26 - flyers

66 3 0
                                    

Update!

Nandito na kaming lahat sa piano room at masaya kami dahil nandito si Vindei.

"Anyway, dadating ngayon ang banda nila Xenon. Magpa-practice daw sila." sabi ni May habang kumakain kami ng cake.

Nagulat ako and at the same time ay nabuhayan ako ng loob. Sila Meggy?

"Bakit? Anong meron?" Tanong ni Vindei.

Ay siya nga, baguhan si Vindei sa OUA.

"Kasi ganto yun Vindei. Sa foundation week, may talent show tayo di ba?" panimula ni May.

"Oh, tapos?" -Vindei.

"Pare, sila Xenon ang tutugtog na banda. Di mo ba binasa sa poster?" explain naman ni Jan.

Magkakakilala sila? Naaalala ko pa naman na magkakilala si Vindei at si Meggy.. pero pati pala si Jan?

Malamang Jov, barkada nga si Vindei at Jan di ba?

"Jov, pwede favor?" tanong bigla ni May kaya tumingin ako sa kanya. "Pwedeng tayo ang mamigay ng flyers ngayon?"

"Ok, ngayon na?"

"Oo sana, tapos ka na kumain di ba?" tanong ni May.

"Oo, tara." sagot ko tapos tumayo ako.

"Wait." biglang nagsalita si Vindei. "Ako na lang ang sasama kay Jov." tapos ay tumayo na rin siya. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Hala, anong nangyayari sa kin?

Nagulat kami sa sinabi ni Vindei. Pero sumagot din si May. "Sure ka?"

"Oo naman! Pati ako ang pinaka-bagong member kaya kahit ano ipagawa niyo, gagawin ko!" masayang sabi ni Vindei.

Hmm, sa tingin ko fake yung sayang ipinapakita niya. May problema ba si Vindei?

"Jov! Tara!" sabi ni Vindei tapos hinawakan niya kamay ko tapos hinila na niya ako.

"See you later guys!" sigaw naman ni Rey sa amin.

"Bye." sabi ko naman. Pero nang mapatingin ako kay Jan ay nakatingin din siya sa akin. Why?

Nang makalabas kami ay alam kong mas mabilis na ang tibok ng puso ko at namumula na ang mukha ko. Buti na lang ay hindi tumitingin sa kin si Vindei! >.<

Ang hirap pala kapag crush mo yung taong palagi ka na lang hinihila... haay bakit ba kasi naging crush ko pa tong pangit na Vindei na to?!

Pagkatapos ng ilang sandali ay tumigil na din si Vindei sa paglalakad at paghila sa kin.  "Ah san na tayo mamimigay ng flyers?" tanong niya sa kin.

"Hmmm. Kahit saan naman eh." sagot ko.

"Talaga? Kahit sa Cr?" natatawang tanong niya tapos naglakad na ulit kami.

"Oo naman! Flyers lang naman eh." natatawa ko ring sagot.

Nagbigay na kami sa mga studyanteng nakakasalubong namin.

"Maganda tong flyers natin ah. Kakaiba." biglang nasabi ni Vindei.

"Talaga?" tanong ko na medyo nahihiya. Ako kasi ang gumawa ng flyers namin.

"Oo, sino bang gumawa neto?" tanong niya.

"Ah.. Secret!" sagot ko. "Baka magpagawa ka pa sa kanya ng kung anu-ano eh! Busy siya!" Agad kong sabi.

"Eh?" sabi niya.

Napatingin ako sa kanya at bigla akong nalungkot. Lumlipad isip niya eh.

Tinitigan ko siya. Nagawa ko ring tumitig ulit.  "Vindei, may problema ka ba?" seryosong tanong ko.

Ayoko sa Pangit!Where stories live. Discover now