28 - wanted: vocalist!

66 3 0
                                    

Update!

>>>>>>>>>>>>>>

Hinatid ako pauwi ni Vindei.

"Oh bakit ang laki ng ngiti mo?" bungad sa kin ni ate Marian.

Ayyy. nakangiti pala ako? "Ha.. ah wala naman."

"Hmmm... in love ka na nga talaga." pang-aasar niya.

"Huy hindi ah! Birthday ko na kasi next next next week!" pagdadahilan ko.

"Hay naku! Di mo ako maloloko! Three weeks pa no!" She said and smiled. "In love ka nga?"

"Oo na lang." Tapos nilayasan ko siya at dumiretso sa kusina pero kinulit niya ako.  Haay...

The next day...

"Jovanna gising na." Agad akong nagising sa boses ni ate Ina. "Aba himala, bumangon agad ang prinsesa." Pang-aasar ni Ate Ina.

"Yabang mo ah!" Sigaw ko kay ate Ina.

Hindi ako pinansin ni ate at nagligpit na ng gamit ko na nakakalat. Sorry naman at hindi ko naa-ayos kwarto ko!

Tumingin ako sa orasan. 5:40 na.

"Ate, may dumating bang kaibigan ko?" tanong ko.

"Ngayong umaga?" tanong niya.

"Oo"

"Wala naman."

"Ah ok." sagot ko tapos medyo nag-ayos ng buhok at lumabas ng kwarto ko.  Na-uuhaw na ako eh!

Dumiretso ako sa kitchen at nakita ko ang katulong namin na si ate Jessa na nagluluto ng almusal. "Good morning! Ang aga mo ah. May pasok ka ba?" bati ni ate Jessa sa kin.

-_- "Bakit ganyan kayong lahat sa kin? Lagi ba akong tanghali gumising?" tanong ko. "Wala po akong pasok ngayon. Ate talaga!" Kumuha ako ng fresh milk at uminom.

"Ate Ina!" may sumigaw na lalaki sa may living room. Sino naman kaya yun? "Ate Ina" ulit niya.

Parang kilala ko ang boses na yun. Kung di ako nagkakamali ay si.. "Jov. Pakitingnan naman kung sino yun oh." sabi ni Ate Jessa. "Nasa taas si Ina eh."

"Ha? Nakapangbahay pa ako oh!"

"Eh nasa bahay ka naman ah." Sabi ni ate Jessa.

Haay. Galing ng katulong namin no? Inuutusan ako!

"Fine." >_<

Nang makarating ako sa living room ay kinabahan ako. Nakatalikod kasi yung lalaki eh. Pero di na ako pwedeng magkamali eh. "VINDEI!" sigaw ko at nagulat naman siya at napaharap sa kin. Medyo bumilis ang tibok ng puso ko.

"Hay" Napahawak siya sa dibdib "Ba't ka ba nanggugulat ha?" Tanong niya.

"Eh bakit ka ba nandito?" tanong ko.

"Magjojogging tayo di ba?" naka-smile niyang sabi. Ang saya ng feeling na makita mo siya sa umaga. Tsk, grabe Jov, ang cheesy ng ini-isip mo!

Oo nga magjojogging kami. Kanina ko pa siya hinhintay eh. Kaya ko nga natanong kay ate Ina kung may dumating eh.

"Uma-umaga talaga?! Sineryoso mo?!" Sigaw ko kahit na masaya naman talaga ako.

"Oo naman!" sabi niya. "Magpalit ka na ng damit!"

Napatingin ako sa sarili ko. Sleeveless na bestida na maikli! Nag-init ang mukha ko kaya agad akong tumalikod. "Fine! Wait lang ha! Ka-inis!" nakita niya akong nakapang-tulog ko!!!

Ayoko sa Pangit!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora