19 - new person

54 2 0
                                    

Update :D

Thank you for reading :)

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

"Ano ba? Gabi na kaya." sagot ko kay Vindei.  Nakatingin lang sa amin si Jan.

"Gabi? 7 palang oh!" sabi ni Vindei habang tinuturo niya yung relo niya.

"Pwes, para sa kin gabi na yan." -ako

"Pare, gabi na nga.  Medyo dilikado na rin kasi." pagtatanggol sa kin ni Jan.

Oh! Ang gwapo pa rin ni Jan kahit gabi na!

"Ang KillJoy mo naman." sabi ni Vindei kay Jan tapos humarap na uli  siya sa kin. "Basta wala kang choice . Gusto mo bang sabihin ko kay Jan na nakit---" agad kong hinarangan yung bibig ni Vindei.

"Pssh!!! Jan, kailangan ko pa palang ilibre si Vindei."

"Sasama ako. Para maihatid na rin kita Jov." sagot ni Jan.

O_o What? Pero na-touch ako dun ha! >.< Kinikilig ako! Pero nakakahiya naman!

"Ok lang ba Jov?" tanong ni Jan. "Ako naman ang magbabayad sa sarili ko eh."

"Ah, Jan kahit wag na, maabala pa kita.  Kaya ko namang umuwing mag-isa eh." sagot ko kay Jan.

"It's no big deal, besides I am worried about you." -Jan

Napangiti na lang ako.

"Pare kahit wag ka na sumama, ihahatid ko naman si Jov sa kanila eh." naiinis na sabi ni Vindei kay Jan.

Anong meron? Akala ko ba magkaibigan sila? Di ba dapat matuwa pa si Vindei na sasama si Jan? What's their problem? Nag-away ba sila?

Tumingin sa kin si Jan na tila sinasabing ako na ang bahala kung sasama pa siya.

Na-se-sense ko naman baka makapatay pa si Vindei kung isasama namin si Jan...

Pinilit kong ngumiti.  "Sige Jan, wag ka nang mag-alala, ihahatid naman ako ni Vindei eh."

"Fine" sagot ni Jan. "Just be careful ok?" sabi niya sa kin.  Tumango naman ako.

Nginitian din niya ako ng pilit at tumingin siya kay Vindei. "Pare, ingat kayo." sabi niya sabay patong ng kamay sa balikat ni Vindei tapos ay naglakad na siya papunta sa parking area.  Si Vindei naman, poker face.

"Ano bang problema mo?" tanong ko kay Vindei.

Ayoko sa Pangit!Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ