18: Broken Hearted

6.6K 164 2
                                    

[Chapter Eighteen]



Halos isang linggo na din simula nung alagaan at bantayan ako ni Jerard nung may sakit ako tapos hindi ko na rin siya masyadong nakikita dito sa school, baka busy siya. Pati sa mansion nila ay wala siya, tuwing pupunta ako doon ay hindi ko siya nadadatnan o naabutan. Namimiss ko tuloy siya hehe




 Tapos na lahat ng klase at subjects ko kaya naman pupunta na ako sa bahay nila Jerard para magtrabaho at para na rin sana silipin kung andoon siya. Sana nga lang ay nandoon siya ngayon. Hindi ko maikakaila na sobra na talaga 'yong pagkamiss ko sa kanya




"Bye Hannah Montana! See you next week." Sabi ko kay Hannah at niyakap siya ng mahigpit




Nabalitaan na niya 'yong mga pagpapanggap namin ni Jerard nung nakaraang linggo, nasaktan siya pero nagpaliwanag naman na ako sa kanya na hindi naman totoo lahat ng 'yon kaya naman napanatag na siya pero sabi niya may nararamdaman parin siyang kakaiba pero hindi na pagseselos 'yon dahil sabi niya kanina ay unti unti naman na daw nawawala feelings niya para kay Jerard pero hindi ko pa nasasabi na may feelings ako sa ex boyfriend niya.




Aaminin ko masaya ako para sa kanya dahil nakakamove on na siya pero masaya din ata ako kasi hindi na siya masasaktan kung sakaling sabihin kong mahal ko na si Jerard.




"Bye Ariana Grande! Love you!" Saka niya ako hinalikan sa pisngi at sumakay na sa kotse nila kaya naman lumabas na ako ng gate ng school "And yes Mr. Martinez sana nasa bahay niyo na ikaw." Nakangiti akong naglakad




"Dylan? Andiyan na ba si Jerard?" Tanong ko agad kay Dylan nung makapasok na ako sa kusina ng mansion




"Oo, Ariana andiyan lang siya buong araw. Bakit mo siya hinahanap?" Tanong niya habang nakataas ang isang kilay na parang nagtataka "Andoon siya sa taas, mukhang may inaasikaso siyang importante."




"Ah mabuti naman kung ganon pala kasi kailangan ko siyang kausapin eh, may sasabihin kasi ako. Siguro naman maitatabi naman niya saglit 'yong ginagawa niya. Sige, maglilinis na muna ako." Nakangiti kong sagot, aalis na sana ako ng bigla ulit siyang magsalita




"Teka Ariana, may ---"




"Mamaya na lang tayo mag-usap ah, Dylan? Aakyat na ako!" Hindi ko na pinatapos 'yong sasabihin niya kasi excited na ako makita si Jerard ngayon

Maid For HireWhere stories live. Discover now