni ate.

“Ha? Ayoko nga!” sigaw ko tapos lumapit ako sa tenga niya. “Pati di ba date niyo yan ni kuya Josh?” bulong ko kay ate.

Biglang  may tumunog na phone.  “Hmm, labas lang ako ha!” masiglang sabi ni kuya Josh. “Sunod ka na lang ha my Marian hahaha!”

Namula naman bigla si ate Marian. “Wag mo akong tawagin ng ganun!! Di mo ako pagmamay-ari!” Sigaw niya.

Kinikilig ako!! My Marian pala ha! Hahahahaha.

Tumawa na lang si kuya Josh habang palabas.

"Tsk, nakakainis talaga yung lalaking yun."  Bumalik ang tingin ni ate Marian sa kin tapos biglang hinawakan yung kamay ko.  “Jov! Sama ka na please! Sina dad lang naman ang pumilit na lumabas kami eh!”

“Ayoko! Moment niyo nang dalawa to oh!  Pag-asa mo na oh, di ba sabi mo gusto mong maranasang ma-inlaaa…” Tinakpan ni ate Marian yung bibig ko.

“Basta sasama ka period!”

Pinatay ni ate ang tv at hinila ako palabas.  Ay hinila ba? Kinaladkad ako!!! Ang saklap!!

…………………………

Ouch!  T_T Bakit ang sama ng ate ko?  Ang sakit sakit ng wrist ko, makahila ba naman wagas!

Pagdating namin sa mall, I tried my best na mapahiwalay kina ate at kuya pero di ako pinapatakas ni ate Marian!! Hala!! Ayoko talaga ng ganito!  Sayang lang ang date eh!

Ayoko sa Pangit!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon