3: Meet Mr. Martinez

11.1K 261 3
                                    

[Chapter Three]



Nakaharap ako sa salamin ngayon, tinitignan ko 'yung sarili ko sa salamin habang suot 'yung bago kong bili na uniform nung isang araw. 

Lunes kasi ngayon at may pasok, pagkatapos kong makita na ayos na ang itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto ko.

"Asan ba 'yung bag ko?" Nagmamadaling tanong ko sa sarili ko. Nakalimutan ko na bawal pala ma-late sa West Academy

"Ayun!" Sigaw ko nung makita ko, kinuha ko naman agad at tumakbo na ako para maglakad papuntang school, gaya ng sinabi ko, mahirap lang ako kaya kahit commute ay hindi pwede kasi kailangan ko magtipid. Bahala na kung ma-late ako.

Pagkatapak ko sa loob ng campus, 10 minutes pa bago mag-bell kaya nakahinga ako ng maluwag at naghanap ng mauupuan dahil ang sakit sakit na ng mga binti ko.

"Ariana Grande!" Isa lang ang tumatawag sa akin 'non

"Hannah Montana?" Nakangiting bati ko sa kanya atsaka siya lumapit sa akin

Siya si Hannah Lopez, hindi talaga Montana, best friends kami. 

Tawag niya sa akin Ariana Grande, tapos tawag ko sa kanya, Hannah Montana kaya laging napapatingin mga kaklase namin sa amin eh. Eh sa 'yun trip naming dalawa eh. 

Siya rin 'yung sinasabi ko na sinaktan ni Jerard noon. 

"Oh? Ari? Kamusta naman weekends mo?" Sabi niya nung umupo siya sa tabi ko

Hindi ko pwede sabihin sa kanya na magtatrabaho ako bilang katulong ngayon kasi nahihiya ako atsaka mayaman kasi sila eh tapos ako ganito lang, simpleng tao lang, baka madismaya siya sa akin kung sakaling malaman niya. Saka kilala ang pamilya niya, nahihiya ako sa kanya pero mabait siya sa akin, naguguilty nga ako na naglilihim ako sa kanya, tungkol sa pagkatao ko. 

"Ha? Ayos naman, medyo boring, sa'yo ba??" Pagsisinungaling ko

"Okay lang din naman, galing kaming Singapore bitin nga eh pero may pasalubong ako sa'yo." Saka siya may nilabas na isang cute na backpack at iniabot niya sa akin. "Ayan lang nabili ko eh!" Naka-pout niyang sabi

"Ano ka ba? Okay lang 'to. Ang cute cute kaya! Thank you, Hannah!" Sabi ko saka siya niyakap

"Basta ikaw, Ari! Pero maiba tayo, alam mo ba may pasa sa pisngi si Jerard ngayon? Sipain ko 'yung gumawa 'non eh. Nasugatan tuloy ang oh so handsome niyang mukha" Sabi niya na nanggigigil at nanlilisik ang mga mata

Paano kaya kapag nalaman niyang ako ang may gawa non? 

"H-Hindi pa. Malay mo may ginawa kasi yun kaya sinuntok sa mukha niya! Sana nga binasag na mukha niya eh." Paliwanag ko sa kanya

"Sinuntok? Paano mo nalaman na sinuntok ha, Ari? Ang sabi ko lang naman eh, may pasa siya?" Nakataas na kilay na tanong niya

Oo nga naman. Napakatanga. Ang tanga ko naman. Kailangan ko ng palusot.

"Ha? Kasi pasa sabi mo nga, diba? Alangan naman kinurot, diba? Hindi ba? Hannah naman, common sense, please?" Palusot ko at kunwari ay inirapan siya

"Hmm. Sabagay." Tango tango pa siya

"At isa pa, hayaan mo na nga 'yung Jerard na 'yun. Past is past na lalo na't wala namang kwenta 'yang lalake na 'yan. Bakit ba iniisip mo pa? Gayahin mo siya, move on na. Ang gaga mo talaga, bakit ba kita best friend?" Pag-iiba ko ng usapan

Maid For HireWhere stories live. Discover now